Ngayon tayo ay dadako sa Casa de Reál kung saan naghihintay ang mga mayayaman na mga pamilya na dumating ang tanging anak nina Don Alessandro at Doña Rosa Valencia na si Zacarias at sa kasintahan niya na nagmula sa Espanya, kaya habang naghahanda ang iba sa mga pagkain at ang iba naman ay nilagay nila sa maayos na lugar ang mga pagkain sa lamesa upang hindi ito mahulog o kaya anu-ano pang mangyari sa mga pagkain nila, habang ang mga kalalakihan na mayayaman ay nag-uusap sa isa't isa tungkol sa mga buhay nila at ang mga kababaihan naman ay nag-aayos sa kanilang mga sarili para maganda sila tingnan kahit anong mangyari sa buhay nila basta maganda parin sila. Habang sila'y abala sa mga gawain nila sa loob ng Casa de Reál ay sa gitna ng pag-aabala nila ay dumating na ang kinatatakutan ng lahat ng mayayaman na angkan, dumating na ang pamilyang Yñiguez dala ang matataray at mga pilyo nilang mga tingin sa kapwa nila, isa na dito ang kataas-taasang señor nila na ama ni Margarita na si Don Crisostomo Yñiguez, mukha palang niya nakakatindig na ng balahibo, talaga siya'y napakapilyong tingnan kapag ito'y tinitigan mo nang husto, aba kaya pala maldita itong si Margarita, may pinagmanahan. Kaya ngumiti nas lamang si Don Crisostomo kay Don Alessandro habang siya'y binati nang taos-puso, walang halong biro sa isa't isa.
“O, Don Alessandro Reál!”
“Magandang gabi saiyo, Don Crisostomo! Ikagagalak ko na dumayo ka talaga dito sa pagtitipon natin!”
“Aba, naman, sinabi ng aking hija na may pagtitipon na gaganap dito at dito nalang din natin pag-uusapab ang kasalan ni Margarita at Zacarias.”
“Magandang ideya nga iyan, Don Crisostomo.”
“Matanong lamang, Don Alessandro nasaan na si Zacarias?”
“Sandali lamang, tatanungin ko muna si Rosa.”
Ang kanyang wika nang lumingon si Don Alessandro sa pasilyo patungo sa kusina ng kanilang casa upang kausapin ang kanyang asawa na si Doña Rosa Valencia kung nasaan na ang dañoso nilang anak na si Zacarias. Nang narating ni Don Alessandro ang kusina ng kanilang casa, nakita niya na abalang-abala ang mga ginang sa pagtalastasan sa isa't isa at mga katulong na nagmumukhang basahan sa harap ng mga maharlikang tao ay nagluluto para sa kanilang mga pagkain, walang magawa si Don Alessandro kundi lapitan si Doña Rosa Valencia na pinagtataasan niya ng boses ang isang katulong na aksidente na nasaboy ang sopas sa kasuotan ni Doña Rosa.
“Tingnan mo ang iyong ginawa!”
“P-Paumanhin, señora h-hindi ko po ito sinasadya.”
“Linisin mo ang mga tira-tira dyan! Sa susunod mag-iingat ka ha, kung hindi ihahampas ko sa iyo ang mga bagay na makita ko!”
“Rosa!”
Sigaw ni Don Alessandro sa kanyang asawa nang napakalakas na para bang kidlat sa kalangitan ang kalakas ng kanyang sigaw.
“Asawa ko, naparito ka yata? Diba sinabi ko sa iyo kanina na maghintay lang kayo—”
“Matanong lamang, asawa ko.”
“Oo naman, maari ka magtanong kahit anong bagay na nais mo.”
“Nasaan si Zacarias? Bakit ang tagal niyang dumating dito? Magsisimula na ang pagtitipon natin!”
“Aaah— eh—”
“Nasaan siya, mahal ko?”
“Aaah— s-sinabi niya sa akin kanina lamang na siya'y pupunta sa simbahan dahil andoon naghintay si—”
![](https://img.wattpad.com/cover/218396955-288-k203152.jpg)
BINABASA MO ANG
Century of Love
RomanceKayo ba'y pinagtapo at tinadhana? O sadyang pinagtagpo lang kayo para kilalanin ang isa't isa? Andito naman tayo sa isang makasaysayang pag-iibigan ng dalawang tao na magkaiba ang landas nila, ang isa ay nagmula sa mayamang angkan at ang isa naman a...