Sa sobrang kaba ni Juanita sa mga tanong ibinuga ni Don Crisostomo sa kanyang bibig ay nangi-ngimi na nang husto si Juanita at hindi niya mapigilang mapalunok sa kanyang sariling laway patungo sa loob ng kanyang lalamunan. Hanggang sa tumigil ang matinding labanan ng pasagutan nina Juanita at Don Crisostomo nang biglang limasin ni Don Alessandro ang kanyang lalamunan upang tumigil na si Don Crisostomo sa kakatanong kay Juanita.
"Tapos na ba kayo?"
"O-Opo, tiyo."
"Dahil sa liham ba, hija kayo nagkakilala ni Zacarias?"
"Opo, ako 'yung pasimuno ng liham iyon at nagkamali ang kartero ng pagbigay ng liham sa halip na ibigay kay Ina ang liham na iyon, binigay ng karterong iyon kay Zacarias."
"Napakagandang pag-iibigan, buti ika'y pumunta dito sa Pilipinas upang kilalanin nang husto si Zacarias."
"Pinagtagpo lamang kayo ng tadhana upang kilalanin ang isa't isa, nakakasugat naman iyon."
Mabangis na wika ni Margarita kay Juanita at Zacarias habang namamaypay siya gamit ang kanyang pamaypay na yari sa abaniko at talagang tinitigan niya si Juanita nang napakabangis, mas mabangis pa ang kanyang titig kaysa sa tigre na galit na galit.
"Marahil naiingit ka lang dahil mas pinili niya ako kaysa saiyo."
"Bakit naman ako maiingit sa'yo? Mas mabuti pa nga na mahalin ko ang sarili ko kaysa sa lalaking 'yan!"
"Mas mabuti pa nga na mahalin mo muna ang sarili mo kaysa naman mahalin mo ang taong hindi naman mapapasaiyo."
Ang mabangis na bulalas ni Juanita sa makunat na si Margarita, literal niyang inihaw ang maduming ugali ni Margarita sa nasusunog na mga bahid ni Juanita. Nang sinabi iyon ni Juanita, lahat nasa paligid ng Casa de Reál biglang tumahimik at puno ng kasaganahan ang nasa paligid, niisang bulalas ng mga tao ay niisa sa kanila walang kibo ang mga tao dahil sa sinabi ni Juanita, si Doña Valencia na habang umiinom ay biglang nabulunan ang lalamunan ng tubig nang dahil doon, si Don Crisostomo na nanlaki ang kanyang mga mata at ang kanyang tauli ay walang kabuluhan, si Don Alessandro na tahimik na nagmumuni sa kanyang sarili nang dahil doon hindi makatauli nang dahil doon, si Zacarias na tahimik na tumawa sa kanyang sarili nang dahil doon sa sinabi ni Juanita hindi siya makapaniwala na kaya pala ni Juanita na manghusga ng isang mayaman na ungas at panghuli si Margarita ay talagang nanggigigil na siya sa ugali ni Juanita, hindi niya talagang inasahan na ito ang mangyayari sa kanya, dinumihan ni Juanita ang dangal ni Margarita, hmp, nararapat lang sa kanya iyon. Dahil sa tinding poot na nararamdaman ni Margarita sa kumukulo niyang puso hindi niya mapigilang mapatayo sa kanyang sariling upuan at sabay hampas ng dalawang niyang kamay sa mesa nang napakalakas.
"Wala kang karapatang maglagay ng kahihiyan sa aking reputasyon sa ganoong paraan?"
"Para sa akin, may karapatan akong gawin iyon sa iyo at dapat ka ring mahiya sa ugali mong 'di kaaya-aya at nararapat kang maging kahiya-hiya."
"Walang kapatawaran kung malaman nila kung ano o sino ka talaga, tandaan mo, hindi pa tayo tapos!"
Ang daing ng benggatibo na si Margarita kay Juanita, hindi niya tanggap ang sinabi ni Juanita sa kanya na mas mahalin ni Margarita ang kanyang sarili kaysa sa mahalin mo 'yung taong hindi naman mapapasaiyo, tama naman si Juanita, dapat hinay-hinay lang pagdating sa pag-ibig nang dahil sa pagiging mapang-akin mo hindi mo alam na umaasa ka pala sa wala kaya dapat din natin mahalin ang sarili bago ang iba, tama ba ako, mga nanasang mambabasa ko? Oo, tama naman ako palagi, tama palagi ang reyna niyo, biro lamang po iyon ha, huwag ninyong seryosohin mga hijo at hija ko, kaya tayo'y dadako ulit sa kanila.
Napawelga na lamang si Margarita kasama ang kanyang ama na si Don Crisostomo na galit na galit rin kay Juanita dahil sa hindi niya sinagot nang maayos ang kanyang mga katanungan, nais rin kasi niya malaman ang nakatagong sikreto ni Juanita. Umalis ang mag-ama sa Casa de Reál dahil nga sila'y labis na nainsulto lalo na si Margarita, nainsulto talaga siya ni Juanita nang sila'y nagpakalayo-layo muna sa Casa de Reál biglang sumigaw ang ama ni Zacarias na parang tuwang tuwa siya sa taglay na kaastigan ni Juanita. Ganyan kasi 'yan basta Juanita, mariwasa. Tuwang-tuwa ang lahat kay Juanita nang dahil sa kanyang sinabi sa walang humpay na si Margarita hindi inasahan na mapanghamak pala itong disenteng Juanita.
"Mahusay, mahusay, Belleza!"
"Hindi namin inasahan na mapanghamak pala ang kasintahan mo, Zacarias."
"Ganyan talaga kaangas ang kasintahan ko, kahit siya'y mapusok at ungas hindi parin mawawala sa paningin kong ito na siya ang binibini na nagpatibok ng puso kong yari sa bato."
Ang maginoong wika ni Zacarias at sinabi niya ito habang tinitigan niya si Juanita gamit ang kanyang mapang-akit na titig at si Juanita naman na ubod nang manhid bigla lamang na nahuli niya si Zacarias na nakatitig na parang ngayon lang nakakita ng bathaluman sa buhay niya hindi niya kayang iwasan ang ganda niyang hindi katanggi-tanggi, hindi niya talaga kayang hutukin ang sarili niya na titigan si Juanita sa ganoong paraan kaya ilakip natin ang isang masintahing kanta habang si Zacarias ay titig na titig kay Juanita at si Juanita na tumatawa na ubod ng kaakitan kapag siya'y tumawa.
At sa wakas ay nahanapin ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa'yo na ika'y uunahin at hindi naitatanggiAng kantang nasa utak ng manunulat na ito at habang tinitigan nang husto ni Zacarias ang gandang taglay ni Juanita at kung gaano siya kaaya-aya sa ganyang pustura, kapag siya'y tumatawa mas lalo pang tumitibok ang puso niya dahil kapag nakita niya na nakangiti si Juanita siya'y labis na natutuwa rin. Tinitigan parin ni Zacarias si Juanita at parang ayaw niyang iwasan na tumingin kay Juanita hanggang biglang, napatingin si Juanita kay Zacarias dala ang kanyang kaakit-akit niyang sulyap at ang kanyang mga mata ay napakaganda, ang kulay ng kanyang mga mata ay kasing kulay rin ng punong kahoy kaya mas lalo pang tumibol nang husto ang puso ni Zacarias.
Moira pasok!
At ngayon, andyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di papaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon (noon)
Hanggang ngayon
Ikaw at akoSilang dalawa na'y nagkatitigan, si Juanita na nakatitig sa mga naggagandahang mata ni Zacarias na akala niya'y nasa kalawakan na siya dahil sa taglay na ganda ng mga mata ni Zacarias at si Zacarias naman ay nakatitig sa mga labi ni Juanita, kasing pula ng labi ni Juanita ang pulang dugo at kasing lambot ito ng unan at parang balak na niya itong halikan ah, wieeee~
'Di ka na mag-iisa sa hirap at ginhawa
Ay iibigin ka
Mula noon
Hanggang ngayon
Mula ngayon
Hanggang dulo~
Ikaw at ako~
BINABASA MO ANG
Century of Love
Любовные романыKayo ba'y pinagtapo at tinadhana? O sadyang pinagtagpo lang kayo para kilalanin ang isa't isa? Andito naman tayo sa isang makasaysayang pag-iibigan ng dalawang tao na magkaiba ang landas nila, ang isa ay nagmula sa mayamang angkan at ang isa naman a...