KABANATA 4

10 4 0
                                    

Naglalakad nga sina Juanita at Tiya Ellenza sa Calle Crislogo at hinahanap nga ni Tiya Ellenza ang residencia nila sa gitna ng masikip at mataong lugar, habang sila'y naglalakad napamangha nga si Juanita sa ganda ng tanawin ng Calle Crislogo dahil noon sa Calamba hindi siya pinapalabas nina Padré José at Madre Estrella dahil nga saligutgot na naganao sa labas ng simbahan nila, minsan ang mga Kastila ay pinapatay nila at ginahasa nila ang mga alipin nila mismo sa harap ng simbahan kaya minsan din siya pinapalabas ng kanyang padre at madre, unang beses pa lang niya makakita ng ganito ka gandang tanawin sa kanyang mga mata. Hanggang sa narating nga nila ang residencia nila, kaagad naman kumatok ng dalawang beses si Tiya Ellenza sa kanilang pinto inulit niya ang dalawang beses na katok sa pintuan nila dahil wala daw niisa bumukas ng pintuan para sa kanila hanggang sa ang pinsan ni Juanita na si Clara Madrigal ang mismo nagbukas ng pinto, pagbukas pa lang niya siya'y tuwang-tuwa na makita ang kanyang pinsan na si Juanita.

“Pinsan!”

“Pinsan ko po siya?”

“Siya nga pala, ito ang pinsan mo, anak ko ito at siya si  Maria Clara Serodría y Madrigal.”

“Ikagagalak kong makilala ka, pinsan ano nga pala ang iyong pangalan?”

“Ako nga pala si Juanita Belleza Madrigal y Ramirez.”

“Matanong lang, bakit Ramirez ang panghuli mong pangalan? Hindi ba't ikinasal ang iyong ina? Namatay nga siya sa murang edad.”

“Ano ka ba, Clara.”

“Iyon na nga nakasulat sa liham, iyon talaga ang pangalan ko ngunit hindi ko ito tinatanggi mukha kayang mayaman 'yung panghuli kong pangalan.”

“Sa bagay, halika ina at Juanita tayo'y pumasok sa loob ng munti nating tirahan naghihintay na ang lola mo.”

“Lola ko?”

Oo, nais ka niya makilala.”

Wika ni Clara sa kanyang pinsan nang hinila niya ito papalapit sa sala kung saan umuupo ang lola nila na limampu't walong taong gulang na pero nanatiling malakas parin, kaya hinihila ni Clara ang kamay ni Juanita papunta sa sala at parang sabik na sabik na siyang ipakilala si Juanita sa kanyang lola at dahil rin sa kagalakan ni Clara hindi niya napansin na kanina na palang nakadapa sa sahig si Juanita dala ang hindi maligayang hitsura, dahil nga nadapa siya sino matutuwa na nakadapa ha, dapat kailangan kapag nadapa ka tumawa ka diba hindi nakakatuwa subukan niyo pagsabihan kayong baliw. Nang nakadapa nga si Juanita sa sahig dala ang kanyang masungit na hitsura, hindi akma ang pagtingin ni Tiya Ellenza sa kaniyang anak at kay Juanita.

“Nakakatuwa nu?”

“A-ah ee-eh, p-patawarin mo ako na puno ng kagalakan ang sarili ko.”

“Ayusin mo ang iyong limitasyon.”

“Lola, nais kong ipakilala ko sa iyo ang pinsan ko, ang pamangkin ni ina at apo mo rin. Siya si–”

“Juanita Belleza Madrigal y Ramirez.”

“Bakit gamit mo ang panghuling pangalan ng ama mong taksil?”

“Iyon po ang nakasulat sa liham, lola.”

“Ikaw rin, Juanita ayusin mo rin ang iyong limitasyon dapat maingat ka sa apelyidong iyan hindi mo alam ang kwento sa likod ng apelyidong iyan.”

Century of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon