Natigil na lamang ang masintahang pagtitigan nina Zacarias at Juanita, nasira ang sandali na hinding-hindi malilimutan ni Zacarias sa buong buhay niya, nawasak ang saglit na iyon nang biglang limasin ni Don Alessandro ang kanyang lalamunan nang mapansin niyang kanina pa nagtitigan itong dalawang hinayupak na naghaharutan sa harap pa ng mga madla kaya napahinto na lamang sila nang napansin nila na kanina rin nakatingin si Don Alessandro sa kanila.
"Tapos na ba kayo nagtitigan sa isa't isa?"
"Aahh- eh opo, ama."
"Naku, itong anak niyong si Zacarias talaga'y mapusok!"
"Talaga siya'y mapusok, namana niya iyan sa kanyang ama."
"Oo nga, pansin na pansin ko na medyo magkahawig kayo kahit anong angulo."
"O, hija hindi ka pa ba uuwi?"
"Uuwi?"
Bigla na lamang na nangangapos ng hininga si Juanita nang marinig ang salitang UWI mula sa bibig ni Don Alessandro, nanlaki ang mga mata ni Juanita habang siya'y nangangapos ng kanyang hininga baka nag-aalala na nang labis si Tiya Ellenza, si Clara at ang Lola nila na kay lupit kapag ito'y kausapin. Dahil sa pag-aalala niya sa kanyang sarili lalo na sa kanyang tiyahin, napatayo na lamang sa kinauupuan si Juanita at bigla niya rin hinampas ang mamahaling mesa ng mga Reál, kaya buong pagkabigla ng mga tao roon sa loob nang ihampas ni Juanita ang kanyang sarili mga kamay sa mesa.
"Naku, ipagpaumanhin niyo, mga ginoo't ginang kung napakalakas ng pagkahampas ko sa mesang ito."
"Juanita este Belleza, anong ginagawa mo? Nakakahiya ka na."
"Zacarias, kailangan ko ng umalis dito."
"Ha? Bakit?"
"Si Tiya Ellenza, baka nag-aalala na siya sa akin, siguro iba na ang pumapasok sa utak ni Tiya Ellenza!"
"Kung ganoon nga talaga, sige, ihahatid na kita. Ama, ihahatid ko lang si Belleza."
"O, sige-"
"Huwag na, baka makita pa ni Clara na kasama kita, aba'y lagot ako sa kanya."
"Bakit?"
"Basta, basta huwag ka ng sumama sa akin, ako na bahala."
Ang wika ni Juanita na talagang may tiqala sa kanyang sarili na kaya niyang umuwi nang mag-isa, alam naman natin na kahit ngayon ay delikado kapag ang mga babae mag-isa lamang umuwi baka may mangyaring milagro sa kanila o mayroon mangyari sa kanila 'di kaaya-aya. Muntikan na sanang umalis si Juanita sa kanyang kinatatayuan at papaalis na sana siya nang biglang hinila ni Zacarias ang kanyang kaliwang braso nito upang mahila niya si Juanita papalapit sa kanya.
"Ikaw na ang bahala? Baka mahuli ka ng mga Kastila, piitan ang tanging lugar na maaari mong mapupuntahan kung mahuli ka ng mga Kastila, kaya kong ako pa saiyo, Belleza sasamahan kita kahit anong mangyari."
"Oo na, sasama ka na! Talagang binigyan mo ako ng lundo ha!"
"Ama, Ina, mga panauhin isang karangalan ni Belleza na siya'y dumayo dito sa pagtitipon natin at nais niya na sa susunod ay mayroon pang pagdaraos na ating ididiriwang dahil nais niya talagang makita kayo ulit at masarap po daw ang mga pagkain na niluto ng mga mutsatsa."

BINABASA MO ANG
Century of Love
RomantikKayo ba'y pinagtapo at tinadhana? O sadyang pinagtagpo lang kayo para kilalanin ang isa't isa? Andito naman tayo sa isang makasaysayang pag-iibigan ng dalawang tao na magkaiba ang landas nila, ang isa ay nagmula sa mayamang angkan at ang isa naman a...