KABANATA 7

6 3 0
                                    

Kaya habang hawak-hawak ni Zacarias ang makinis at malambot na kamay ni Juanita habang sila'y tumatakbo tungo kay Alvaro kung saan siya'y pinagdudumog ng mga kababaihan sa bayan, sila nga ay nagtatakbuhan tungo kay Alvaro hindi napansin ni Zacarias na nakatitig sa kanya si Juanita dala ang kanyang kaakit-akit niyang sulyap na pati saluwal mo malaglag dahil sa kaakitan niyang taglay. Kaya narating nila ang mga kababaihan sa pinagdudumog si Alvaro nang kaawa-awa, kaya sumigaw ng tulong si Alvaro kay Zacarias para tulungan siya makawala sa mga kamay ng mga kababaihan, kaya noong sumigaw na si Alvaro kay Zacarias ng tulong hindi maiwasan ng mga kababaihan na tumingin kay Zacarias, nang lumingon sila kay Zacarias ay labis silang nagtataka na bakit andyan sa harapan nila si Zacarias, huminto sila nang saglit hanggang sa nakita nila mismo sa kanilang mata si Alvaro na nakadapa sa lupa at hinihingal sa pagod sa kakasigaw ng tulong.

“Yay! Si Alvaro pala kayakap natin!”

“Oo, ako nga at nakakamatay ang mga yakap niyo parang pinapatay niyo na ako sa higpit ng yakap niyo ngunit maswerte ako dahil nayakap ko muli ang mga kababaihan dito.”

“Hmp, kahit kailan Alvaro ang bastos mo talaga!”

“Oo nga! Wala kang karapatan para husgahan kaming mga kababaihan!”

“Hinusgahan ko ba kayo?”

“Oo!”

“Kailan ko ba kayo hinusgahan?”

“Kanina pa lang, sabi mo sa amin na mabaho kami, mabaho ang hininga namin, mabaho ang mga kasuotan namin at lalo na sinabihan mo kami ng pangit!”

“Kanina lang iyon.”

“Kahit na nakakasakit, hiyang-hiya kami sa iyo na mukhang unggoy pa, manghuhusga pa! Pakiusap aliwin mo kami, Zacarias!”

Wika ng mga malalanding kababaihan habang nag-aarte sila sa harap ng isang pinakamayaman na ginoo sa bayan nila ngunit bigla lamang umiwas si Zacarias at inawat nang napakahigpit ni Alvaro ang mga kababaihan na para bang kapitan ng baranggay niyo, makaawat parang kapitan talaga ng baranggay.

“Sandali lang, mga binibini paumanhin kung nasaktan ko ang mga malalambot niyong puso.”

“Ha? Bakit mo naman nasabi iyan, Zacarias? Pinatibok mo nga ang puso naming manhid.”

“Hindi iyan ang tinutukoy ko, paumanhin na sa pagtanggi, mayroon na akong iniibig na binibini.”

“Ha? P-Paano? Bakit!”

“Alam ko na si Margarita ang iyong tinutukoy.”

“Ngunit kayo po ay nagkakamali, ako'y umibig sa isang binibini na nagmula sa Espanya, siya'y lumaki sa Espanya at lumipat siya rito sa Pilipinas nang tumungtong siya ng anim na taong gulang.”

“Haayy, sayang naman ang lahat ng sakripisyo namin para makamtan ka lang.”

“Maari naman kayo umibig sa isang ginoong tulad ni Alvaro.”

“Esh, mukha siyang—”

Unggoy? Kayo talaga mga binibini nakakainsulto na kayo.”

“Zacarias, ikaw ang mahal namin, ikaw ang iniibig namin, ikaw ang dakilang ginoo na aming na kilala.”

“Oo, ako nga iyon ang pinapantansiya niyong lahat subalit mayroon na akong minamahal, hindi si Margarita.”

Century of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon