KABANATA 1

26 4 0
                                        

As you can see mga hija at hijo ko walang prologue diba? Tinatamad maglagay ng prologue ang reyna niyo pero I'll do anything to make you happy mga munting hija at hijo ko, naku mukha akong matanda kung hijo at hija ang tawag ko sainyo! So thank you guys for reading my story and admiring it so much HAHAHHAHA kaya simulan na natin ang kabanatang ito 💜

                  — •   KABANATA 1 • —

Tayo na nga'y tapos sa nakakatawang kwento ni Zacarias kaya hanggang ngayon nakagapos parin siya sa mahigpit na lubid ng pamilya niya halos hindi na niya madama ang kasiyahan ngunit andyan naman si Alvaro para makahanap ng paraan para malanghap parin ni Zacarias ang kasiyahan. Tayo nama'y dadako sa bayan ng Laguna, sa nayon ng Calamba sinakop rin ito ng mga Kastila at hindi rin patas ang pamumuhay dito sa Calamba. Sa nayon ng Calamba, hindi ito mapayapa, kaya tuwing gabi o kahit anumang oras andyan ang mga Kastila upang gumawa ng gulo, sa Calamba rin makikita ang mga hacienda, mga magaganda at malalaking casa, mga lumang simbahan ay dito rin matatagpuan sa Laguna, maganda rin dito sa Laguna ngunit ang buhay dito ay tulad din sa Vigan hindi lahat dito ay pantay-pantay. Dito rin sa Laguna nakatira ang isang napakagandang binibini, hinahangaan siya nang lahat sa bayan ng Calamba sabi ng iba sa bayan ng Calamba itong binibini ay kakaiba sa mga binibini sa Calamba, oo nga mukha siyang maamo pero kung makilala mo nang lubos parang daig pa ang mga lalaki makaasta, para siyang tigreng gala! Kaya ilalarawan natin ang kanyang wangis ha, siya ay may matangos na ilong kahit anong pustura siya lilingon ang kanyang ilong talaga'y matangos parang dayuhan ang pagkatangos ng kanyang ilong este may lahi talaga siyang dayuhan, ang mata niya'y kaakit-akit kapag tiningnan ka lang niya siguradong maaakit ka  sa kanya, mga labi niya ay kasing pula ng dugo ang kanyang mga labi kahit iinom siya o pinupunasan niya ang kanyang mga labi hindi parin mawawala ang pagkapula nito, ang kanyang buhok din ay bahagyang kulot ngunit pag ito'y suklayan mapakintab at makinis ang kanyang buhok madali lang ito suklayan kaya mga babae doon ay inggit na inggit sa kanyang buhok, ang matataray niyang kilay hindi mawawala sa ganda ang kurba ng kilay niya mataray siyang tingnan pero mabait naman ngunit tigreng gala lang siya, ang kurba ng kanyang katawan haaayy gustong-gusto ito ng mga kalalakihan sa kanila, baywang palang mapatingin ka talaga sa kanya at lahat ng kapurihan ay nasa kanya na ngunit sa likod ng maganda niyang wangis isang malungkot na kwento ang nakatago rito, ang pag-abandona ng magulang niya sa kanya. Ang ina niya ay isang tindera ng mga kakanin noon mahirap lamang ang kanilang buhay noon, nagtitinda lamang siya ng kakanin noon para sa araw-araw nilang pangangailangan, nagtitinda lamang ang ina niya sa harap ng simbahan gabi na iyon at masyadong mapanglaw ang paligid niya, hanggang sa may nakita siyang Kastila na pinaparusahan ng pinuno nila pinagpapalo siya noon ng látigo at kahoy.

“¿Cómo te atreves a desobedecerme, Juancho¿”

“Me disculpo, señor, no quise decir eso.”

“No lo dijiste en serio? ¿De verdad? Estamo aquí en Filipinas para conquistar sus propiedades y lo arruinas? ¡No te llames español si estás haciendo una buenas obras  aquí!”

“Lo siento, señor, nunca lo volvería a hacer.”

Debes cumplir con tu deber como conquistador, ¿Entendiste, Juancho?”

“Si, señor entiendo.”

Sabi pa ni Juancho, patawad lang ho kung hindi niyo po naiintindihan ang mga pinagsasabi ng mga mananakop na ito, kaya dahan-dahan tumayo si Juancho sa kakadapa niya sa lupa ngunit natumba ulit siya sa kakadapa niya kaya andyan naman ang babaeng iyon na nagdadala ang bayong na may mga kakanin nakasilid dito, tumakbo siya tungo kay Juancho upang tulungan siya nakatayo sa kakadapa niya sa lupa, hinawakan niya ang braso ng Kastilang iyon at dahan-dahan niyang iniangat si Juancho hindi lang napansin ng babaeng ito na kanina pa nakatitig itong Kastila sa kanya hanggang sa napansin ito ng babaeng tumulong sa kanya kaya silang dalawa'y nagkatitigan sa isa't isa, ngumiti lamang ang Kastilang ito sa kanya kaya umiwas sa tingin itong babae sa mga titig ni Juancho.

Century of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon