KABANATA 5

9 3 0
                                    

At iyon na nga sila'y inutusan ng kanilang tiya Ellenza na bumili sa merkado ng mga gulay at prutas tulad ng talong, kamatis, luya, okra, ampalaya, karne, sitaw, kalabasa, batong at marami pang iba basta mga sangkap ng pinakbet iyon ang bibilhin nilang mga sangkap, kinuha ni Clara ang bayong malapit sa pintuan palabas ng tirahan nila at walang dalang anumang bagay si Juanita maliban sa anim niyang nobela na binigay ni Miguel sa kanya nais nga niya makita ang manunulat ng nobelang binabasa niya, nais niya ito makilala personalan. Nang sila'y nakaalis na ng tirahan nila nagpaalam muna si Juanita kay Tiya Ellenza at sa kanyang lola dahil nga nagmamadali si Clara na bumili ng ulam nila sa hapunan, talagang naubos na ang pasensya ni Clara kay Juanita kahit bago lamang sila magkakilala talagang ubos na ang pasensya niya kay Juanita kaya hinila niya lamang ang braso niya sabay papalayo sa bangketa ng kanilang bahay. Nang lumipas na ang ilang minuto sa paglalakad nila patungo sa merkado at narating na nga nila ang kanilang merkado kaya nagsimula na silang bumili ng mga sangkap para sa  hapunan nila, habang namimili pa ng magaganda at preskong gulay si Clara hindi mapigilan ni Juanita na tumingin sa kanyang paligid kasama ang kanyang hindi maikakaila na kagandahan kapag siya'y lumingon kahit saan, pati ang mga mamimili roon ay napatingin sa kanya lalo na ang tindera ng mga gulay ay napatingin kay Juanita.

“Hija, kilala mo ba ito?”

“Ah, ito? Pinsan ko po ito, siya si Juanita.”

“Maganda siyang binibini ah, ngayon lang ako nakakita nang ganyan kagandang binibini sa aking mga mata, may nobiyo na ba iyan?”

“Parang wala yata, ginang.”

Swerte ang magiging nobiyo niya.”

“Matapang ito at pinagsisihan ko talaga.”

“Naku, ikaw talaga pati pinsan mo binababa mo lang ang tingin mo sa kanya, ito na ang sukli mo, hija mag-ingat kayo ha.”

“Opo, salamat halika na Juanita!”

Bulalas ni Clara sa kanyang sarili, lahat talaga sa bayan ng Vigan ay pinag-uusapan itong si Juanita dahil daw sa kanyang maikakaila na taglay niyang kagandahan, kaya naglalakad parin sila sa loob ng merkado naghahanap ng panghimagas para sa hapunan nila nang biglang nagreklamo si Juanita nang parang doña makareklamo sa kanyang pinsan na tatlong taon ang agwat nila.

“Clara, nasaan ba dito 'yung kamalig ng mga nobela?”

“Hoy, bibili muna tayo ng panghimagas natin!”

Hayy naku, gusto ko na makilala 'yung manunulat ng paborito kong nobela, nais ko magpapirma sa kanya.”

“Gusto mo ba talaga pumunta sa kamalig ng mga nobela?”

“Oo, sige na ihatid mo ako.”

“Ito nalang, ako nalang bibili ng panghimagas natin dito sa loob ng merkado habang ikaw ay hahanapin mo 'yung kamalig ni Mang Antonio.”

Sinong Mang Antonio? Hindi ko naman siya kilala.”

“Hindi mo siya kilala? Samakatuwid tayong dalawa ay pupunta sa butil na iyon na puno ng nobela.”

Magugugol ba tayo ng oras dito?”

“Dios mío, Juanita halika na nga pupunta na tayo sa butil na iyon, puro ka kasi reklamo.”

Century of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon