Hawak na hawak parin ni Lola ang kamay ni Juanita nang napakahigpit dahil sa wais niyang kamay 'di ka kawalan sa kanya, hila na nang hila itong Lola ni Juanita labis siyang nagalit sa kanyang apo dahil siya lamang ang nag-iisang babae sa dalawang lalaki na nakasama niya sa Casa de Reál, habang sila'y patungo sa tahanan nila sa Calle Crislogo hindi mapigilan ng kanyang lola na magsalita na parang nasa korte talaga kapag nagsasalita, ubos laway nito.
"Hay, naku, Juanita baguhan ka pa lamang dito sa bayan namin, gumagala ka pa nang mag-isa lamang! Kung mayroon mangyari sa iyo na lubos na kami magpipighati, matutuwa ka?"
"Hindi po, lola."
"O, aba'y bakit ka napadpad sa dalawang ungas na iyon?"
"Nais lang naman nila na maging matalik nila akong kaibigan, kaya ayun na nga, naging kaibigan ko sila. Masaya naman silang kasama, lola."
"Alam mo naman, Juanita kapag may kasamang mga lalaki ang isang babae maari ka nila pagsabihan na malandi ka."
"Sadyang hindi sila marunong makisama. Tsaka nga pala, lola bakit nandito si Miguel sa Vigan?"
"Aba'y sinabi niya sa amin na matalik mo raw itong kaibigan doon sa Calamba, halos na nga pagsabihan kayong magkasintahan dahil araw-araw man o gabi-gabi lagi raw kayo magkasama."
"Oo, matalik ko nga siyang kaibigan ngunit ang tanong ko po bakit nandito siya sa Vigan?"
"Ayon sa kanya, tuluyang sinakop ng mga Kastila ang bayang kinagisnan mo, pinaslang nila ang bawat mamamayan roon para tuluyan nang masakop ang Calamba."
"Tiyak akong mayroon nangyaring masama kina Padré José at Madré Estrella, halika na, lola!"
"Sandali, sandali, alam mo naman na marupok na itong buong katawan ko tapos nagmamadali ka pa!"
Wika ng kanyang lola na pilit na maglakad nang matuwid sa daanan at nag-ikaika pa siyang maglakad dahil nga na matanda n itong lola nila syempre hindi mawala sa pagtanda ang tuluyang panghihina ng mga buto sanhi ng pagbagal na pagkilos. Napatakbo na lamang si Juanita tungo sa kanilang tahanan na ilang metro lang ang layo mararating na niya ito at napansin rin ni Juanita na nasa pasamano ng kanilang bintana si Clara na masayang tumatalon na para bang sabik na siyang dadating si Juanita na dadating sa bahay nila, nang nakita ito ni Juanita hindi siya nakadama ng pag-aalinlangan sa kanyang sarili kaya siya'y dali-dali na umakyat sa hagdanan nila na nasa harap niya na ito, inangat niya ulit ang kanyang saya para maiwasan ang pagkatumba nito nang dahil lang sa saya na sinuot niya. Nang narating na nga niya ang loob ng kanilang tahanan, napansin niya na nakaupo sa stipa na nasa sala at tumingin si Miguel sa kanya na para bang tuwang-tuwa makita muli ang kanyang matalik na ka-ibigan, nagagandahan siya kay Juanita nang nakasuot siya ng isang magandang baro't saya at talagang ayos na ayos ang kanyang bahagyang buhok, napatayo na lamang si Miguel sa kakaupo niya sa stipa at ngumiti abot sa kanyang tainga habang si Juanita ay tila hindi mailarawan ang kanyang ekspresyon sa kanyang mukha dahil sa kanyang nakita na para bang nag-usisa siya sa kanyang kapaligiran at bigla lamang siya nagtanong nang ganito.
"Mi-Miguel, bakit ka andito?"
"Juanita! Aah—"
"Bakit ka andito?"
"Lumipat na ako dito sa bayan ng Vigan dahil andito na nga ang mga kamag-anak ko tulad rin saiyo na andito ang iyong mga kamag-anak na mag-alalay saiyo."
BINABASA MO ANG
Century of Love
RomansaKayo ba'y pinagtapo at tinadhana? O sadyang pinagtagpo lang kayo para kilalanin ang isa't isa? Andito naman tayo sa isang makasaysayang pag-iibigan ng dalawang tao na magkaiba ang landas nila, ang isa ay nagmula sa mayamang angkan at ang isa naman a...