KABANATA 6

9 5 0
                                        

Nakalipas ng isang araw, si Zacarias ay nasa kanyang casa nagmumuni-muni sa kanyang sarili habang siya'y nakaupo sa pasamano ng kanyang bintana at nilalanghap ang simoy ng hangin habang ang mga ibon na nagliliparan ay humuhuni sa kanyang paligid, ang mga bulaklak sa bawat sanga ay muling nanglagas at dinadala pa ng hangin. Habang siya'y nakatulala sa kanyang silid, ang kanyang siko'y nakasandal sa pasamano at siya'y tahimik sa kanyang silid nang biglang pumasok si Alvaro kahit isang katok man lang wala, bigla lang niya tinulak 'yung pintuan at tsaka hinihingal siya na parang hinabol ng isang daang engkanto. Kaya nasira ni Alvaro ang araw ni Zacarias kaya napalingon nang dahan-dahan si Zacarias kay Alvaro dala ang mabangis at mapang-akit niyang sulyap na nakakabuntis talaga kapag ika'y sinulyapan niya nang ganito. Napalunok nalang laway si Alvaro dahil sa kaba na baka siya'y sapakin nang husto ni Zacarias, kaya lumapit na lamang si Alvaro nang dahan-dahan kay Zacarias at may yuko pa siyang nalaman sa kanyang sarili.

"Alvaro, lumapit ka nga dito."

"Umm, Z-Zacarias."

"Lumapit ka nga dito."

"Paumanhin, hindi ko talaga sinadyang sirain ang iyong araw."

"Bakit ba kasi tinulak mo agad ang pintuan? Kung kumatok ka nalang, hindi sana masira ang aking araw!"

"Paumanhin, señorito ngunit may maganda akong balita!"

"Magandang balita? Ano na naman iyon? Siguraduhin mo na maganda 'yang balita na iulat mo sa akin."

"Maganda talaga ito, pangako ko sa'yo!"

"Anong balita iyan, Alvaro?"

"Nakita ko lang kanina 'yung binibini na nakilala mo kahapon."

"Talaga? Nasaan siya?"

"Um, siya ay nasa punong Narra malapit sa simbahan, nakikipaglaro siya sa mga bata."

"Nakikipaglaro sa mga bata? Sus, isip-bata pala 'yung napili kong kasintahan."

"Mayroon ding masamang balita."

"Ano na naman?"

"Sinusubukan niyang kunin ang pusa na umiiyak at nanghihingi ng tulong sa sanga ng punong Narra ngunit-"

"Ngunit ano?"

"Ayon nakalambitin na siya sa sanga at sinusubukan ang sarili na bumaba."

"Ngayon, Alvaro ito na ang aking oras upang magpasikat."

"Pasikat ka talaga."

"Halina't iligtas ang irog ko este ang munting pusa na iyon!"

"Hayyy, naku, Zacarias."

"Halika na!"

Ang kanyang malupit na bulalas, siya na'y sabik na iligtas si Juanita, oras na niya upang magpasikat sa kanyang tagahanga na si Juanita, aba malupit itong Zacarias ililigtas niya 'yung babaeng kinaiinisan upang mailigtas siya sa trahedya ngunit hindi talaga siya isang tagapangtanggol, pasikat lang talaga siya. Kaya lumabas si Zacarias at Alvaro sa silid at nagmamadaling umalis sa casa upang iligtas si Juanita, ngunit bigla lamang tinawag si Zacarias ng kanyang ina muntikan na sana siya'y bumaba mula sa kanilang hagdanan ngunit tinawag siya ng kanyang inang malupit, kaya lumapit si Rosa Valencia sa kanyang anak dala ang kanyang mataray na tingin sa kanyang anak at dala pa niya ang kanyang sandata, ang kanyang pamaypay na yari sa abaniko.

“Sa tingin mo, Zacarias makakaalis ka sa pamamahay na ito? Saan ka na naman pupunta?”

“Ahh— i-ina? Pupunta sana ako sa simbahan.”

Century of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon