22: Walang Maisip Na Title :)

3.6K 53 5
                                    

Chapter 22

DJ's POV

Kanina, habang sineset-up ko yung surprise ko para kay Kath.. Bigla akong nahilo at nanikip yung dibdib ko.

Tsaka ko nalang nalaman na nawalan ako ng malay nang dumating si Kath at gisingin ako. Di ko na tuloy natapos ung surprise ko.

May nadagdag nnaman sa happy memories namin ni Kath.

Kumain kami.

Nagpicture.

Nagkulitan.

At nagpalipad ng saranggola.

Pero habang ginagawa namin yun, pumipilipit parin sa sakit yung dibdib ko.

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo?". Tanong ni mama sakin. Katatapos ko rin palang uminom ng gamot. Nakahiga ako ngayon sa kama ko.

"Okay naman na ko ma. Wag na ho kayong mag-alala".

"Panung hindi ako mag-aalala eh hirap na hirap ka sa paghinga kanina".

"Magiging ok din po ako. Ngayon lang to".

"Wag ka ng magpapagod sa susunod ah. Alam mo namang bawal yun. Sige, pahinga ka na at dadalhin kita sa doctor mo bukas".

"Naku ma! Wag na ho".

"Anong wag ka jan! It's either pupunta tayo o pupunta tayo. Okay"

Napakamot ako sa ulo. Haynako, ayaw na ayaw ko to eh. Nagkaka-trauma ako sa tuwing nakakakita ako ng doctor.

***

"Kamusta ho ang kalagayan ng anak ko ngayon Dok?". Kausap ni mama yung doctor ko.

"Well, sa nangyari sa kanya kahapon, ay isang mild heart attack. I'm sorry to say this pero mas kumapal at mas nag-narrow yung coronary arteries ng anak nyo. Unti unting bina-block ng arteries which puts the blood flow at risk".

nakita ko si mama na mag-uumpisa ng tumulo ang mga luha niya.

Oo, tama yung nabasa nyo. I have a heart disease. Atherosclerosis ang tawag. Yan ang reason kung bakit ako napilitang magpunta sa states 6 years ago. May minemaintain akong gamot dati pero tinigil ko kasi hindi naman na umatake yung sakit ko. I should've known na kahapon uli ako aatakihin.

"Ma, stop crying na. Hindi ako mapapagaling ng mga luha mo". Pagbibiro ko kay mama. Ayoko syang makitang umiiyak.

"How would I be okay kung ganyan ka. Sana, ako nalang ang nagkasakit". Umiiyak na si mama. Niyakap ko siya para icomfort at sabihing 'okay-lang-ako'

Kaya nya ko ini-spoil kasi dahil sa sakit ko. Tinaningan na nila yung buhay ko dati, pero sa awa ng Diyos, nag extend ako at gumaling pansamantala.

Ngayon... Eto, bumalik na ko sa dating DJ na sakitin at walang laban. Tanging pagdarasal, pananampalataya at si KATH nalang ang nagbibigay lakas sakin.

Kung titignan nyo ko sa labas, napaka-macho ko. Masigla. Malakas. Sa tutuusin nga, mas malakas pa yung mga pulubi sa daan.

Minsan, kapag nakakakita ako ng mga kaedad kong masayang naglalaro ng skateboard at nagtatakbuhan, naiinggit ako. How I wish ganun din ako. Naaawa na nga ko sa sarili ko eh. Ang dami nagsasabi na ang saya maging 'AKO'. Yung AKO na gwapo, habulin, matalino at maabilidad. Pero hindi nila alam yung pinakatatago ko. Yung 'AKO' na may malubhang kalagayan at nag-aantay ng himala. Hindi kaya madaling maging AKO..

Ayokong sabihin kay Kath to dahil ayoko namang mahalin nya ko kasi kinakaawaan nya ko. Thankful naman ako kasi she loves me in a normal way.

Naiiyak na din ako. Pag nawala ako, paano na si mama? Ako nalang yung katuwang niya simula noon. Paano na si Kath? Eh patpatin pa naman yun. Walang magtatanggol sa kanya. Kaya, promise. Lalaban ako :)

Love Knows No End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon