Chapter 21
KATH's POV
Hayyy. Good morning sunshine :)
Ano ba naman yung panaginip ko kagabi. Ang brutal brutal. Makabangon na nga...
"Waaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!"
Andi-andito yung box...
Yung box na may lamang manika sa panaginip ko.
Sinampal sampal ko yung sarili ko. Gising na gising naman ako! Ibig sabihin, hindi ako nanaginip?! Totoo lahat ng yun?...
Isa ba tong threat?
"Baby.. Baby.. Si DJ to.. May text ako oh.. Dali na, basahin mo.. I love you"
Tumunog uli yung phone ko at agad ko namang binuksan yun..
From: Baby DJ <3
Pumunta ka sa likod-bahay nyo mamaya. Good Morning Princess :)
Sa likod-bahay kasi, may mini forest dun. Madaming puno tapos lahat, damo. Ano kayang merun dun?
Agad na akong bumaba at itinapon na yung box na nanakot sa araw ko.
"Oh, bunso. Ano yan?". Tanong ni Kuya na ngayo'y nagwawalis ng bakuran.
"Ah. W-wala kuya. Mga kalat ko lang".
Magdidilig na din ako ng mga halaman sa garden para makalimutan yung manika na yun. Hays...
"Anak...". Hindi ko napansin si mama na kanina pa pala nakaupo at pinanonood akong nagdidilig.
"Ah ma, andyan po pala kayo".
"Kanina pa kaya. May problema ka ba anak? Parang iba ang awra mo ah".
"W-wala ma. Kumain na po ba kayo?"
"Oo. Kanina pa nga. Alas nwebe na kaya. Kamusta pala kagabi?"
"Anong kagabi, ma?". Andami namang nangyari kagabi.
"Hmm. Yung alam mo na". Tumataas taas pa yung kilay ni mama.
"Hindi ko alam, ma. Hehe ano ba yun?"
"Yung date nyo ni JanJan".
"Ayun. Maayos naman! Eh maaaaaaaa.. Paano nyo nalaman yun". Alam ni mama? Whatdaaa?
"Hihi. Secret!!!". Sabay alis na sya at pumasok na ng bahay.
"Maaaa, pano nyo po alam yun? Kasabwat din po siguro kayo ni DJ ano?". Sinundan ko siya. Pinabayaan ko na yung dinidiligan ko dun.
"Syempre naman anak. Ako pa!"
"Ma naman eh."
"Halika nga dito Kath". Inaya ako ni mama na maupo sa sofa at hinawakan niya yung buhok ko.
"Alam mo nak. Botong boto ako dyan ke DJ. Gwapo na, mabait pa. At kilala ko pa simula pagkabata. Alam kong magiging mabuting boyfriend sya sayo".
"Ma, pano nyo alam na boyfriend ko na siya?". As in? Updated si mama?
"Asus! Sinabi ko kay DJ na itext niya ako right away kung sinagot mo na ba siya. Kaya ayun. Hehe".
Ah. Kaya pala busy kakatext si DJ kagabi. Hmmp! Pati nanay ko, kinasabwat na.
"Hindi kita pinagbabawalang magboyfriend anak. Lalo na't si DJ iyon. Pero ipapaalala ko lang sayo na may limitations ha".
"Opo. Alam po namin yun ma"
"Atsaka.. Wag muna kayong.. Hmm, alam mo na"
"Ma naman! Syempre po. Bata pa po kaya kami. May pangarap pa kami".
"Hehe. Naninigurado lang anak"
BINABASA MO ANG
Love Knows No End (Completed)
FanfictionFighting for love even if it means fighting against destiny. Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok? Paano sila pagtitibayin nito?