19: Ako'y sayo at Ika'y akin lamang.

3.9K 64 3
                                    

Chapter 19

KATH's POV


Hindi ko parin ma-explain kung ganu ako kasaya ngayon. Yung i-surprise ka ng taong pinakamamahal mo. Dalhin ka sa lugar na pinakaespesyal sayo. Ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko tuloy, isa akong tunay na prinsesa :)



"Oh oh, ako na dyan. Mapagod ka pa nyan eh". Hihilain ko na yung upuan para makaupo na pero pinigilan ako ni DJ. Mapapagod ba ko sa paghila lang ng upuan? Hmm.



Onga pala. May naka-set din na table sa pinakacenter ng place. May balloons at rose petals parin na nagkalat at may background music pa.



DJ clapped his hands at sunod sunod ng nagsilabasan yung mga waiters... At waitress? Naka-maskara pa sila ah.



"Ehem. Mam, enjoy the meal". Nagsalita yung isang waiter. Teka. Parang kilala ko yung boses na yun ah!!






"NIEL?", tinanggal ko yung maskara. Si Niel nga.

Tumayo ako at nilapitan yung ibang waiters na nakahilera sa gilid.



"KRIS? DIEGO? JOYCE? YEN? BEA? Oh my G... Kayo?". Sunud sunod kong pinagtatanggal yung mga maskarang suot nila at bumungad sakin ang mga makakapal na mukha ng mga walang hiya kong kaibigan.



"SURPRISE!!!". Aba! Nakuha pa nilang magsabay sabay sa pagsasalita.



"Meaning.. Alam nyo ang lahat ng to?!"


Sabay sabay silang nag-nod. Akalain mo yun. Halos mamatay ako sa pag-aalala kay DJ tapos alam pala nila lahat ng plano? Hayyy.


"Oh oh. Wag na magalit mahal na prinsesa. Bumalik na tayo doon at kumain na". Niyaya na ko ni DJ. Sumama na rin ako. Gutom na ako eh. Hihi


Pasalamat sila, mahal na mahal ko sila. At dahil dyan...



"Hindi ko kayo bibigyan ng pagkain ko. Maglaway kayo", sabay bhelat ko sakanila at bumalik na sa table kasama si DJ.



Ang daming ulam, superrr! Feeling ko nga, sasabog ang tyan ko dto pagkatapos ko kumain.

Andiyan yung:

Sardinas
Prinitong itlog
Kangkong
Kamoteng bunga
Bagoong na may kamatis na may talong
Pritong bulilit at tilapia




Hmmm. Sarap! Hahaha ginugutom ko lang kayo. Syempre, joke lang yan.



Ang totoo nyan. Mayroong:

Adobo
Kare kare
Pasta na paborito ko
Ice cream
Cheese cakes
May wine pa ha


Bonggang bongga. Pero, kahit gaano pa karami yan at kahit gaano pa ko mabusog, pinakaimportante parin yung effort at presence ng taong gumawa nito sayo.



"DJ.. Salamat talaga ha. Hindi ko makakalimutan tong gabing to". Una na kong nagsalita after naming kumain.

Love Knows No End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon