Epilogue </3

4K 39 23
                                    

KATH's POV




March 15, 2017

it's been exactly 5 years nang mangyari ang lahat. Limang taon na ang nakakalipas pero nananatili parin si Daniel sa puso ng lahat. Sa limang taon na iyon, wala akong ibang inalala, inisip at minahal kundi SIYA lang. Iba siya eh. Masasabi ko na kahit hindi kami tumagal hanggang dulo, alam ko, yung pagmamahal namin sa isa't isa, hindi yun mababago.

Kasama ko ang barkada ngayon. Kasama rin si DJ syempre. Wala nga lang yung presensiya niya :(

Dadalawin namin yung puntod niya.

***

sa sementeryo...

Kris: "Pare, bakit ang daya daya mo? Hindi mo man lang ako hinintay, este, hindi mo man lang nahintay ang pagtanda natin bago ka namaalam. Yan tuloy, hindi ka nakadalo sa kasal namin ni Joyce.."

Joyce: "Oo nga DJ.. Sayang! Alam mo, ang pogi pogi ni Kris nung araw na yun. Sa araw lang na yun ah. Groom's men ka nga eh. Andun yung pangalan mo. Alam kasi namin na nandun ka, nakangiti at masayang masaya para sa amin.

Niel: "Bro, bakit ganun? Kahit wala ka na, maraming babae pa rin ang naghahabol sayo. hehe joke lang bro. Sana masaya ka na kung nasan ka ngayon"

Yen: "DJ, pagpasensyahan mo na tong si Niel ha. Hindi pa rin talaga nagbabago eh. Kung nasan ka man, aalagaan namin si Kath para sayo. Promise namin yan"

Bea: "Wala na akong masabi DJ. Nasabi na nila lahat eh. Hehe. Basta, mag-iingat ka kung nasan ka man ngayon. Hanapan mo naman ng medyo matino-tinong albularyo tong si Diego para di na ako laging inaaway"

Diego: "aynako DJ pare, wag kang maniwala diyang kay Bea. Ako nga ang laging inaaway niyan eh. Ay! medyo busy busy na din pala ako ngayon sa work pare. Pagpasensyahan mo na kung maging bihira lang ang pagdalaw ko sayo dito. Wag mo kong mumultuhin ha :)"

"and lastly DJ .. mahal kong DJ .. Ako nga pala si Kathryn :) yung taong mahal na mahal ka at hanggang ngayon, hindi parin nawawala yun. Malungkot ako na masaya. Malungkot ako kasi kahit na anong ritual at seremonya ang gawin ko, hinding hindi na kita maibabalik sa mundong ito. Pero masaya na rin ako kasi kasama mo na si Jesus. Alam ko masaya ka na rin diyan :) Nakakapag-smile na din pala ako kahit papano. Matagal tagal na din eh. DJ, hintayin mo ko ha. Gaya ng ipinangako mo.. Mahal na mahal kita"

sa hinaba haba ng mga speech namin ng barkada, nagpaalam na din kami kay DJ. Nag-iwan kami ng sinding kandila at mga bulaklak sa puntod niya.

Dumiretso kami sa bahay para makapag-meryenda. Oo naman agad ang barkada!

***

sa bahay ...

habang kumakain sila, at ako nama'y lumabas para magtapon ng basura.... May narinig akong umiiyak.

iyak ng isang sanggol.

Lumabas ako at tinignan kung saan nanggagaling iyon. Sinundan ko ang tunog at dinala ako nun sa gate namin.

at doon,

nakita ko ang isang sanggol.

hindi ko alam kung papaano yun napunta rito. Pero kawawa siya. Iyak ng iyak kaya binuhat ko ito.

"ang cute cute mo namang bata ka. Nasan kaya ang mga magulang mo? Bakit ka nila iniwan dito?", pagkakausap ko sa sanggol.

ewan ko pero nakaramdam muli ako ng koneksyon sa batang ito. Feeling ko, ito yung instrumento na pinadala ng Panginoon para tuluyan na akong makapag-move on. Hindi makalimot ah, kasi hinding hindi ko makakalimutan si DJ. MOVE ON lang :)

"simula ngayon, tatawagin na kitang.....

DANIEL"

----------------------------------------------------------

Love Knows No End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon