Chapter 31
JULIA's POV
2 days ago after nung party ko. 2 days ago nang mag-away away ang magbabarkada. At 2 days na din akong nagtitiis samahan si Kathryn. Simula kasi nun, hindi na niya pinansin ang barkada. Parang strangers nalang sila para sakanya. Kaya ayun, napasubo ako.
HAHAHA! Eto na yung highlight ng drama eh. Mag-isa na ang bida. Wala ng kakampi. At ang masaklap pa, hndi niya alam na dumidikit siya sa kontrabida.
Simula nun, lagi nalang kaming nagsasabay umuwi ni Kathryn. Sabay kumakain. Sabay pmapasok sa school. Si DJ? madalang na din silang magkita dahil sa hndi maipaliwanag na dahilan.
Eto na yung pagkakataon para gawin lahat ng plano at tapusin na to hahaha! Maghanda handa ka na Kathryn dahil simula na to ng pagbaha ng mga luha mo!
SA CANTEEN...
Kasama ko ulit si Kath. Umupo kami sa table kung saan katabi ng table ng barkada niya.
Tahimik kaming dalawa. Walang gustong magsalita. Kumakain lang kami nang biglang dumating ang barkada at umupo sa katabing table. Wala si Yen at Niel.
Nagtatawanan sila nang papasok palang sila. Pero nung nakita kaming magkasama ni Kathryn, napalitan ng muhi ang mga ekspresyon nila.
"Hi guys", bati ko sa kanila. Paka-plastik nnaman Julia. Hahaha!
"Hello", matipid nilang sagot. Kitang kita ko sa mga mukha nila ang 'bakit-ikaw-ang-kasama-ni-Kath' expression.
Hndi ko na sila pinansin after nun. Si Kath naman, hindi sila kinibo. Syempre, dinidibdib parin yung nalaman niya na inembento ko lang pala hahaha! Kawawang bata.
"Huy! BFF, ok ka lang ba?", tanong ko kay Kath. BFF? Duhhh. Kadiri naman.
"A-ah oo. Ok lang ako. Tapos ka na bang kumain? Tara na. Male-late na tayo"
"Hmm sige"
Naunang tumayo si Kathryn. Sa paglalakad niya, may humarang sa kanya...
Si Joyce.
Na ngayo'y ka-face-to-face na niya.
"Paraanin mo ko!", malumanay na sabi ni Kath.
"Ano bang problema mo ha Kath?", naka! Away na to mga pare! Sumigaw na si miss ching oh.
"Wala! Paraanin mo ko sabi eh"
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi kung ano ang gumugulo sayo"
"Wala nga sabi! Hindi ka rin makulit eh nuh?"
"Sige nga! Masasabi mo bang wala kung alam naming umiiwas ka sa amin? Na laging yang Julia na yan ang kasama mo?"
"Bakit? Kaibigan ko naman siya ah"
"Oo. Kaibigan mo nga siya. Kami? Diba kaibigan mo rin kami. Bakit SIYA lang ang sinasamahan mo? Hndi ka naman ganyan dati ah"
"Gusto nyo talagang malaman kung bakit ha? Gusto nyong malaman kung all of a sudden, lumalayo ako sa mga inakala kong mga kaibigan?"
"A-anong ibig mong sabihin?!"
"Akala ko mga kaibigan ko kayo. Nagpakatotoo ako sa inyo. Ipinakita ko yung tunay na ako. Pero kayo? Ha? Nagpakatotoo nga ba kayo sakin?"
"Teka Kath. Hindi kita maintindihan eh"
"Hindi mo maintindihan dahil hndi niyo maamin sa sarili nyo na mga PLASTIK kayo!"
"Hoyyy! Hindi kami PLASTIK! Hindi namin alam yang pinagsasabi mo. At kahit kelan, hindi kami nagtago sayo"
"Ah ganun?! Sabihin nyo sakin kung gawain ng isang kaibigan ang sirain ang kasiyahan ng isa pa niyang kaibigan"
"Wala kaming alam diyan Kath. Deretsuhin mo na kami!"
"Bakit ayaw nyong ipaalam kay DJ na may party si Julia 2 days ago ha? Dahil ba ayaw nyo na makita ko siya? Dahil ba ayaw nyong nagsasama kami? At dahil ba ayaw nyo kong sumaya?"
"Come on Kath.. We did not do that. Hindi namin alam yang mga pinagsasabi mo"
"Ang gagaling niyo talaga eh nuh?! Mga pang best actress ang mga personalidad nyo!"
"Kanino mo ba nabalitaan yan Kath?"
"Kay Julia!"
"At naniwala ka naman?", aba! Sumasabat tong si Bea ahh! Ugh
"Bakit naman hindi?", tama yan Kath. Ipagtanggol moko.
"Mag-iingat ka sa mga sinasamahan mo Kath! Dahil baka sa gitna ng mga pinakikita nyang mabuti, may binabalak na siyang masama"
*ring ring*
*ring ring*
Anong pinagsasabi ng Joyce na yun at parang ang lalim ng pinanghuhugutan. Alam ba niya yung mga plano ko? Hindi pupwede yun.
Hanggang dun nalang yung narinig kong sumbatan nila. Hahaha! Ang sarap naman talagang pakinggan na ang mga magkakaibigan na nag-aaway away. Hindi ko na napakinggan yung iba pa dahil tumatawag si daddy. Lumayo muna ako.
-----------------------------------------------------------
KATH's POV
"Mag-iingat ka sa mga sinasamahan mo Kath! Dahil baka sa gitna ng mga pinakikita nyang mabuti, may binabalak na siyang masama"
Nagsusumbatan kami ni Joyce. Hindi ko kasi matanggap yung ginawa nila nung party. Ang hirap i-accept. Tapos ngayon, ayaw pa nilang aminin.
"aish. Kung wala na kayong sasabihin, pwede paraanin nyo na ako nang makaattend na ko sa klase------"
Napatigil ako dahil biglang dumating sina Yen at Niel.
Hingal na hingal sila. Parang nakipag-marathon sa 100km-dash
"Oh .. Anong nangyayari dito?", hinihingal parin si Niel. Di ko kasi alam yung sound effect ng hinihingal :P
"Tanungin mo yang mga kaibigan mo", sagot ko sakanya at nag-cross arms.
"Kris, Joyce, Bea, Diego... Ano to?", tinanong naman niya. Tssss.
"Kasi tong si Kath, mukhang nakalimutan na tayo. Mas pinili pang sumama sa mga masasamang taong katulad ni Julia....", sagot yan ni Joyce!
"Hoy! Hndi masamang tao si Julia. In fact, siya yung tumutulong sakin para makalimutan ang lahat ng mga problemang idinulot NIYO", ugh, naiinis na talaga ako..
"Ah ganun?! So, PROBLEMA na ang tingin mo samin ngayon. Tignan natin Kath kung sino ang magsisisi sa huli.."
"Ano ba!!! Magsitigil na nga kayo!! May malaki tayong problema at mas kailangan nating unahin yun ngayon!!", sabi ni Yen. Hinihingal parin at pawis na pawis.
"Ano yun?!!!", sabay sabay naming tanong.
"Si DJ......"
"Bakit si DJ?", agad kong tanong. Hindi nakasagot si Yen.
"Yen! Sabihin mo sakin.. Anong nangyari kay DJ!!", inalog ko yung balikat niya. Alalang alala na ko. Malapit na kong magpanic at ma-collapse dito..
"Kath.. Si DJ......"
"Ano!!! Bakit si DJ????"
"Kath, si DJ....
Sinugod sa ospital"
-----------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Love Knows No End (Completed)
FanficFighting for love even if it means fighting against destiny. Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok? Paano sila pagtitibayin nito?