36: The other side of me.

3K 35 7
                                    

Mega-update: ang 3rd update ko ngayong araw. Tatapusin ko na para sa inyo :))))

MY DEDICATIONS sakanya dahil idol na idol ko siya :) Read her stories... Makaka-relate kayo.

Ang chapter na ito ay Rated PG :P

----------------------------------------

Chapter 36

KATH's POV



Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Sobrang sakit. Feeling ko nga parang sasabog eh. Ano ba naman yung panaginip ko. Magkasama daw kami ni Julia at dinala niya ako sa bahay niya...




Idinilat ko yung mga mata ko...




Sa pagkakaalam ko, pink yung kulay ng kurtina ko sa kwarto. Lumingon ako sa gilid.. Nasan na yung picture ko na laging nakapatong sa table na yun?!




Hahawakan ko sana yung ulo ko. Ang sakit kasi talaga...



Pero bakit hindi ko maigalaw? Parang may pumipigil sakin? Pati yung mga paa ko..






After that, tsaka lang ako nagising sa reality. Hindi pala ako nanaginip kagabi. Totoo palang magkasama kami ni Julia. And worse.....







Nakatali ako ngayon. Nakatali ang mga kamay at paa ko sa corners ng kamang hinihigaan ko. At ang bunganga ko... May nakalagay na panyo para hindi ako makapagsalita.







"Good morning BESTFRIEND!!"





Tumingin ako sa may pinto at nakita ko dun si Julia. Naka-cross arms at nakangisi. Binigyang-diin pa niya with sarcastic voice yung salitang BestFriend.





"Julia!!! Anong pinaggagagawa mo sakin? Pakawalan mo ko dito!!!", pagsigaw ko sa kanya. Dahil nga may nakatakip sa bunganga ko, hindi masyadong clear yung pagkakasabi ko.




"Anong sabi mo?!"



"PAKAWALAN MO KO RITO!!!"



"Ha? Ano? Ano? Hindi kita maintindihan"




Hindi na ako muling nagsalita pa. Dahil alam kong sinasadya niya iyon. Nagstart na siyang tumawa at nagstart na din akong mainis sa kanya.




"Hahahahaha! Poor Kathryn! Kahit magsisisigaw ka pa dyan, walang makakarinig sayo"




Oo nga pala. Itong bahay lang na to ang nag-iisang bahay sa lugar na to. Lumapit sakin si Julia at sinabunutan.




"Kung inaakala mong magiging masaya ka na habambuhay.. Pwes, nagkakamali ka. Dahil hindi kita tatantanan hangga't nakikita kong masaya kayo ni Daniel!!!"




Ansakit na ng pagkakahila niya sa buhok ko. Kitang kita ko sa mukha niya yung galit at paghihiganti.



Hindi ako nakapagsalita dahil nga sa nakatakip sa bunganga ko. Then, maya maya, inalis niya ito




"So you mean....."




Hindi ko na naituloy yung dapat kong sabihin sa kanya dahil dinugtungan na niya yun.






"Yes Kathryn!! Ako lang naman ang nag-iisang gumagawa at nagpapadala sayo ng threats! Ang galing ko dba? Natakot ba kita?", binitiwan na niya yung buhok ko at naglakad lakad sa harapan ko.




"Bakit mo ginagawa ang lahat ng to?? I thought you are my friend"




"I WAS just only your friend Kath. Friend kita nung hindi pa nagiging kayo ni Daniel"



"Ano bang problema mo Julia? Tell me."



"IKAW ang problema ko Kath! Akala ko kaibigan kita. Akala ko mapagkakatiwalaan ka. Pero bakit mo inagaw sakin si DJ?!", pasigaw niyang sabi.




"DJ was never been yours. Hindi ko siya inagaw sayo. Siya ang unang lumapit sakin at nagbigay motibo"



"Ahh ganun?! Hindi ka rin pala fake friend eh nuh. Pang-best actress ka na rin pala ngayon Kath!!! Demonyo ka."


"Demonyo?! Ako?! Sa tingin mo Julia, sino ang mas demonyo sating dalawa? Hindi ba ikaw? Ahhhh. Muntik ko ng makalimutan. YOU are more than a DEMON.... *paaaaak*"



All of a sudden, sinampal ako ni Julia. Ang unang pagkakataong nakatanggap ako ng sampal galing sa isang taong inakala kong kaibigan.







*pak*


"Para yan sa pagiging PLASTIK mo"



*pak*


"Para yan sa pagkakasabi mong demonyo ako"




*pak*


"Para yan sa pagpapadala ng mga walang kwentang threats sa akin"



*pak*


"Para sa paggawa mo ng paraan para buwagin ang samahan naming magbabarkada"




*pak*


"Para yan sa panggugulo mo samin ni DJ"






Sorry ha kung nag asal-hayop ako. Hindi ko na kasi kaya yung mga pinaggagagawa niya sa amin at sa barkada na rin.





"How dare hit me like you know me at all Kath!", hinahawakan niya yung mga pisngi niyang mapulang mapula gawa ng pagkakasampal ko sa kanya.




"Kilala na kita Julia. Kilalang kilala. Alam mo kung ano? Para sakin, isa kang PESTE sa bukid na naninira ng mga pananim na matagal ng inaalagaan ng mga taong naghihirap para lang dun"





Hindi siya nakapagsalita. Nakakunot nnaman ang noo niya. Nakahawak parin sa mga pisngi niya. At umuusok na din ang mga tenga at ilong niya dahil sa inis.




"Hinding hindi mo matatalo ang isang katulad ko, Kath"



"Yan ang alam mo Julia. You'll never win over goodness. Hindi na ako yung Kathryn na nakilala mo bilang isang lampa. Hindi na ako yung Kathryn na iyakin at higit sa lahat, hindi na ako yung Kathryn na lagi mong ipinagtatanggol noon. This time, ako na mismo ang kakalabanin mo. Hinding hindi ako magpapatalo sa isang demonyong katulad mo"






Seryoso ako sa mga sinabi ko. Noon kasi, ako ang laging ipinagtatanggol. Ako ang laging naaapi. Pero ngayon, I won't allow anyone na saktan ako o yung mga taong mahal ko. Especially DJ. Ngayon, ako na mismo ang magtatanggol. At kung kinakailangan, ako na ang mang-aapi.





Alam ko nainis ng sobra sobra si Julia sa mga sinabi ko. Hindi ko naman dapat gagawin yun eh pero sumusobra na siya. Kailangang maparusahan ang mga katulad niya.




Yung pananakit at paninira sa damdamin ng isang tao... Mas masahol pa yun kesa sa mga krimeng pagpatay at pagnanakaw. Dahil dignidad na at pagkatao ang sinisira niya.




Umalis na siya sa kwarto at hinila ng pagkalakas lakas yung pintuan.




Ako? Naiwang miserable at vulnerable. Hindi alam kung panu makakawala sa realidad na ito.





Sana dumating si DJ.


Sana may manligtas sakin.



At sana, hindi puro SANA :'(

-------------------------------------------------

Love Knows No End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon