Margarette POV
Habang nag eensayo si Zein ay nakita ko ang nilabas nyang kapangyarihan kay Trixie,iba ang naramdaman ko sa kapangyarihan na yon. Nasakanya lahat ng kapangyarihan na meron sa mga estudyante dito. At nararamdaman kong malakas ito dahil sa pagsalubong ng Air Dust at Fire Flames na sanhi ng pagkidlat sa paligid nilang dalawa. Mas lalo akong nanggalaiti sa galit kay Zein dahil sa nakita ko na mas makapangyarihan sya kumpara saakin. Mas plinano ko nang maigi kung papaano ko siya paslangin. Naglalakad siya ngayon mag isa at sinundan ko kung saan sya tutungo. Kinuha ko ang isang likido na poisonous. Ang likidong ito ay ihahaplos sa kahit anong parte ng katawa ng tao at unti unting malalason ang kanyang dugo.
"Oh hi Zein,how's your training?- I asked
"Fine "- cold nyang sagot
"Goodluck sa training at sa mangyayaring delubyo" -Hinaplos ko ang panyo sa isang perte ng katawan nya at umalis sa kinaroroonan nya. Tahimik akong tumawa dahil ilang minuto nalang ay mamamatay na sya
Zein POV
After ng training ay lumabas ako mag isa para umuwi. My body was about to explode pagod na pagod ako. Habang naglalakad ako ay biglang sumulpot sa tabi ko si Margarette
"Oh hi Zein,how's your training?- She asked
"Fine "- cold kong sagot
"Goodluck sa training at sa mangyayaring delubyo" -Hinaplos nya ang kamay ko at bigla syang umalis sa paningin ko. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad ng biglang nanlabo ang aking mga mata,unti unting naglaho ang paningin ko,masakit ang buong katawan ko at biglang nawalan ng malay.
Zach POV
Nakita ko si Zein na kausap nya si Margarette. At di nagtagal naghiwalay din sila ng daan. At nagpatuloy si Zein sa paglalakad at bigla nalang sya nahimatay ng wala sa oras. Dali dali ko siyang pinuntahan at binuhat nang nakita ko ang pinuno ng Angel gang.
"Dalhin mo sya sa ating departamento at nang maagapan siya kaagad,mabilis ang pagdaloy ng lason sa kanyang katawan dahil malakas ito" -pinuno . Binuhat ko siya at dinala sa department ng mga Angel. Namumutla ang kanyang bibig ilang minuto nalang ay mawawalan na sya ng hininga. Nanghihina na rin ang paghinga ni Zein. Hindi kona alam ang gagawin ko. I'm going crazy. Inilapag ko siya sa higaan upang maagapan sya. Nagtawag ang pinuno ng magagaling na manggagamot ngunit hindi ako umepek nang biglang sumulpot ang librarian at may inabot na isang likidong na nasa maliit na bote.
" Ipaninom niyo ito kay Zein mahal na pinuno upang mamatay ang lason sa kanyang dugo" -utos ng librarian
"Saan mo ito nakuha?,isa itong pinakamahalagang gamot na kinakailangan ng bawat sangkatauhan dito" -Pinuno
"Matagal kona itong tinago dahil alam kong kakailanganin ng mga makakapangyarihang tao ito lalo na kay Zein,di sya maaaring mamatay .- saad ng librarian at pinainom namin ang nasa kalahati ng bote dahil mabilis ang pagdaloy ng lason sa kanyang dugo at baka ito pa ang ikakamatay nya
Ilang minuto palang ang nakalilipas ay bigla nalang nagsuka si Zein ng maraming dugo. Marami ang lumabas sa kanyang bunganga,dugo na may halong lason. Nagkaroon sya ng malay nang ipainom ang likidong iyon sakanya. Linapitan ko sya ng wala sa oras dahil hindi ko kayang nakikita sya na nahihirapan. Pinunasan ko ang kanyang bungangang duguan at pinainom ng maraming tubig .
"Okayy ka na Zein!?Kamusta pakiramdam mo!?- nerbyos kong tanong
"O-okay l-ang aa-kooo" mahina nyang sagot at bigla ulit syang nawalan ng malay
"He need to rest for a while,wala na ang lason sa kanyang katawan,kailangan nya ng mahabaang pagpapahinga para sa pag eensayo at sa paparating na delubyo
BINABASA MO ANG
Monteverde University (Angel-Devil)
Fiksi PenggemarA forbidden history of a university