"Yes,andito na tayo! Tara kunin na natin ayaw ko ng magtagal dito! Magpapakamatay nalang ako!!!" Napabuntong hininga nalang ako at tinignan si Infinity.
"Mag isip ka nga Infinity,kung mayroon ng mga traps papasok dito siguradong mas marami na dito mismo sa halaman nato!" Napasimangot naman ito sa tinawag ko sa kanya.
"Ang sakit mo naman magsalita" nakangusong sabi nito,ngumiti nalang ako ng peke sa kanya at kumuha ng isang malaking bato. Agad ko itong binato malapit sa puno ng bigla nalang nahulog ang bato at may isang parang hole na anduon. Tinignan ko si Infinity at nagkibit balikat sa kanya.
See?
Napairap nalang ito at nauna ng pumunta duon,pipigilan ko pa sana sya nang bigla na itong nakatapak ng isa pang baging. Kaya in the end nakabitay nanaman ito.
"Alam mo? Bat di kanalang kaya mag isip muna bago sumulong? Kaya ka hindi nakakapasok sa ranking eh" pamamaaral ko sa kanya,sinamaan nya lang ako ng tingin.
"Kung dikaya tulungan monalang ako at wag kanalang sat sat ng satsat dyan?" Mataray na sabi nito sa akin,nagpapatulong nangalang mataray pa!
Agad akong lumapit duon habang maingat na tinitignan ang lupa kung may baging ba, agad ko syang pinakawalan nang makalapit na ako.
"Mag ingat ka kasi!!"
"Oo na!" Naiinis na sabi nito,hindi ko nalang sya pinansin at napatingin nalang sa itaas. At duon nakita ko isang golden apple,agad kung inabot yun dahil hindi naman iyon malayo mula sa akin.
"Halika na" anyaya ko kay Infinity nang makita ko ang tatlong aso na naglalaway,masama ang tingin nito sa aming dalawa at parang gutom na gutom na ito.
"Opss hindi kami masarap! Duon nalang kayo sa iba" magkakausap ni Infinity sa tatlong aso,hindi ko alam kung paano to gagawin kasi wala naman kaming baril.
"May baril kaba?" Tanong ko sa kanya agad naman syang umiling sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at humarap sa aso, this is sh*t!
Agad kong tinutuk ang kutsilyo sa isang aso na susugod sa akin,tumalon ito sa akin pero mabilis kong nasuntok ang mukha nito dahilan para mapahiga ito sa lupa, sasaksakin kona sana ito ng may dumagan sa akin.
"Grrr!" Ibabalibag ko na sana ito ng bigla itong napasigaw at umalis sa likod ko napatingin ako rito at nakahandusay napala ito sa sahig. Tinignan ko si Infinity, kumindat lang ito sa akin.
Magaling naman pala eh!
Agad akong humarap sa isang aso na kalaban ko kanina at hinagis ang kutsilyo sa lalamunan nito nang tumalon nanaman ito sa akin,agad itong napadaing at napahiga sa lupa. Kukunin kona sana ang kutsilyo ng bigla itong bumangon at sinunggaban ako.
Agad kong hinarang sa bibig nito ang braso ko,buti nalang at may armor ako sa kamay. Mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa leeg nito at sinaksak sya ulit duon,agad naman itong napahandusay sa sahig at nag hihingalo.
Napatingin ako sa braso ko at nakita ang laway ng aso duon pati nadin ang dugo nito. Agad kung pinahid sa kanya.
Kadiri!
Walang hiyang aso to!
Nilingon ko si Infinity at tapos na pala ito sa pakikipag laban,ang bangis din ng isang to gumamit ng kutsilyo ah?
"Bilib kanaba sa akin? Sus! Wag monang sabihin alam konaman na magaling talaga ako" okay binabawi ko na ang sinabi ko kanina,isa din itong mayabang eh. Dilang childish isip bata din.
'You have successfully accomplished the mission'
'Infinity just level up!'
'Demonic Angel just Level Up!'
BINABASA MO ANG
Castle War Online (Completed)
Randoma kind of a very dangerous and full of adventure game a Virtual Game called Castle War Online Started writing: April 1,2020 Completed story:April 29,2020 Highest rank #1 VR