Epilogue

123 5 0
                                    

Halos inobos talaga namin ang isang araw para lang mamasyal at magbonding. Hindi nga namin alam at pumonta pa talaga kami doon sa shooting range na hindi naman talaga kami pumasok dahil natakot sila bigla.

Pero hindi ko talaga alam kung pwede kami doon eh haha. Nang gulo lang kami sa lahat ng mga restuarant at mga malls na pinasukan namin. Puro katuwaan,tawa at kabaliwan ang ginawa namin noong araw na yun na umaga nakami naka uwi sa bahay namin.

Masayang masaya kami sa araw nayun na nakasama namin sya.

Nakasama pa namin sya.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Puti at itim. Yan lang ang mapapansin mo na kulay na suot ng lahat ng tao na andito.

Tinignan ko ulit ang lapida sa harapan ko.

R.I.P

Jazrey Graille

Born: May 1,2002
Died: May 1,2020

Napangiti nalang ako ng mapait. Isang araw,isang araw lang nang nakilala ka namin.

Pero iniwan mona kaagad kami....
Akala koba mabubuhay ka ng masaya kasama kami?
Pero bakit andyan ka? Bakit andyan na ang katawan mo sa lupa ngayon?

At sa minamalas nga naman. Nag prepare pa kami sa kaarawan mo. Pero wala kana pala.

Wala na palang mag se-celebrate ng kaarawan ngayon. Dahil aa mismong araw na pinanganak sya,yun din yung mismong araw na nawala sya.

May biglang humawak sa balikat ko kaya nilingon ko sya. Its Kaichi. Nilibot ko ang boong paningin sa paligid.

Nandito kaming lahat. Kaming lima. Maging ang mga kasamahan namin sa COW ay andito din. Para sumaludo sa magaling na leader nila,ang leader na nag pataas sabandila ng BP.

Hinawakan kong mahigpit ang kamay ni Kaichi. At ngumiti sa kanya nang unti unti nanamang namuo ang luha sa maga mata ko.

Ang sakit. Ang sakit sakit!
Kada lingon ko sa lapida nya. Kada maiisip ko na wala na sya. Kumikirot ang puso ko na hindi ko maintindihan.

Sa loob ng maikling panahon napalapit na ako sayo. Sa loob ng maikling panahon nahulog na ako sayo.

Pero sino paba ang sasalo sa akin ngayon? Wala na. Wala na,kasi wala kana.

"Leigh,tama  na. Alam naman nating lahat na masaya na sya. Masaya na sya dahil alam nyang may mga taong umaalala at nag mamahal sa kanya" Sabi pa ni Kaichi. Napatango tango nalang ako s akanya habang unti unting tumutulong luha sa mga mata ko.

Tama sya. Masaya ka na nga,pero hindi ko man maiwasang masaktan. Malungkot.

Paano nalang kami? Paano na ang BP pag wala na sya? Paano nalang ang inalagaan mong kastilyo Inferno? Paano na ako?

Wala nang mag aalalay sa amin. Wala nang mangunguna,paano pa lalakas ang loob namin pag wala nang Inferno na andyan para palakasin ang loob namin? Na nagtitiwala sa kakayahan namin?

"Diba sinabi nya nadin sa atin Leigh. Live your life to the fullest. Pinakita at pinaramdam nya sa atin kung gaano kahalaga at kasaya ang makasama ang kaibigan mo sa totoong buhay. Na makasa sila hindi lamang sa isang game. He made us see the true beauty of life. What is the porpuse of life" Napatingin nalang ako kay Kaichi dahil sa sinabi nito. Pinunasan nya ang mga luha sa mukha ko na dahilan ay ikaw.

Ikaw.

"Hindi nya hahayaan na matulad tayo sa kanya. Kaya nya tayo sinamahan at pinaintindi kung gaano ka saya ang mga pangyayare na nagyayare talaga sa totoong buhay. Kaya Leigh,maging masaya din tayo dahil sya. Napasaya din natin sya" Ngumiti nalang din ako sa kanya at tinignan ang lapida nito sa huling pag kakataon.

Nag bigay sya ng oras para makasami namin. Para imulat kami sa katotohanan na mas masaya sa real life. Ang laro ay laro lang.

Pero sana,sana nasa Virtual Reality nalang tayo. Para pag gising ko,andito kapa din. Buhay,at masayang kasama ang lahat.

We will miss you Inferno.

And we love you.
Forever.

-End-

Castle War Online (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon