#COW part 6.

322 18 0
                                    

"Ano ba! Bat kaba sunod ng sunod!" Naiiritang sabi ko sa kanya,hindi nya naman ako pinansin habang tawang tawang nakatingin sa itaas ng ulo ko.

Demonic Angel lv. 6
  Warrior.

Napairap nalang ako sa kanya at tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya. Napataas naman ang kilay ko ng makita ang pangalan nito,biglang pomorma ang malaking ngisi sa labi ko.

Corny.

"Alam mo kesa sa pag disketahan mo ang level ko mas maganda siguro kong tignan mo muna yang walang kwentang pangalan mo!" Madiing sabi ko sa kanya,agad namang nag bulung bulungan ang mga players nanakapalibot sa amin. At bakit naman hindi? Representing!

Kamatayan lv. 10
    Elite.

What the heck diba?

Agad akong nag walk out doon nang mapatulala ito sa akin at tinitignan ang pangalan nito.

"Ano bang problema nya sa pangalan ko? Eh bagay na bagay naman sa akin to dahil ako si kamatayan na papatay sa inyo! HaHaHa!" Agad namang nag sigawan ang mga players sa sinabi nito.

Nakakairiti.

Siguro kilala nyo naman ang lalaking to. Sino ba naman ang nag pakilala na level 10 na sya? Ede walang iba kundi si Kaichi! Ang yabang akala mo naman sya talaga ang na ngunguna sa rangking sa lahat ng kaharian hindi naman!

"Hoy Dom! Bat ganyan ang mukha mo?" Nag tatakang tanong sa akin ni Widow,agad namang lumapit sa kanya si Infinity.

"Kaya nga,baka nakita nya ang crush nya na may kasamang iba" nang aasar na sabi nito,napairap nalang din ako sa kanya dahilan para mag sitawanan ang dalawa.

"Sabi ko na nga ba eh!" Natatawang sabi nito at nakipag apir kay Widow, mga baliw!

"Teka nga,sino naman kaya ang crush nya dito sa Kastilyo?" Nag tatakang tanong ni Widow.

"Malamang sino pa ede si Kamatayan,na hindi ko alam kung anong pumasok sa isip at ganun ang pangalan nya" hindi ko mapigilang mairita ng madinig ang pangalan nito galing kay Harlem na kakadating lang.

"Oo nga eh,baliw na siguro yun" naiiritang sabi ko,bigla namang nag singhapan ang dalawa sa sinabi ko. Kunot nuong tinignan ko ang dalawa. Tinupak nanamam ata?

"So totoo nga?" Nasisiyahang tanong ng dalawa. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nila. Anong totoo?

"Ang alin?" Naguguluhang tanong ko sa kanila.

"Na sya ang gusto mo? Si kamatayan?" Abat!

"Anong pinag sasabi ninyong dalawa? Bakit ako nanaman ang tinutukso ninyo! Baka magwala yung si Nightmare pag nadinig nya yung pinagsasabi ninyo" tanging nasabi ko sa kanila at pumasok na sa kastle.

Agad namang sumunod sa akin ang tatlo habang ang dalawa ay nag aasaran habang tahimik lang si Harlem na sumusunod.

Unang beses kopalang na pumasok dito sa kstilyo at masasabi ko ang ganda ng loob,napapalibutan ito ng mga armor at mga espada pati nadin mga baril. Mayroon ding parang isang shop sa gilid,agad akong lumapit doon.

"May nais po ba kayong i-upgrade sa iyong sandata?" Agad kung nilabas sa inventory ang nakuha kong Golden pistol,libre naman ang pag upgrade nila kaya mas makakabuti nadin yun.

Dito kasi may mga papera-pera at makakakuha kalang non sa mga quest ang tawag nila doon ay Red Cards. Kaylangan din ng pera para pang bili ng mga bagong pangkagamitan. Agad kung kinuha ang pistol nang matapos na ito at binalik sa inventory,mamaya ko nalang siguro to susubukan.

May roon ding mga painting dito sa loob at sa minamalas kanga naman,nakalagay dito ang mukha ng player na si Kamatayan,nakalagay sa baba nito na sya pala ang pinaka mataas na level sa kastilyo.

Castle War Online (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon