#COW part 44

52 2 0
                                    

Nakaharap na kami sa gate at handa ng sumulong. Naghihintay nalang kami sa pag bubukas nito.

"Ready?" Tanong ni Inferno sa akin,napatingin naman ako sa mukha nya ng mapansin ko ang maganda nitong mga mata.

Pamilyar.

Napailing nalang ako at ngumiti nalang sa kanya, "Im born ready" sabi ko sakanya at tumingin ulit sa unahan.

Wala silang alam kong anong kabaliwan ang ginawa ko. Mwahaha

Just watch and learn!

"Binubuksan na ang tangkahan! Magsisimula na ang pakikipagpaligsaan sa White Eagle! Laban lang BP!"

"Laban lang!" Unti unti nang bumukas ang gate ng kastilyo,unti unti kona ding nakikita ang liwanag na sumisilip mula sa labas. Sana hindi sila magalit sa ginawa ko no? Hindi ko naman to pipindutin kong hindi kinakaylangan.

"May ginawa kaba?" Agad akong napalingon kay Inferno ng bigla nya akong kausapin.

"A-ahhh wala! Ako pa ba!" Syempre meron!

Tumaas lang ang kilay nya sa akin,kaya tinalikuran konalang sya. Bakit ba? Para sa lahat naman to eh!

Natatanaw na namin ang mga taga White Eagles,ang ku-kyut lang kasi may suot silang parang isang robe na feather ng eagle! Nakakaingit! Dapat meron din kami.

Nasa tapat na kami ng linya kaya agad nang nilagay ni Inferno ang flag sa may butas,napangisi nalang ako. Thishhh ishh it!

Bigla nalang parang nadala ang kamay ni Inferno pababa,pero hindi naman yun napansin ng iba dahil may hologram naman. Nagtatakang napatingin sya sa akin, tinaas baba ko nalang ang kilay sa kanya. Oh? Ano ka ngayon?

Isa lang naman akong dakilang sundogera! Pero iba ang saamin dahil malalim!

Tinaas na ng leader nila ang kamay at agad na pinasugod,susugod na sana kami ng bigla nalang nagsilabasan ang mga Malalaking Agila.

Napanganga nalang ako sa nakikita. S class monster din! Paano ba nila inaalagaan yan? Bat ang rami? Isa isa ba sila ng alaga?

"Atras!!!" Malakas na sigaw ni Inferno sa lahat,gulat man ay sumunod din kami sa kanya. Ibat ibang reaksyon ang makikita sa mukha naming lahat,hindi namin inaasahan na may pasurprise sila!

"Fuck!" Napamura nalang din si Inferno,dahil wala kaming ibang sandata para labanan ang lahat ng yun. But wait! Hindi lang sila ang may pa surprise.

Ngumisi ako at itinaas ang botton na dala dala ko,naguguluhang napatingin si Inferno doon. Wala na akong maisip kaya pareho lang ang gagawin ko ngayon saginawa namin dati.

Wala lang! Im poor yah know!

"Tanggapin nyo to!" Malakas na sigaw ko bago ito pinindot,agad namang nagsiliparan ang daang daang spada na hinanda ko para lang talaga sa kanila.

Sapul naman sa lahat ng mga agila ang lahat ng iyon,gulat ang makikita sa mga mukha ng lahat. Oh ano kayo? Kala nyo siguro kayo lang ang may pasurprise no? Kala nyo ba malilinlang nyo ako sa mala anghel na mukha ninyo?

And wait theres more!

Kinuha ko din ang isa pang botton sa bulsa ko at pinindot iyon.

Biglang nagsisabugan ang lahat ng mga traps na nilagay ko doon sa pwesto nila. Dinig na dinig ko naman ang naging sigawan nila roon. Hindi kami ma di-disqualified sa ginawa ko dahil mga poition lang naman yun na magpapahina ng katawan nila. Diko nga alam kong bakit sila nagsisigawan eh ni hindi naman sila masasaktan dyan!

Hindi agad sila makakapag laro ng maayos dahil dalawang minuto ang ipekto nito. Ang magiging epekto kasi nito ay parang bibigat ang katawan nila na parang may naka kabit na mabigat na kadena sa katawan mo. Tumingin ako kay Inferno at kinindatan sya.

Castle War Online (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon