#COW part 29

75 1 0
                                    

Demonic Angel is Online!

Nag unat unat muna ako at masayang nalakad. Hindi ko alam kung bakit ko hinamon ng away si Kaito kanina,suguro tinopak nanaman ako dahil sa walang magawa.

Napatingin ako sa harapang ng makasalubong ko si Kamatayan,hindi nya talaga pinalitan ang pangalan nya no? Ano batalaga ang nakita nya dyan at nagustuhan nya yan?

Hindi konalang sya pinansin at nilampasan nalang sya. Ang ganda kono? Hindi namamansin,ganun naman talaga yun pag busy person ka at hindi mona napapansin ang mga hindi mahahalagang tao.

Ouch!

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng may maalala ako,agad akong lumingon kay Kamatayan na malayo layo na. Aba! Hindi nya rin ako pinansin ah?

"Kai- ay kamatayan!" Tawag ko sa kanya,agad naman syang lumingon sa gawi ko kaya tumakbo nalang ako papunta sa kanya.

Nakakunot lang ang nuo nito habang nakatingin sa kanya,pag feel na feel mopala ang kasikatan no? Parang sumusungit ka.

"Ano?" Walang ganang tanong nya. Hindi konalang pinansin ang pagkawalang ganang pakikipag usap sa akin. Tsk! Dihamak kase nakausap na ang love of his life nya kaya ganyan na umasta.

"Asan pala si Inferno?" Tanong ko,maslalo namang kumunot ang nuo nya

"Bakit mo naman sya hinahanap?"

"Wala lang pake moba?" Mataray na sabi ko sa kanya,umiling nalang sya sa akin at agad din akong sinagot. Ganoon naba kaayaw nyang makipag usap sa akin? Grabe naman.

"Wala pa sya" sabi nito at tumalikod na,sinimangutan ko nalang ang likod nito naparang may isang ulo ng demonyo ang nakakabit duon ng bigla nalang syang humarap.

Nagulat naman ako sa biglaan nyang paglingon kaya agad din akong napaayos ng tayo. "Anong sasabihin mo sa kanya? Ako nalang ang magsasabi" sabi nya pa,umiling lang ako sa kanya.

"Hindi,ako nalang gusto kung ako mismo ang kumausap sa kanya" I mean makipag laban sa kanya,napangisi nalang ako sa naisip.

Hehe.

Kumunot lang ang nuo nya sa akin at tuluyan ng umalis,ano ba talagang nangyare duon at bat ang sama sama ng tingin nya? May nagawa nanaman ba ako sa kanya?

Parang wala naman akong naaalala.

Nagkibit balikat nalang ako at hinanap sina Widow,tingin ng tingin naman sa akin ang mga players. Napasimangot nalang ako dahil sa nakikita,Ano nanaman ba ang problema nila at tingin naman sila ng tingin?

Hindi naman zero ang lv. Ko ah? Hindi konalang sila pinansin at nagputuloy na sa paglalakad. Pumasok na ako sa luob ng kastilyo baka nasa pagkainan sila,ng makapasok na ako ay nakita ko silang nag uusap sa harap ng hagdan.

Kumaway ako sa kanila at lalapit na sana ng bigla ko nalang nakita si Inferno,nag iisa lang ito at nasa kaliwang bahagi sya ng kastilyo.

"Inferno!" Malakas na tawag ko sa pangalan nya,agad naman syang lumingon sa akin habang nakakunot ang nuo,kumaway ako sa kanya at lumapit.

Ano bang problema ng mga tao ngayon at parang wala ata sila sa mood?

"Hoy Dom! Nahihibang kana ba?" Hindi makapaniwalang sabi nina Harlem,nginitian konalang sila hanggang magkaharap nakami ni Inferno,ngumisi ako sa kanya.

"Ano? Kaylan tayo magsisimula?" Wala syang naging reakyon sa sinabi ko at ganuon padin ang itsura nya.

"Are you lost?" Walang ganang sabi nya at tinalikuran ako.

Aba!

"Hoy! Diba ngayon tayo mag tatapat? Napag usapan na natin to ah?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya,nag simula nanamang nagbulong bulongan ang players sa paligid namin.

Castle War Online (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon