Demonic Angel is now online!
Napabuntong hininga nalang ako at naglakad papunta duon sa harap ng may fountain,agad akong naglabas ng isang peso at nag wish.
"Sana hindi na nagtatampo si Kaichi..." agad kong tinapon sa tubig ang pera. Napailing nalang ako sa ginawa,bat ba dito ako humiling? Ede hindi ito mangyayare sa reality! Hay....
"Hoy!"
"Ay ano ba!" Gulat na sigaw ko nang may biglang nanggulat sa akin,buti nalang at hindi ako napalangoy dito sa fountain!
"Bat kaba nanggugulat?" Tanong ko sa kanya,tinawanan lang naman ako ni Widow.
"Seryuso mo kasi eh,ano bang hiniling mo? Na ikaw ang maging top 1?" Nakataas kilay na tanong nito,inirapan kolang sya at umupo sa gilid.
Tumagilid ang mukha nito at tinignan ako "Bat ang problemado ata ng mukha mo? Hindi kana papayagan na mag laro?" Takang tanong nito,hindi ko nalang sya pinansin.
Tumingin nalang ako sa harapan ng mahagip ng paningin ko si Kamatayan habang nakasunod ng tingin ang mga taong nadadaanan nya. Agad akong napatayo.
What should I do?
Kaylangan kona bang mag sorry sa kanya? Dapat ba dito ako mag sorry hindi sa school? Baka galit pa yun sa akin?
Nakasimangot na umupo ako nang makapasok na ito ng tuluyan sa kastilyo. Naguguluhang napatingin naman sa akin si Widow habang sinusundan ng tingin ang tinitignan ko kanina.
"Ano ba talagang problema mo? Iniwan ka ng boyfriend mo?" Agad ko syang nasapak dahil sa sinabi nito,agad naman syang napahawak sa pisngi habang hindi makapaniwalang napatingin sa akin.
"Kung galit ka sa kanya wag ako ang pagbuhusan mo ng galit! Hindi ko naman kasalanan na nagbrake kayo!" Mangiyak ngiyak na sabi nito,sarap ungasan ng isang to!
Sinamaan kolang sya ng tingin "Hindi naman ako iniwan" sabi ko sa kanya.
"Eh ano ba talaga ang nangyare sayo at para kang nakakita ng gwapo kanina dahil napatayo kakaagad!" Sabi nito, nag cross arms nalang ako sa harapan nya.
"Wala ka na don"
"Aba!" Aamba nasana syang sasampalin ako ng inambahan ko din sya ng suntok,o ano? Gusto mo pa ha?
Napairap nalang ito at binaba ang kamay,asan naba yung iba at sya ang kasama ko. Diba sabi ko si Harlem ang gusto ko? Bakit sya naman ang laging wala?
Partner in crime ko yun eh!
"Mag quest na ngalang tayo!" Anyaya ko sa kanya nang pinigilan nya ko.
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tinignan nya lang ako at may tinuro duon sa malayo.
"Ayan o si Inferno,balita ko sya nanaman ang nangunguna sa ngayon" bored na tinignan ko sya.
"Oo alam ko matagal na,alam mo ikaw masyado ka ng late sa balita eh!" Sabi ko at naglakad na,saan nanaman ako pupunta ngayon? Asan naba ang sunod na quest?
"Hintayin na lang natin sila Nightmare" sabi nito agad na man akong napaupo ng hilahin nya ako pabalik.
"Bat pa natin sila hihintayin? Pwede naman silang sumunod nalang" reklamo ko sa kanya,tinarayan nya lang ako.
"Tumahimik ka nga! Hindi nyo nga kami hinanatay noon hanggang matapos kayo! Mga walang hiya!" Sabi nito at tumalikod sa akin.
Isa din itong isip bata eh!
Naghintay lang kami duon hanggang lumipas na ang isang oras. Ano pang halaga ng paglalaro mo kung maghihintay lang kami sa kasamahan namin?
"Isang oras na tayong nakaupo dito Widow, sayang lang ang oras natin siguro kung nag Quest nalang tayo baka tumaas pa ang lv. Natin" walang ganang sabi ko sa kanya.
"Oo nga isang oras na, isang oras na syang nakatitig sayo" kunot noong tinignan ko si Widow, ano namang pinagsasabi nito? Baka nakatulog nato ah?
May tinuro ito sa pangatlong palapag ng kastilyo agad naman akong napatingin duon,nakita ko ang isang lalaki na nakatingin malapit sa amin agad naman syang umalis ng makitang nakatingin nakami sa kanya.
Sino yun?
"Kamatayan" sabi nito,biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko sa narinig, bakit naman sya nakatingin sa akin?
May balak ba syang patayin ako dito sa game?
Napailing nalang ako at napagdesisyonan na puntahan sya duon,tatayo ma sana ako ng bigla akong pigilan ni Widow.
"Hindi ka makakapasok duon" bigla nalang akong napaupo pabalik,nakalimutan ko yun ah?
Bawal pa pala akong makapasok sa pangatlong palapag.Napabuntong hininga nalang ako at napatingin ulit duon,nasaktan koba talaga ang damdamin nya? Ano ba talagang nangyare sa kanila?
"Buti naman at dumating pa kayo" Maarteng sabi ni Widow sa dalawa nang sabay silang dumating.
"Halos tubuan na kami ng halaman kakahintay sa inyo" reklamo pa nito at tumayo na, agad naman akong sumunod sa kanila ng mapatingin nanaman ako sa itaas nang makita ko sya.
Nakatitig lang sya saakin kaya ako na ang naunang umiwas ng tingin, ano ba talaga ang dapat kung gawin?
Bigla nalang kaming nakarating sa isang battle field. Napalingon ako sa tatlo. "Anong gagawin?"
Excited na tumingin si Widow sa akin.
"Makikipag laban tayo ngayon sa taga Red Dragon Castle!" Impit na sigaw nito napakunot nuo naman ako at tumingin sa harapan. May harang sa harapan namin at duon din sa malayo,para itong border sa magkabilang panig."Ang kaylangan lang gawin ay kaylangan natin silang talunin Im so excited!! Malalakas ba sila duon? Baka makakalaban natin si Acer!" Malakas na sigaw nito napatili din naman ang isa, si Nightmare.
"Paano naman sya mapupunta dito eh mas nauna naman ang lv. Nya sa atin" sabi ko sa kanya agad naman itong umiling sa akin.
"Hindi! Ang alam ko hanggang level 25 tong quest nato kaya baka andito sya!" Napatingin ako sa lv nito 20,nagkibit balikat nalang ako,25 padin pala ang mukong nayun? Bigla nalang akong napangisi sa naisip.
Isang lv. Nalang ang kulang at mauunahan na kitang mukong ka! Ikaw talaga ang unang tatargetin ko ngayon! Be ready cousin!
Hindi pa nagsisimula ang game kaya free pa kaming makapaglibot sa buong paligid. Para lang itong isang place duon sa lugar sa Counter Strike.
Bigla tuloy akong na excite! This is it! Ito na ang pagkakataon para matalo kita Acer mwahahaha.
Bigla nalang may lumabas na countdown sa harapan agad kung inequip ang HK416 Riffle ko.
3!
2!
1!
Its my time to shine!
BINABASA MO ANG
Castle War Online (Completed)
De Todoa kind of a very dangerous and full of adventure game a Virtual Game called Castle War Online Started writing: April 1,2020 Completed story:April 29,2020 Highest rank #1 VR