Huminga muna ako ng malalim bago pumunta sa kinaruroonan ni Kaichi. Agad naman syang napalingon sa akin.
"Sorry na" mahinang sabi ko sa kanya,seryuso lang itong nakatingin sa akin.
"Nagbibiro lang naman ako noon eh"
"Nag bibiro ka na hindi mo tinitignan kung makakasakit kaba ng tao" napayuko nalang ako sa sinabi nito.
'Ano nanaman yang ginagawa nya kay Kaichi?'
'Bat ba lapit yan ng lapit? Kala mo naman may gusto din si Kaichi sa kanya'
Nakarinig ako ng pagbuntong hininga at nagulat nalang ako ng maybiglang kamay ang humawak sa ulo ko,agad akong napatingin kay Kaichi.
"Sige na,umuwi kana sa inyo" hindi ito nakangiti sa akin pero hindi naman din galit ang mukha nya.
Narinig siguro nya na pinag uusapan na ako ng mga tao.
"Pinapatawad mona ba ako?" Hindi nya ako sinagot at pinaalis na. Nilingon ko sya ulit,nakatingin lang ito sa akin habang papalayo na ako sa kanya.
Ganoon na ba ako kahirap patawarin?
"Ano?" Nalilitong tanong ni Aiko sa akin ng mapabisita sya sa bahay.
"Hindi ko alam kung napatawad nya na ako,wala naman kasi syang sinabe" napatango tango naman agad ito sa akin.
"Okay lang yan atleast nakapag sorry ka na sa kanya" tumango nalang din ako sa kanya.
"So hindi na mabigat ang dibdib mo ngayon?" Agad akong napangiti sa kanya,hindi na nga mabigat ang dibdib ko dahil nakapag hingi naman ako ng tawad sa kanya. Para ka kaseng may malaking kasalanan pag may taong may sama ng loob sayo eh.
"Oo naman kaya makapag laro na ako ng MAAYOS!" Pinagdiinan ko talaga ang salitang maayos para malaman nya na hindi pa hanggang duon ang kaya ko. Agad namang kumunot ang noo nya sa akin.
"Hindi kaba nakakaintindi? Bakit ba hindi mo maintindihan na dumating si Justine sa bahay at ginugulo ako kaya hindi ako makapaglaro ng maayos!" Biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Eh paano naman yung nangyare nung kahapon?" Agad namang syang napatahimik bigla,napangisi nalang ako sa kanya. Akala mo ah!
"Napatay din naman kita ah!" Tinawanan kolang sya. " kung mas magaling ka talaga sa akin dapat hindi kadin NAMATAY diba?" Napairap nalang sya sa akin.
"Mamaya kalang sa akin" Sabi nito at tumayo na.
"Tita mauna napo ako!" Pag papaalam nya kay Mama at lumingon pa sa akin,sinamaan nya ako ng tingin bago tuluyang umalis.
Natawa nalang ako dahil sa itsura nito. " Mang asar kapa!" Akala mo naman makakapag harap pa kami ulit,anong akala nya mag kapareho lahat ng quest?
Demonic Angel is online
Agad akong lumapit sa kanila Widow nang makita ko sila.
"Anong ginagawa natin?" Tanong ko sa kanila,ngumisi lang sila sa akin.
"May naisip kasi kami" nakangising sabi ni Infinity sa akin.
"Ano yun?" Takang tanong ko sa kanila,agad namang sumagot sa akin si Nightmare.
"Why not magkita tayo sa personal?" Agad namang nagsitanguan ang tatlo sa sinabi nya at tumingin sa akin.
"Why not? Para naman mas maging close tayo" natuwa naman agad sila sa sinabi ko. Bigla ko tuloy naisip kong isa ba sila sa mga taong nanghuhusga sa akin,kung pareho kami ng school.
Kung pareho nga.
Nagkibit balikat nalang ako at nakisabay na sa usapan nila. No one knows what to happen next.
BINABASA MO ANG
Castle War Online (Completed)
Randoma kind of a very dangerous and full of adventure game a Virtual Game called Castle War Online Started writing: April 1,2020 Completed story:April 29,2020 Highest rank #1 VR