Demonic Angel is online
"Saan nabayung babaeng yun? Online naman pala sya pero bakit wala pa sya dito?"
Takang tanong ni Widow sa kasamahan nya habang ako naman ay nakasunod lang sa likoran nila."Ngayon panaman dapat tayo mag uusap para sa meet up natin" nakasimangot na sabi nya,napabuntong hininga nalang ako dahilan para mapalingon sila sa akin.
"Bat ngayon kalang?" Tanong nya pa.
"Kanina pa ako dito,sadyang yang bibig molang talaga ang naghahanap hindi yang mata mo"
"Aba!" Aambahan nya sana ako nang agad naman din syang tumigil.
"Tara na nga!" Yaya nya sa amin,napatingin naman ako kay Harlem. Nakatingin lang ito sa baba at parang malalim ang iniisip nito.
Ano nanaman ang nangyare dito?
"Okay pag uusapan na natin kung saan tayo magkikita" pagsisimula ni Widow sa usapan.
"Kailan bayan?" Tanong ko sa kanya.
"Sa week end,hindi muna ngayon kase may pasok pa. Baka busy kayo" nakangising sabi nya habang nakatingin sa akin.
Bat ba ayaw nyang maniwala na nag aaral ako ng maayos?
"Magkita nalang tayo sa isang caffe malapit sa Steward School" biglang napataas ang kilay ko sa nadinig.
"Doon ba kayo nag aaral?" Takang tanong ko sabay sabay naman silang tumango sa akin. Bigla nalang akong natahimik.
"Bakit?" Takang tanong nila sa akin,agad naman akong napailing sa kanila.
"Wala" agad naman nilang iniba ang usapan nag meeting lang sila doon habang ako naman ay hindi masyadong nakikinig sa kanila.
Why do it have to be my school mates?
"Nakikinig kaba Dom?"
"Ah? Oo naman" patango tangong sabi ko sa kanila,tinignan lang naman ako ni Widow.
"Ano?" Takang tanong ko sa kanya.
"Ano ba talagang problema mo at hanggang ngayon ay ganyan padin ang mukha mo? Magsabi ka nga ng totoo Dom hindi naman siguro ang Mama mo ang dahilan nyan diba?" Napatingin nalang ako sa harapan sa nadinig.
Gaano naba kami katagal nagsama sama sa game nato?
Bat parang alam na alam na talaga nila ang ugali ko?
Ngumiti nalang ako sa kanila " Personal na problema ko lang to" sabi ko sa kanila,bigla naman syang napasimangot dahil sa sinabi ko.
"But you can help me" agad namang nagliwanag ang mukha nito.
"Can you hug me?" Natawa naman agad sya at niyakap ako,agad namang lumapit ang tatlo sa amin at sumali sa group hug namin.
Im so lucky to meet them,even though It is just a game.
Agad akong bumaba mula sa third floor matapos kong mag pa upgrade ng weapon ko nang makita ko si Kamatayan,agad akong napangiti at lalapit na sana nang may biglang paa ang humarang sa akin.
"Op op op! San ka pupunta?" Nakataas kilay na sabi ni Nightmare. Natawa nalang ako dahil sa naging akto nito.
"Oo na,sayo natalaga sya. Hayaan mo muna akong makausap sya ngayon" nakangising sabi ko sa kanya,agad naman din itong napangiti sa akin.
"Ikwento mo naman ako sa kanya" nakangiting asong sabi nito sa akin,napatango tango nalang ako sa kanya at pupuntahan na sana si Kamatayan ng bigla nalang itong nawala.
Agad ko syang hinanap at kasama napala nito sila Inferno. Paepal din itong Inferno na to eh,pagnakita natalaga kita sa personal grr! Nanggigigil ako!
BINABASA MO ANG
Castle War Online (Completed)
Randoma kind of a very dangerous and full of adventure game a Virtual Game called Castle War Online Started writing: April 1,2020 Completed story:April 29,2020 Highest rank #1 VR