Demonic Angel is Online!
Naglakad na ako patungo sa fountain kung nasaan sila naka tambay,agad silang napaayos ng upo ng makita nila akong paparating.
"Hi" ngumiti ako sa kanila ng pilit,napangiti din naman sila sa akin.
"San na tayo ngayon?" Tanong ko sa kanila para naman mabawasan ang pagka 'Awkward' sa paligid namin.
Tahimik lang sila at pinapakiramdaman ang isat isa kung sino ang sasagot sa tanong ko,ganon naba kahirap yun?
"Mag quest nalang tayo" agad naman silang nagsitanguan sa sinabi ni Widow o Kate sa totoong buhay.
Agad na silang naglakad una sa akin,napabuntong hininga nalang ako at sumunod nalang sa kanila.
Wala nang saysay ang lahat ng ito.
Napahinto ako sa paglalakad ng bigla nalang huminto sina Kate I mean Widow. "Okay guys,favor lang ah? Sana naman kahit dito lang sa game hindi muna tayo mag aaway ah?"
"Hindi naman siguro ganuon kahirap ang magpansinan hindi ba?" Walang sumagot sa sinabi ni Widow sa amin,nagpatuloy nalang sila sa paglalakad.
Napasunod nalang din sakanila si Widow kahit na nakasimangot na ang itsura nito. Napatingin ako sa harapan at yung quest na hindi namin na tapos ang pinuntahan nila.
"Basta walang away away ah?" Tinignan lang sya ng tatlo at walang ganang tumango sa kanya. Napayuko nalang ako,Ano ba talagang kasalanan ko?
"Accept this quest?"
Yes
NoAgad nilang pinindot ang yes at nabalik nanaman kami sa lugar kung saan kami napunta nuon.
Madami ding masasayang alaala ang naiwan dito sa lugar na ito.
Napatingin ako sa kanila na tahimik na nakamasid sa paligid. Ni dati nag aasaran lang kami sa lugar na ito pero ngayon.
Hindi ko na alam....
Napabuntong hininga nalang ako at inequip ang spada na nakuha ko nong nakaraan. "I wish it will be fine"
"Ready?
Go!"
Agad namang sumulong sa amin ang mga kalaban,agad din naman namin silang sinalubong. At ng titirahin ko na sana ang makakaharap ko ng bigla nalang akong nadaplisan sa balikat ng kung sino.
"Aray!" Daing ko at napatingin sa gilid,nakita ko naman si Nightmare na nakakunot nuo sa akin.
"Pasensya na" hindi ko nalang sya pinansin at agad na pinatay ang kalaban ko ng bigla nanaman syang nagsalita.
"Ikaw naman kase!" Pag sisisi nya sa akin,napakunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya.
"Ano? ako?" Naguguluhang tanong ko sa kanya,agad naman nya akong hinarap at tinutuk sa akin ang spada nya.
"Kung hindi ka kasi paharang harang dyan! Hindi kana sana natamaan! Ang laki mo kasing harang eh!" Bakit parang ang lalim ata ng mga salitang binitawan nya?
"Tumigil ka na Nightmare! Wag mong palakihin ang isang maliit na problema" mahinahong sabi ko sa kanya,hindi naman sya makapaniwalang napatitig sa akin.
"Wag kang mag anghel anghelan ngayon DOM! Kase hindi kanaman talaga Anghel! Mang aagaw ka kase!"
"Ano ba naman yan Nightmare? Bakit mo ba yan binabalik ngayon? Hindi mo ba alam na nasa laban tayo? At isa pa hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo!" Hindi ko maiwasang mapasigaw sa kanya,palagi nalang! Palagi nalang kase!
BINABASA MO ANG
Castle War Online (Completed)
Randoma kind of a very dangerous and full of adventure game a Virtual Game called Castle War Online Started writing: April 1,2020 Completed story:April 29,2020 Highest rank #1 VR