"Saan ba talaga tayo pupunta?" Mataray na tanong ko sa kanya,nag tatarayan lang naman ako para matakpan ang kahihiyan.
Hindi konaman talaga alam kung nadinig nya yun eh! Pero kinakabahan talaga ako! Malamang sya yung pinag uusapan namin eh!
"Namumula ka ata Dom?" Tanong ni Kamatayan na nasa kabilang side kolang,nagulat ako sa biglaang pagtatanong nito kaya umiling nalang ako.
"A-ah wala,wala to!" Bat ba ako nauutal! Masyado naba akong halata?
Napatingin ako kay Inferno na nauuna na sa paglalakad,hindi nya naman siguro yun na dinig no? Kase kung nadinig nyaman yun magsasabi naman sya diba?
Diba?
"Asan ba tayo pupunta?" Pag iiba ko ng usapan,pinapasama naman kase ako hindi manlang sinasabi kung saan kami pupunta.
"Mission" maikling sabi nya,kinunutan konalang sya ng noo. Hindi ba kayang booin ang sentence?
"Anong misyon ba?" Naiiritang tanong ko sa kanya,ayaw pang deretusin eh!
"We need to get the next schedule woman. So you better shut your mouth before someone seen us" malamig na turan ni Inferno,natahimik nalang din ako. Bat ba ang seryuso lagi ng isang to? Kinikilabutan tuloy ako! At bakit nya naman nya sinabing 'Before someone seen us,eh wala namang katao tao dito.
Lumabas kasi kami ng kastilyo at tumungo sa likod ng kastilyo. Hindi konga alam kung anong ginagawa namin dito basta dinala lang nila ako dito. Pero atleast ah! Ang ganda ng view dito hindi ko alam na may lawa pala dito baka magulat nalang ako at makakita pa ako ng isang malaking falls.
"Eh san nga tayo pupunta?" Walang ganang tanong ko ulit,ang layo naman kase nang mga sagot nila.
"Dungeon"sagot naman ni Kaichi. Dungeon? Bakit naman anduon ang bagong schedule? Astig ah!
"Isa din itong mission para sa mga top players" ahh.... so hindi talaga to ganuon kadali kasi nga mission ng mga top players. Pero maghahanap lang naman ng schedule diba? Ede madali lang!
Bakbakan nanaman!
Pero bat wala atang ganito noon?
"Wala kapa kase noong pumunta kami sa mission noon kaya ngayon kalang nakasali" napatango tango nalang ako sa kanya,pero teka! Paano nya nalaman ang tanong na nasa utak ko?
Tinignan ko ng maagi ang utak ni Kaichi at baka makabasa din ako nang isip ng mapatingin sya sa akin,kumunot ang noo nya sa akin.
"Ano nanaman yang ginagawa mo?"
"Wala. Sinusubukan kolang kung may magic din ako" napailing iling nalang sya sa sinabi ko kaya tinigilan konalang din ang ginagawa. Bat ba wala sa mood tong mga to?
Ganito ba talaga sila pag pupunta sa misyon? Hindi ko talaga alam yun kasi first time kong makasali sa isang misyon. Tinignan ko isa isa ang mga kasamahan ko,lima kaming lahat kasama yung isang lalaking ika top eight na hindi ko alam kung bakit ngayon kolang sya nakita.
Hindi konalang pinansin yun at tinuon nalang ang pansin sa unahan ng matanaw ko ang isang parang butas sa gitna ng mga bato.
Ito na bayun? Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang Dungeon kung dungeon ngaba to.
"Were here,mag ingat tayong lahat sa pagpasok. Maraming mga traps sa loob nito" sabi ni Inferno,napataas nalang ang dalawang kilay ko.
Grabe naman! Gusto kopa sanang makasama sina Widow ngayon eh!
Nagumpisa na kami sa paglalakad at ng nasa harap na kami ng butas ay nilagay ko ang flashlight na dala dala ko sa ulo ko. Napahawak nalang ako sa gilid ng bato.
BINABASA MO ANG
Castle War Online (Completed)
Randoma kind of a very dangerous and full of adventure game a Virtual Game called Castle War Online Started writing: April 1,2020 Completed story:April 29,2020 Highest rank #1 VR