"Hindi po ako kalaban,andito ako para tulungan kayo" Nakangiting pagkukumbinsi ko sa mga NPC na mga Victim. Agad naman silang sumunod sa akin kaya nagsimula na kaming umalis.
Tatlo palang na victims ang nakuha ko,kaylangan kopang hanapin ang iba pang tatlo na naiiwan "Alam nyo ho ba kung saan nila nilagay ang iba?" Agad namang tumango yung isang babae sa akin.
"Ang nadinig ko ay nilagay sila sa underground" napatango tango agad ako sa sinabi nito,mabuti nalang at hindi lang ang mga nakaprogram ang pwedeng sabihin ng mga NPC.
Ito talagang problema pag may nire-rescue eh,pagrupo grupo pa sila.
Inopen ko ang voice mail 'Sinong libre dyan sa labas? Kunin nyo ang mga victim sa kaliwang bahagi ng bodega. Ilalabas ko sila sa bintana'
'Coming'-Blade
Dinala ko na agad sila doon sa gilid ng bintana at doon sila pinadaan "May lalapit na lalaki sa inyo,sumama kayo sa kanya kasama ko sya" Tumango naman agad sila sa akin kaya ng matanaw kona si Blade ay agad na akong umalis.
Hindi ko kasi sila pwedeng palabasin doon sa mismong pinto dahil hindi ako sigurado kung ligtas ba doon. Dito kasi ako dumaan kanina.
'The three victims are evacuated safely'
Sumilip muna ako sa doon sa harapan,may nakita naman akong mga nagbabantay doon na naglilibot. Nilabas kona agad ang pana ko at sabay sabay silang tinira. Aalis na sana ako doon ng may tumakip sa bibig ko.
Agad akong nagpumiglas sa hawak nya at tatadyakin na sana ang paa nito ng magsalita sya "Hey,its me!"
Lumuwag ang pagkakahawak nya sa bibig ko kaya agad ko syang nilingon.
Its Inferno.
"Bat ka andito? At bakit mag isa kalang,asan si Kite?" Takang tanong ko sa kanya,lumingon pa sya sa may bandang likoran bago ako sinagot.
"Nagpaiwan sya doon sa likod,tara na!" Kinuha nito ang kamay ko at dinala na sa harapan. Napatingin nalang ako sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko.
Bat yung mga magagandang moment na tulad nito palagi nalang pag nasa laban kami?
"Teka! San ba tayo pupunta?"
"Alam kona kung saan ang daan papunta sa baba" Alam na pala nya na nasa baba ang iba. Malamang ano bang ginagawa nya dito sa loob kung hindi nila yung hinanap diba?
Pero malay mo,dumadamoves!
"Aray!" Reklamo ko ng mabangga ako sa likoran nya. Bat ba sya biglang huminto?
"Wag kang maingay" Sumilip sya doon sa may kabilang daan,agad naman din akong sumilip doon at nakita ko ang isang parang elevator.
Sana all elevator,hindi halata na may ganito sa loob ah!
Pumasok doon ang isang lalaki na may dalang baril at dalawa pang lalaking nakabantay sa kanya,walang pasabing nagpalipad ako ng pana sa dalawang kasama nito ng malapit ng sumirado ang pintuan.
Napatingin naman si Inferno sa akin pero kinindatan kolang sya. Impress kanaba sa akin?
Biglang sumama ang tingin nya "Bat mo yun ginawa?" Galit na sabi nya,kinunotan kolang sya ng noo. Ano nanaman bang problema nya doon?
Eh,sumirado naman agad ang elevator kaya hindi kami mababaril.Napabuntong hininga nalang sya "Hindi moba naisip na magugulat sila at aalerto din doon sa baba,siguradong may nakaabang nasa atin doon! O di kaya ay tuluyan na nila ang mga biktima!" Bigla akong natigilan sa sinabi nito.
I never thought about that.
Inis na nanghilamos sya ng mukha,ganun naba ako kapabigat sa kanya? "Sana pala hindi konalang iniwan si Kite doon!" Sabi nya pa at agad na sinipa ang pader.
BINABASA MO ANG
Castle War Online (Completed)
De Todoa kind of a very dangerous and full of adventure game a Virtual Game called Castle War Online Started writing: April 1,2020 Completed story:April 29,2020 Highest rank #1 VR