Chapter 4
Matapos ang lahat ng laro agad namang nagsimula ang engradeng hapunan. Habang abala ang lahat sa pagkuha ng pagkain naroroon parin si Kristine sa loob ng banyo. ‘I can’t believe this Sh*t’ tulala niyang napag-isipan ang mga sinabi ni Khate sa kaniya. ‘Totoo ba talaga Dev?’
“Asan na ba ang babaeng ‘yon?” Tanong ni Mherylleven habang pinupulot ang ilang karne na nasa harapan niya, sa sobrang kain ng maraming Carbohydrates, hindi ka makakapaniwala kung bakit hindi siya tumataba. “Hey” tapik sa kaniya ni Kristine ng matapos itong lumabas sa banyo at nakitang kumakain sa tabi. “Hoy, gage asan kaba galing? Kanina pako naghihintay sa’yo ah!”
“Sorry bes, pero kailangan na nating lumabas dito, ayokong ipahiya ako ni Khate” hindi sumang-ayon si Mherylleven kaya kinuha niya ang kaniyang braso sa kay Kristine “No, hindi tayo aalis bes” “Bakit nama- Ghawd! Bes!?” hindi na nagtaka si Kristine kung bakit hindi aalis ang kaibigan niya sa kadahilanang Lamonera ito.
“Eh yung baboy kasi eh, kinikindatan niya ako.. Need ko pa yun lamonin!” turo niya sa Lechon na kumakagat ng apple sa kabilang table. “Ano kaba bes!, Ako yung lalamonin dito ng hiya pag di tayo umalis” bago pa sila makaalis, tinawag ni Khate ang attensyon ng lahat “Hello guys! I just want to spill some news about myself” tumigil naman sila ni Kristine at Mherylleven sa kanilang pagtutumakas sa venue.
“Um. Not myself rather, O-U-R selves Rather” Khate was looking at Kristine na para bang isang dramatikong kontrabida sa Wild Flower. “Paging Dev?” dumapo agad ang tingin ni Kristine sa lalake at nakita rin itong nakangiti. ‘Please… let not my nightmares be true, ayoko pang maging lusyang na fairy Godmother’
“Bes, if you’re not feeling okay, aalis na tayo dito, iiwan ko na yung may labs ko este yung baboy” hindi parin nanaig sa kaniyang kinatatayuan si Kristine. “Bes, if it’s hard for you to handle, aalis na tayo dito.” Tingin parin ng tingin si Kristine sa kay Dev na lumalakad papuntang entablado. “Bes?”“Hi everyone, we are happy to announce that” Dev’s voice, parang isang malaking tao na kaya kang protektahan. Isang boses na kalian man ay hinanhanap parin ni Kristine. “Bes, ano ba kasi sinabi sayo ng kuprang iyon? Tell me” tudo yogyog niya si Kristine na hindi mawala ang titig kay Dev. “We are happy to announce that our School Alumni will have the biggest charity here in the Philippines!” pumalakpak ang lahat ng audience at sumigla rin ang boses ni Khate ng bigla niyang ma realize ang mga sinasabi ni Dev. Bumaba si Dev sa stage at sinundan naman siya ni Khate.
“what the hell Dev?” inis nito sa lalake. Nasa likod sila ng stage nag-aaway habang kinuha naman ng emcee ang dalawang mic para magpatuloy ang programa.
“Anong mali don? Masaya naman sila diba?”
“Alam mong hindi yon ang gusto kong gawin mo” galit na galit nitong titig sa kay Dev, tila bang nanginginig ang mga kamay nito.
“Alam mo Khate? You’re not gonna win by forcing someone to spill the puke out of ther madafcking stomach, you need to play safe first or you’ll end the victim yourself.” tinalikuran kaagad niya si Khate.
YOU ARE READING
A Significant Decision
RomanceShe was deeply in loved with him, when he ignored her and shut his eyes into her. She was badly broken, torn into pieces and was completely shattered. Time came by and she had already forgotten her mournful past and finally found someone, that treat...