Palabas na kami ni Mherylleven sa venue ng makita ko si Dev papunta samin. Napahinto kami sa paglalakad at tinignan ko sya ng mariin. Tumigil sya sa harap namin at para bang hingal na hingal.
“Aalis na kayo?” tanong nya habang pabalikbalik ang tingin samin ni Mherylleven.
“U-uhm, a oo e-eh” pautal-utal kong sabi. “Uhm a-ano k-kasi uhm, masakit yung ulo ko” Pag sisinungaling ko, sabay hawak sa ulo na para bang hilong-hilo.
“Oh! Should I bring you to the hospital? Ano pa yung masakit sayo?” Pag-aalala ni Dev.
“Ah wala, kaya na namin to ni Mherylleven. Uuwi nalang siguro kami, matatapos naman rin ito mamaya eh.” Sabi ko sabay hawak sa kamay ng bestfriend kong parang wala sa mundo.
“No, you should go to the hospital, baka lumala payan. Come, ihahatid kona kayo.”
“Dev wag na baka—“ hindi kona natapos ang aking sasabihin dahil sumulpot si Khate sa likuran ni Dev.
“Oo nga LOVE. Hayaan mona sila, Kristine can drive. Diba?” Lumaki ang mata nya na para bang sinasabing kaya kong mag maneho with her matching evil smile is making me shake.
“Yep, Khate is right Dev. So, we will get going! Bye!” sabi ko at tumalikod na sa dalawa.“'Love daw! Haha they look like filthy morons” pagbasag ni Mherylleven sa nakakabinging katahimikan naming dalawa habang papunta sa bahay nila.
“Bagay naman sila ah!” Pag poprotesta ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.
“Wag mo nga akong ganyanin, alam kong –”
“Shhhh, mag drive thru tayo sa McDo.” Pag putol ko sa kanyang sasabihin, naiirita na ako at gutom. Hindi ako kumain don kasi nahihiya ako.
Nang makapag order na ay umalis na kami papunta sa bahay nina Ven. Mag si-sleepover ako dun ngayon. Naka pag paalam nadin ako kay Mommy’t Daddy, and besides they are on a business trip at next week pa ang balik. Mga katulong, guards and some construction workers lang yun andoon sa bahay, rinerenovate kasi yung kusina kaya ayoko pang mag stay doon.Nang maka rating sa bahay nina Ven ay dumeretso kami sa kwarto nya at sabay humiga sa kanyang napakalaking kama. Nanibago ako sa kanyang kwarto na para bang my tinanggal sila or may kung ano anong dinagdag. Simula kasi noong umalis ako para makapag trabaho bilang isang Journalist doon sa Paris ay hindi na ako nakakabalik dito sa bahay nila.
“Bes, may binago ba dito sa kwarto mo?” pag tatanong ko sa kanya habang naka kuwi ang mukha
Napa kunot ang kanyang noo at tumingin-tingin sa paligid. “Ewan ko parang wala naman ah. Wala naman silang binanggit nina mommy sakin habang andoon ako sa Korea?”
“Hmm, okay. Tingin-tingin muna ako dun sa labas. Mag aayos nadin ako pagkatapos.”
“Sige, bilisan mo ah, mauna na ako sa CR.” Sabay kuha ng tuwalya at pumuntang CR.Habang nag titingin tingin dito sa bahay nila Ven ay napag disisyonan ko na pumunta sa kanilang sala at manuood ng TV. Wala din yung parents nya dito kase andoon daw sa States, at di naman daw sinabi kung anong gagawin pero may iilang kasambahay na andito.
Habang nanonood ng TV ay kinuha ko yung aking cellphone at nabigla ako nang chineck ko ang aking facebook account.
I received a friend request from Deveraux Aron Majeda. Nalaglag ang aking panga sa nakita sa phone screen. I then accepted his request at ibinigay ang atensyon sa TV. Maya-maya ay nakita ko si Ven na pababa sa hagdan galing sa kanyang kwarto at pumunta sa direksyon ko at naupo narin sa sofa.“Nood tayong K-drama!” pa talon-talon na anyaya ni Mherylleven.
“Sure” Sabi ko habang nag s-scroll sa aking facebook account ng biglang may nag message sakin. I opened it and it was from Dev.-Hi, Tine! Sorry nga pala about kanina ah. Are you okay now?
-Uhm, yep ;) Im okay now. Thank you.
-Your welcome, get some rest. Goodnight!
-Ikaw din, Goodnight.Our conversation ended and it made me smile. Para bang may kung ano anong nag hahalungkit sa sikmura ko na para bang may nag pipyesta doon. Matapos yon ay ngiti ako ng ngiti.
“Hoi adeng anong nginingiti-ngiti mo dyan ha! Para kang aswang!” at humagalpak sa kakatawa sabay kamot sa kanyang ulo na para bang unggoy sa Lion King. Tumawa nalang ako sa kanyang ginagawa.
YOU ARE READING
A Significant Decision
RomanceShe was deeply in loved with him, when he ignored her and shut his eyes into her. She was badly broken, torn into pieces and was completely shattered. Time came by and she had already forgotten her mournful past and finally found someone, that treat...