Prologue

14 2 4
                                    

Prolouge


Ngayong highschool na ako ay nakita ko na ang halaga ng oras. Tulad ngayon na hinahapit ko ang project ko sa science, scrapbook sya na naglalaman ng mga GMOs at Genetically engineered animals. I must do these dahil 40 percent ng grade naming ay kinukuha sa projects and performance namin. I know that I need to maintain my title na with honors.


Tumingala muna ako sa langit na kita dito sa balkonahe ng apartment namin dahil nagangalay na ang leeg at batok ko. Kailangan ko pang idikit sa colored paper yung mga name ng napili kong GMOs then ilalagay ko sa recycled scrapbook. Required iyon para daw mas mataas ang puntos. Last week pa talaga ito sinabi sa amin ni Ma'am pero syempre dahil sa tukso ng cellphone ay hindi ko nagawa at ngayon ay linggo na at bukas ang deadline. Kaya ang ganap ko ngayon ay gumawa ng mga project na need ng ipasa. Never pa naman akong na-late sa pasahan. Oo at tamad ako pero takot akong bumagsak.


Inabot ako ng alas onse ng gabi para matapos na ang project ko. Kumain muna ako ng hapunan at tumungo na sa kwarto ko. Natutulog na si mama, oo magkasama kami ni mama sa kwarto dahil kaming dalawa lang naman dito. 


Si ate ay nasa Batangas, doon sya nag-aaral ng college at ang kurso nya ay Civil Engineering kaya't mas maganda kung sa probinsya sya mag-aral dahil nandoon ang magagandang klase ng lupa. Si papa naman ay lumipat sa probinsya para doon muna magtrabaho at bantayan si ate


Dahan-dahan akong humiga dahil mahimbing nang natutulog si mama. Chineck ko muna ang cellphone ko kung may importante bang message sa GC. Nang Makita kong puro kulitan lang iyon ay natulog na ako.


Kinabukasan ay naghanda na ako sa pagpasok sa school. Seven ako ng umaga nagising, kaya bangag pa ako. Hinanda ko na ang baon ko at ang kakainin ko ngayon. Matapos magluto ay naligo naman ako tsaka nagbihis. 


Halos 9:15 na ako natapos sa ritwal ko, ginising ko na si mama upang manghingi ng baon at magpaalam. Naglakad na ako papuntang highway para pumara ng jeep papuntang school. Inabot lang ng walong minuto ang byahe ko papuntang paaralan, at aabot ng dalawang minuto ang paglalakad dahil hindi dumadaan ang jeep sa harap mismo ng Saint Josephine Higschool.


Dumating ako sa school ng bukas na ang gate. Di pa man ako tuluyang nakakapasok ay nakita ko na ang kaibigan kong si Charm. Sabay kaming pumasok sa aming room at iniwan ko muna ag project ko sa locker at dumiretso sa com lab para magpaprint ng isang assignment.


Nang bumalik ako sa room ay pumasok na ang Religion teacher namin. Ang tinalakay niya ay tungkol sa mga nakaraan ng tao at ang nagiging sanhi nito sa tao sa kasalukuyan, dahil dito ay binalikan ko ang mga ala-ala ng aking nakaraan. Kung paano ko siya nakilala at kung paano nya ako binago sa kasalukuyan. 

Leaves of Memories (No Update)Where stories live. Discover now