Chapter 2
Halos isang oras ang inabot ng biyahe naming papuntang Binatagan Resort. Isa sa kilalang resort dito sa Batangas. May inflatable slides dito na syang nagpapatok pa dito.
Nang nakarating na kami ay naghanap na kami ng marerentahang cottage para mailagay na ang mga gamit namin.
Nahanap ni Papa ay yung Middle class na cottage 6-10 yung pwedeng mag-stay. Tutal ay anim naman kami kaya ayos na rin.
Nagbihis na kami ni ate ng rush guard at nagshower na para ready nang maligo.
Isang napakalawak na dagat ang Binatagan Resort. Banayad sa paa ang buhangin at malapit nang ihalintulad sa Boracay. Maraming cottages na nakakalat. May surfing area. May hotels para sa mago-overnight. Mayroon ding mga bars para sa mahilig gumimick. Kami ay hanggang alas-tres lang dito dahil bibisitahin pa naming ang mga tita at tito ko sa side ni Papa. Pupunta rin kami sa puntod ng Lolo at Lola ko sa side parin ni Papa.
"Ate matagal ka pa ba?! Make it Faaaast!" Kanina pa kasi iyon nagbibihis. Nauna pa ako.
Habang nag-aantay ay naglagay na ako ng sun block sa braso at binti ko. Mabuti na lang ay lumabas na rin si ate matapos kung maglagay.
"Heaven....Nawawala ko yung hikaw ko" nakangusong giit ni Ate.
"Yung dalawa ba o yung kapares lang?"
"Pareho..." ay patay tayo dyan.
"Tara hanapin muna natin... saan bang cubicle ka nagbihis?"
Nagsimula na akong maghanap. Halos halikan ko na ang sahig para Makita ko ag hikaw nya.
Pero...ano ba ang itsura ng hikaw nya?
Natampal ko na lang ang noo ko dahil sa katangahan. Lumapit ako kay ate na kasalukuyang naghahanap na rin sa gilid- gilid.
"Te, ano bang design non?" sabi ko habang kinakamot ang ulo.
"Heart na may bulaklak sa loob" parang naiimagine ko na ang itsura nya. "Tapos silver lahat" dagdag pa niya.
Agad akong bumalik sa paghahanap. Nagpatuloy ako hanggang may nabangga akong pares ng binti.
"S-sorry" Sabi ko pero hindi parin sya umaalis. "Will you please move?" iritadong tanong ko.
"I guess this earring's yours." Doon nya tuluyang naagaw ang atensyon ko. Tumayo ako at hinarap sya.
"Nasaan?" wala naman akong nakikitang hawak nya.
YOU ARE READING
Leaves of Memories (No Update)
Fiksi RemajaBunch of our memories are unforgettable, minsan nga ay hinihiling pa nating mabalikan iyon. Pero paano kung ang mga alaala na ito ay ang nagbabalik sa masalimuot na nakaraan. When you finally found someone that can change your perception in life m...