Chapter 6

3 2 0
                                    


Chapter 6

Gaya ng plano ko ay hindi ko nga pinansin si Deelan. Tumutulong lang ako sa grupo ko para sa debate na mangyayari na ngayon. First subject namin ang English kaya sabog ang utak ko lalo na't hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga iniisip ko tungkol kay Deelan.

Deelan....Deelan....Deelan

Puro iyan ang laman ng utak ko.

"Ayos ka lang ba Heaven?" halos takasan ako ng kaluluwa sa gulat ng bumulong sa akin si Deelan

"Kanina oo, ngayon hindi na." giit ko sa sarili ko.

"Uyy! Heaven, may problem aba tayo huh? Di mo na ako pinansin simula kahapon" malungkot niyang sabi.

"Wala namang tayo ah" bulong ko na naman sa sarili ko. "Huh?" ay narinig nya pala.

Umalis na lang ako sa upuan ko at lumapit kina Elaine na kasalukuyang nag-uusap.

"Ano ba yan Heaven! Bakit ka nakikinig sa usapan namin? Lumayas ka nga dito! Bawal ang loser dito" sigaw ni Elaine sa akin. Ano na naman ba ang problema nito sa akin?

"Excuse me? Nandito ako para sa groupings at hindi dyan sa fake news na pinagsasabi mo" nakita kong mas nag-alab ang kanyang mata na nakatingin pa rin sa akin.

"Anong sabi mo? Na tsismosa ako a—"

"Bakit hindi ba? Nagagalit ka sa akin dahil nauungusan kita sa rankings pero ang inaatupag mo dito ay chismis at back-stabbing? Yan ba ang pangarap mo sa buhay? Ang magbunganga at manira ng reputasyon ng ibang tao? Imbes na unahin mo ang pag-aaral ay buhay pa ng ibang tao ang pinagkaka-abalahan mo" singit ko sa sinasabi nya.

"At least ako may pangarap sa buhay eh ikaw puro ka landi" nagulat ako sa sinabi nya.

"Bobo ka ba? So pangarap mo ngang maging chismosa sa kalye? Kaya pala nawala ka sa top 10, deserve mo pala iyon" akmang sasampalin nya ako nang may kamay na pumigil sa kanya.

"Huwag kang magkakamaling ilapat iyang madungis mong palad sa balat nya" ani Deelan sabay hatak sa akin palabas. Sinubukan kong magpumiglas ngunit sadyang napakalakas nya.

"Bitiwan mo ako, aasikasuhin ko pa yung debate natin!" diretso pa rin sya palabas. "Ano ba!"

"May problema ka ba sa akin?" tanong nya sa akin. Wala akong imik sa tanong nya. "Heaven may problema ka ba sa akin?" ulit nya.

"Wala! Masaya ka na?" kinakabahan ako sa di malamang dahilan. "Aalis na ako"

"Sandali, ayokong makipag-away ka ulit na ganon.." kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"At bakit naman? Hahayaan ko na lang apihin nila ako? No freakin' way!"

"Hindi sa ganon—"

"Eh sa iyon yung dating sa akin eh!"

"Patapusin mo muna kasi ako... ayokong masaktan ka ulit ng dahil sa away na iyon. Huwag ka ng lumapit kay Elaine"

Tiningnan ko sya sa mata. Still confused about his point.

"Hindi pa ba obvious?" tanong nya na mas nagpagulo pa sa magulo ng sitwasyon.

"Ang alin ba? Diretsuhin mo na kasi ak—"

"I LIKE YOU HEAVEN!" nagloading pa ang utak ko sa sinabi nya.

"No......way" iyan lang ang naisagot ko sa kanya. "Totoo yung sinabi ko sa'yo Heaven. Hindi naman siguro ako magpupumilit na mag-transfer kung hindi dahil sa'yo"

"Mauna na ako" alam kong rude yung naging reaction ko, but I can't just stand there.

Masyadong mabilis. Ang bata ko pa! I'm just 12 for pete's sake! Alam kong gusto nya lang ako pero still ang bata ko pa. Wala pa nga ako sa teenage years ko eh.

Tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa mga upuan nila at nag-antay kay Ms. Ciriaco.

"Good Morning Class"

"Good morning Ms. Ciariaco Mabuhay!" bati namin

"You may sit down, so I guess all of you are prepared for our debate activity. The section who did the best debate compete for Division debate contest. I expect you guys to take this activity seriously. Kayo naman ang section 1. Maasahan ko ba kayo?"

"Yes Ma'am" we replied in unison.

"May I see?"

Nagsitayuan na kaming lahat at lumapit na sa mga kagrupo namin. Nakita ko si Elaine na nasa opponent group na. Lumipat pala sya kaya pala di ko sya Makita nung groupings namin kahapon.

"Start" signal ng teacher namin.

I started the debate.

"On my opinion, Using English as the medium in writing literature is advisable. We all know that English is the world's universal language, meaning everyone in the world can understand the literature well" I said.

"I oppose to that idea, isn't it a disrespect to Filipino writers? Are you being ashamed by our language?" si Elaine ang sumagot sa akin.

"I don't remember saying anything against our local writers or against our language. Don't get out of the context" I answered. "You should defend your topic and that is 'using Tagalog over English in writing literature" I added. Kita ang pagka-pahiya sa kanya. I didn't do it in purpose though.

"Tagalog must be used as the medium in writing literature why? Because we are Filipino and this literature can symbolize us as a Filipino" birada naman ng kagrupo nya.

"Also what if the writer is not that fluent in English? Will the reader still understand the literature? We all know that it's hard to understand statements with wrong grammar" dagdag pa ni Elaine.

"Well, I think you're not yet familiar with manuscript, are you? It's a process before publishing a book, where the editor-in-chief edits the flaws in the literature so that the mistakes will be reduced or be gone." sagot ko ulit. Mabuti na lang at marunong akong mag adlib.

Marami pa ang naging sagutan ng grupo namin at grupo ng kalaban. Magaling din magsalita si Deelan kung kaya't naging makabuluhan na ang pinaglalaban namin.

"I can see that you all guys prepared for this activity, you point out your stands about the topic. Sa August ay magkakaroon na ng competition tungkol dito. Although you guys did your very best. I only chose one group to compete in division. That's Heaven's group. About the other group. I know you did well but I didn't get your point lalo na sa bandang dulo. Dapat ay mas pinalawak nyo pa ang mga ideas nyo, and Elaine, I notice na nawawala ka sa topic kanina. Why Is that?" Umiling lang si Elaine sa sinabi ni Ma'am.

"Nevermind. So Heaven communicate with your team sa Section 3 nasa kanila ang group ng Filipino"

"Yes Ma'am"

"Okay, prepare for your next subject. Goodbye Class"

"Goodbye Ms. Ciriaco"

Ngayong wala na ang aming guro ay naramdaman ko na ang awkwardness sa pagitan namin ni Deelan. Hindi kami gaanong nagkikibuan, ramdam marahil nya ang pagka-ilang ko sa kanya.

Nakakagulat ang pangyayaring iyon, hindi dahil sa pag-amin nya. Kundi ang sagot ng katawan ko sa sinabi nya. Alam kong gusto ko rin sya. Ngunit hindi maalis sa aking isipan ang katotohanang bata pa kami. Kahit saan tingnan ay mali. Though maraming kabataan na ang commited sa panahong ito, but it really feels so wrong.

"Heaven.." naagaw ni Elaine ang atensyon ko ng tawagin nya ako.

"Yes?" I asked looking directly to her eyes. Nakita ko doon ang pag-aalinlangan nya sa kung ano man ang sasabihin nya.

"I just wanna congratulate you, you did well kanina" I didn't hear any sarcasm to what she just said. Hinintay ko ang susunod nyang sasabihin dahil ramdam kong may kasunod pa iyon. "I also wanna invite you to my birthday sa susunod na linggo"

"Okay then, I'll come" I respond

"Your mom also. Alam kong gusto rin ni mom makipag-daldalan sa kanya" she requested. Tumango ako sa pahayag nya. Umalis din naman sya matapos iyon.

Leaves of Memories (No Update)Where stories live. Discover now