Chapter 8

4 1 0
                                    

Chapter 8

"Heaven, pinapatawag kayo ni Ma'am Ciriaco sa faculty. Para daw sa upcoming debate contest" untag sa akin ng babae kong kaklase. Nag-okay sign ako sa kanya at tumayo. "Kasama daw yung group mo." Dagdag nya. "Sige.." tamad na sagot ko.

Binalingan ko ang mga kagrupo ko. Tulad ko ay halos drained na rin sila. Kaka-practice lang namin ng isang sayaw para sa performance namin sa ibang subject. Nalalapit na kasi ang august at malapit na rin ang quarterly exam kaya inaapura na kami ng teacher na matapos ang mga requirement.

"Lahat ng kagrupo ko sa debate, punta daw tayo sa faculty!" sigaw ko sa kanila. Si Deelan ay agad na tumayo at lumapit sa akin.

"Wala namang tayo Heaven!" sigaw ng kung sino man siya. Agad akong sumimangot sa sinabi nun. Ang Pilosopo!

"Huwag kang mag-alala Heaven, may magiging tayo naman" bulong sa akin ni Deelan. Peste! Kinikilig ako!

"Ang harot mong lalaki ka!" sigaw ko sa kanya.

Nang lumapit na sa amin ang mg aka-grupo ko ay dumiretso na kami sa faculty.

"Ganito ang mangyayari sa contest. Hindi na kayo magiging magkagrupo.." tinuro ni Ma'am Ciriaco ang grupo namin at ang grupo ng ibang section. "Ang English ay ilalaban sa Filipino ng ibang school, at ganon din ang mangyayari sa Filipino natin.." tumango kaming lahat kay Ma'am.

"Bilang paghahanda ay gusto og marinig ang mga opinyon ng bawat isa sa inyo. Kaya isa-isa kayong pupunta dito para ipakita at iparinig sa akin ang mga sasabihin nyo. Pag natapos na kayong lahat ay magpa-practice tayo araw-araw ng mga techniques nyo sa debate. Understood?"

"Opo!" sabay-sabay na saad namin.

"Okay, magsisimula na tayong mag-practice tomorrow kaya mag-paalam kayo sa parents nyo na malelate kayo ng uwi. I hope you'll do your best. Kilala ang school natin na parating champion sa acad-related competition."

Ilang paalala pa ang sinabi ni Ma'am bago niya kami pinabalik sa room.

"Ang astig pala ni Ma'am managalog noh? Imagine, English teacher straight magtagalog" manghang saad ng isang kagrupo ko.

"Eh Pinay parin naman si Ma'am eh. English teacher nga sya pero tagalog parin ang kinalakihan nyang language" sagot ko sa kanya.

"Uyy Felix, napansin ka ng crush mo!" nagulat ako sa pang-aasar ng kaklase ko kay Felix. Really? My Ghad, bakit ba ang pretty ko?

Agad akong inakbayan ni Deelan, dahilan kung bakit bumusangot ang mukha ni Felix.

"Bakit ba kasi ang ganda mo?" bulong ni Deelan sa akin. Diba? Pati si Deelan ay nakapansin.

Hinarap ko sya at nginitian. "Nasa genes eh" kibit balikat kong sagot.

"Hmm? Ang yabang mo"

"Well, wala tayong magagawa" natatawang sagot ko sa kanya.

Natapos ang isang araw na puro lesson at activities ang ginawa namin. "May lakad ka ba ngayon Heaven?" hinarang ako ng mga di ko kilalang highschool ng school na ito. Base sa uniform ay taga-dito nga sila.

"Oo bakit?" kahit wala talaga akong lakad.

"Talaga? Saan naman?" tanong nung isang pinakamatangkad na lalaki sa kanila.

"At bakit ko naman sasabihin sa inyo?" edi nabuko ako?

"Ayaw mong sabihin? Sige na, kaladkarin nyo na iyan" sigaw nya sa mga kasamahan.

Sa takot ay agad akong nagpumiglas. Wala na masyadong tao dito kaya dumagdag iyon sa kaba ko. Sa totoo lang ay walang makakapansin sa akin dito.

"Bitiwan nyo ako!" kahit mahirap ay nilalabanan ko sila. Medyo marunong naman akong manakit ng tao.

Leaves of Memories (No Update)Where stories live. Discover now