Chapter 17

8 2 4
                                    

Chapter 17

"Bakit nga kasi?!" iritableng tanong nitong bestfriend ko.

I asked her kung ano ang name nung guy na sumulpot sa library para tulungan ako. Ayaw niya naman sabihin!

"Gusto ko nga kasi malaman" ang hirap naman nitong paki-usapan!

"Para saan ba?!"

"Wala. Gusto ko lang malaman" simpleng sabi ko.

"Jhon Vernoz Domingo aka siya ang SSG president ngayong year. President rin ng STEM club. 19 years old at currently Grade 12. Ano may tanong pa?" taas-kilay na sambit niya.

Nakangiti akong umiling. So grade 12 na pala siya? Sayang graduating na!

Ibinalik ko ang atensyon sa binabasang libro. Hindi ko natapos kanina dahil sa nangyari. Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang marinig ko ang pagsinghap ni Charm. Tiningnan ko siyang manlaki ang mata at tingnan ako pabalik. Baliw!

"Don't tell me..." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Don't tell you what?" I asked still raising my eyebrow.

"Don't tell me, may crush ka kay Kuya JV?!" bintang niya sa akin. Naguluhan naman ako sa mga pinagsasabi niya.

"Huh? Sinong JV?" paano ako magkaka-crush sa di ko kilala? Please enlighten me.

"Duh! Ang slow mo. Si Kuya Jhon Vernoz. JV ang tawag sa kanya nang karamihan" ahh gets

"Ahh okay hindi ko sasabihin" pinal na sabi ko. Binalik ko ang atensyon ko sa libro nang hinambalos niya ako ng libro.

"Aray! Bully ka ah! Ang sakit gagi ka!" daing ko. Hinimas ko ang braso kong natamaan noya ng libro. Dito rin ako hinawakan nung librarian kaya masakit na talaga. Magpapasa ito mamaya.

"Eh kasi naman! Don't tell me-"

"Hindi ko nga sasabihin! Bakit ka pa namalo?" hinampas niya ulit ako sa braso. "Aray!" kawawang braso, bugbog sarado. Tatlong beses ito naabuso ngayon tsk tsk tsk.

"Sorry hehe. Eh kasi last year yung naging crush mo, grade 11 naman. Yung totoo? Tirador ka ng Senior High noh?" tudyo niya sa akin.

Inalala ko naman ang sinasabi niya. May crush ako last year? Sino naman?

"Sinong crush ko noong Grade 7?" seryoso...mas seryoso pa sa relasyon niyo, wala akong matandaan na crush ko noong grade 7.

"Hay jusko bakit mo sa akin itatanong eh ikaw ang nagka-crush?"

"Eh anong gagawin ko? Hindi ko rin matandaan. Hindi ko nga alam na nagka-crush ako last year" I said, finally.

Dumating na ang teacher namin para sa Filipino pero ang isip ko tumakas na. Nakatingin lang ako sa blackboard pero wala akong natututunan. Inisip ko lahat nang nangyari noong grade 7. Simula pasukan hnaggang napunta ako sa Intrams. Naalala ko na! Iyong grade 11 na naglaro ng volleyball. Inalala ko ang mukha niya hanggang sa may napagtanto ako. Kaya pala in-uncrush ko siya dahil bakla siya. Not that I hate gays pero wala akong pag-asa sa kanya! Kapwa lalaki ang hanap niya.

Ito yata ang dahilan kung bakit hindi ko chinika kay Charm ang pangalan nung crush ko.

"Girl! May another chika ako for you!" sigaw ni Charm.

"What? Make it fast"

I'm currently making our report. Since ako ang may magandang handwriting...chos! Masipag lang talaga ako magsulat dahil kay JV. Sinusulat ko yung mga opinion nila about sa topic given nila.

"Ba't ba ang sungit mo? Mamaya na yang report!" inagaw niya sa akin ang pentel pen kaya inis ko siyang nilingon.

"Ano? Sabihin mo na"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leaves of Memories (No Update)Where stories live. Discover now