Chapter 7
I left our school after hearing the bell. Taliwas sa kadalasang labas ko ay mas maaga ako ngayon. If this is just a normal day, I might be with Deelan at mag-iikot kami sa campus. Simula pa man kanina ay hindi ko na siya pinapansin. 'Awkward moments must be avoided'. I always follow that motto of mine dahil kung hindi koi yon iiwasan ay kung ano-anong kabaliwan ang ginagawa ko.
Bumili ako ng dirty ice cream nang makita ko si manong na nagtitinda ulit sa harap ng school namin. Dahil favorite ko ang strawberry ay puro strawberry ang inorder ko. Inaantay ko na lang ang sukli ko ng mariig ko ang isang pamilyar na tinig sa likod ko.
"Kuya puro chocolate sa apa lang po" ani Deelan. Nakapamulsa sya at diretsong nakatingin sa akin.
"Ahh...kuya keep the change na lang po!" sabi ko at dali-daling tumakbo paalis doon. Sayang man ang sampung piso ko ay okay lang dahil kailangan kong umiwas.
Umupo ako sa isang bench doon sa mini park namin at inilabas ang isang libro ko. I need to study mathematics dahil may long quiz kami bukas dito. Nasa kalagitnaan na ako ng nire-review ko ng maramdamang may tumabi sa akin.
"1/2 bh ang area ng triangle" si Deelan na naman. Marahil ay nakitang nakalimutan ko ang area ng triangle dahil di ko masagutan ang practice doon sa libro.
I know that! Baka nakakalimutan nyang napakahilig ko sa mathematics! Math is life! Nakalimutan ko lang talaga.
Kahit napakadaldal ko sa isip ko ay tahimik lang ako kahit na alam kong nandyan na siya. Wala nga siyang ginagawa ngunit parang isang napakalaking kasalanan na magkagusto ako sa murang edad. Fine! Never pa akong nagkagusto buong buhay ko. Crush lang ganon.
Ipinagpatuloy ko ang pagrereview ko sa math, napakarami ko pang kailangang pagdaanan sa math dahil nasa geometry pa lang ako at nasa area at perimeter parin. Ilang ulit na itong itinuro sa amin simula pa dati. Gusto ko na pag-aralan ang calculus. Pero syempre biro lang iyon, ayaw kong ma-drain ang utak ko.
Hindi ko namalayan ang oras doon. Nakita kong nakatulog na si Deelan sa tabi ko. Nakayuko sya na tila'y nagdadasal. Alas dos y media na pala, Isang oras na akong nagbabasa dito. Ganito ba talaga kapag gustong gusto mo ang subject na pinag-aaralang mo?
Isinantabi ko muna ang iniisip ko at binalingan na si Deelan na tulog mantika parin. TInapik mo ang balikat nya na ilang beses at ng gumalaw na sya ay umusog ako. "Gising na, uuwi na ako" bulong ko sa kanya.
I blushed when he looked at me immediately and smiled suddenly.
Bakit ba napakagwapo nitong lalaking ito? Paano na lang pala kapag tumanda na ito? Pang model na ang tikas ng katawan at yung mukha nya ay mas madedepina na.
"Kain muna tayo.." Anya na nagpabalik sa katinuan ko. Ghad! Ang landi kong bata!
"Sige, basta bilisan lang natin, baka mag-alala sina mama sa bahay" tugon ko sa kanya.
Hindi na sya nagsalitang muli kaya tumayo na ako at hinintay syang sumunod. "Saan tayo kakain?" tanong ko dahil hindi ko alam kung saang way pupunta.
"May stall ng mga streetfoods doon malapit sa kanto ng barangay hall" sabay turo nya sa harap ng school namin. Tumango ako at naglakad patungo doon. Mabilis ang lakad ko upang hindi kami magsabay sa paglalakad. Pinaka-ayoko talaga ang feeling na limitado ang galaw mo dahil conscious ka sa isang bagay.
Well I think I'm already fast enough, not until I felt his arm on my shoulder. Inusog nya ako papalapit sa kanya and hell! We look like some sweet mature couple. I tried to get rid of his arm but he's just that strong to stop me.
"Heaven, I'm sorry about what I said earlier.." nagulat ako sa sinabi nya.. ibig ba niyang sabihin na hindi totoo ang confession nya kanina? I hate myself for assuming na same na nga kami ng feelings. Ialso hate myself for feeling disappointed for this. "..I know you're shocked on what I just confessed. Pero papatunayan ko iyong sinabi ko. Hihintayin kong maging handa ka, I'll wait for you" For the second time I blushed.
I feel overwhelmed. Hindi ko alam na ganyan na pala sya ka-mature. He respects my decision and he's willing to wait me to be ready.
Narating namin ang stall natinutukoy ni Deelan. Malawak ang stall na iyon at puno ng mga streetfoods. May nakita akong isaw, kwek-kwek, may burger din at calamares.
TIningnan ko ang pera ko at may bente pa naman akong natira sa baon kaya mabibili ko pa ang calamares at isaw. Nang babayaran ko na ang binili ko ay hinarangan ni Deelan ang wallet ko. "Treat koi to Heaven" hindi na ako nakipagtalo sa kanya.
Matapos bumili ay umupo kami sa side-walk para doon kumain. Akon a ang umako sa palamig namin dahil dinagdagan nya pa ang mga pagkain ko.
Medyo mahirap nga lang umupo dahil naka-palda ako.
"Heto, ipatong mo sa palda mo"
Inabot ni Deelan sa akin ang jacket nya. "Salamat!" agad ko iyong inabot at ipinatong sa aking palda. Amoy fabcon pa iyon ng nalanghap ko.
"Elaine invited me sa birthday nya next week, are you coming?" tanong nya habang sinusubo ang isaw na binili nya. I nodded as a response. "Okay na ba kayong dalawa, I mean baka may binabalak siyang masama sa iyo on that party" he said while his eyes are shouting with worry.
Ngumiti ako sa kanyang sinabi, if Elaines's going to humiliate me, then humiliate me. I don't care though, I can defend myself.
"I'm going there for foods and if she's planning to do something ridiculous then so be it" I said with full of confidence. Oh diba! Matatag ako!
"I'm just worried. If that's your plan then I'll go with you" naubo ako sa sinabi nya. Ano daw?
"Si mama ang kasama ko" bulalas ko sa kanya, akala ko ba he'll wait? Baka atakihin si mama!
"What I mean is I'll support your decision, not going with you sa party. I'm not even coming" agap nya na nagpalungkot sa akin. "Don't worry we'll have our own party" nakangiting dagdag nya.
"Bakit hindi ka pupunta? Wala akong close doon! Si mama ay pupuntahan agad si Tita. Wala akong kasama doon, I'd rather stay at home kesa makihalubilo sa mga taong tinalbugan pa ang plastic!" I catched some air dahil sa walang preno kong reklamo.
"Then I'll come. If that's what you want" I can sense amusement in his voice. Agad akong naguilty, Baka napilitan lang syang pumunta. "Hindi, okay lang! Hindi naman ako namimilit" huwag kang maniwala please!
"I'll go if you go, and I don't if you don't" pinal na sabi nya. Napangiti ako doon. Atleast di sya nadala sa pakipot effects ko!
Umuwi na rin ako matapos ng ilang minuto.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang ngumiti, bahala nang magmukhang baliw at least hindi ugaling baliw.
Those kind of boy still do exist. Para tuloy akong 18 na kung mag-isip.
"Nakauwi na ako!" masayang sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng bahay.
Nakita ko si mama at papa sa sofa at masayang nanonood ng action movie. "O andyan ka na pala, bakit nga pala natagalan ka?" usisa ni mama sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako, alam kong may tiwala sila sa akin kaya kahit late na akong umuwi ay hindi pa rin sila galit.
"Inaya po ako ng kaklase ko na kumain sa kanto po ng barangay hall. Tapos nag-review na rin po ng lesson sa math" paliwanag ko.
Sinagot ko ang ilan pang tanong ni mama bago tumungo sa kwarto. Naligo ako at nagbihis. Gumawa ng mga assignments at naghanda na para matulog.
Habang nakahiga ako ay naisip ko ang nangyari sa buong mag-hapon. Napangiti ako muli. Ganoon pala ako ka-rupok. Dapat ay hindi ko sya pinansin ngunit nauwi lamang sa isang kwentuhan. Pakshet!
Gusto ko ng relasyong kasing-tatag nina mama at papa, walang nakakatibag.
YOU ARE READING
Leaves of Memories (No Update)
Teen FictionBunch of our memories are unforgettable, minsan nga ay hinihiling pa nating mabalikan iyon. Pero paano kung ang mga alaala na ito ay ang nagbabalik sa masalimuot na nakaraan. When you finally found someone that can change your perception in life m...