Chapter 14
"Hay grabe Heaven! Kung nakita mo lang yung mukha noong Dimple na iyon! Baka pati ikaw eh magalburuto na ngayon!" nanggigigil na saad ni Charm sa akin.
Si Dimple ang ka-MU ng crush ni Charm na si Acher. Literal na may dimples iyon sa magkabilang pisngi. Ang kinaiinisan ni Charm sa kanya ay parating pinapakita ni Dimple ang dimples niya kapag nandyan na si Acher.
"Ano nanaman ba ang itsura nya kanina?" nawala lang ako saglit dahil nag-cr ako ay ito na ang bungad niya sa akin.
Tumingin sya sa akin at umirap. Akala ko ay di nya ako pagbibigyan pero ginawa niya ang normal na pose ni Dimple.
"Gumanito sya sa harap ni Acher"
Nag-side view siya at ipinuwesto ang hintuturo sa pisngi upang magsilbing dimple niya at ngumiti. Natawa ako ng pumungay ang mata niya na para bang nang-aakit. Hinampas ko siya sa braso at minura para magtigil.
"Akala naman niya maakit niya si baby Acher dahil sa ginawa niya. Duh! Baka masuka lang iyon sa harap niya dahil sa ginagawa niya. Hmp!" maktol niya palabas sa canteen.
Bumibili lang kami ng magustuhan namin pagkain sa canteen at sa corridor na kami kumakain. Masyadong marami ang estudyante ng St. Josephine para makahanap pa ng table na mapagkakainan.
Patuloy sa panglalait si Charm kay Dimple habang naglalakad kami patungo sa paborito naming tambayan kapag lunch na.
"Tapos alam mo ba na sinabi niya ring bi siya sa mga classmate natin? Tapos M.U sila ni Acher? Sinong niloko niya? Sabay lang siya sa uso!"
"Eh sino naman daw ang crush niyang babae kung bi pala siya?" umupo na kami sa sahig at sinimulan nang kumain.
"Wala naman siyang binaggit o wala naman talaga siyang gusto. Nakiki-uso lang talaga" ngumiwi ako sa sinabi niya. Jusko naman, walang magawa sa buhay?
"Baka pinagseselos si Acher kaya niya sinabi iyon?" hula ko. Mabilis siyang lumingon sa gawi ko na tila isang interesanteng topic ang nabnggit ko.
"At bakit niya naman pagseselosin si babay Acher? As if naman may kaselos-selos sa kanya. Baka naman nag-away ang dalawa dahil sa wakas ay natauhan na si Acher at handa ng iwan si Dimple" nakangising sambit niya.
"Napakalawak naman ng imagination mo. Sa sobrang lawak ang hirap paniwalaan" asar ko sa kanya.
"Eh bakit tingin mo ba maganda si Dimple? Sus, kaya lang—" tinapik ko siya para tumigil sa kalalait ngunit huli na ang lahat.
"At sino sa tingin mo ang maganda? Ikaw? Wow, iba ba ang definition mo ng maganda para masabi mo iyan?"
Napapikit ako sa inis dahil sa narinig ko. Shit! Sino siya para laiitin si Charm? Eh mas maganda naman talaga tong bestfriend ko eh.
Tumayo ako para supalpalin itong malanding ito. Tinaasan ko agad sya ng kilay at nginisihan. "Sige nga, sabihin mo nga sa akin ang definition mo ng maganda at malinawan ako?" hamon ko sa kanya.
Pinantayan niya ang titig ko sa kanya. Si Charm naman ay nakangisi na rin sa tabi ko. This bitch-wannabe don't know that Charm and I are bitcher than her.
"Being beautiful means you have fair skin, pore-less face, straight hair and classy things" proud na sambit niya. Agad na nagsitango ang mga nakabuntot na punggok sa kanya.
Hah! Hindi ako makapaniwala sa kanya. Paano nakapasok itong babae na ito sa STE? Kung ganito siya ka-stupida?
"Kung ganoon ay tama kang may ibang definition si Charm sa pagiging maganda. Dahil ang tunay na maganda ay gigamit ang utak. Ang tunay na maganda ay independent sa kanyang sarili" nilingon ko ang mga punggok. Inirapan nila ako...INIRAPAN NILA AKO! Pero di ako papakabog
"Ang tunay na maganda ay may class...ang attitude. Hindi yung masyadong malandi. Ang tunay na maganda ay makikita sa loob ng isang tao at hindi sa pang-labas na anyo. Aanhin ko ang mga sinabi mo, kung magiging katulad mo rin lang ako?" ngumisi ako nang padabog siyang umalis
"Parang naturuan kita nang mabuti Heaven ahh" asar ni Charm sa gilid ko.
"Bagay pa ba ang pangalan ko sa ugali ko? Dapat yata Maldi na ang pangalan ko....Maldita" sabay kaming tumawa sa corny kong joke.
Tinapos na namin ang pagkain namin dahil 30 minutes lang naman ang lunch break namin.
Kasalukuyan na akong grade 8 dito sa St. Josephine High School. Kasama ako sa STE o Science Technology and Engineering program kung saan ang major namin ay Science, Math, Research, ICT at may extra subject na nagbabago kada year. Ngayong grade 8 ay Biology ang idinagdag sa amin. Noong grade 7 naman ay Earth Science.
May special program rin ang school namin para sa Arts major at Sporty.
I know it's been two years since the last time I saw Deelan and Elaine. Kick-out kasi ang inabot nila nang malaman ng principal ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala na akong balita sa kanilang dalawa matapos noon.
Pati sila mama at papa ay nagulat sa balitang iyon. Syempre inaanak ni mama si Elaine at manliligaw ko sa Deelan. Hindi ko naman ikinuwento ang detalye sa kanila. Baka mag-breakdown ako.
Ngayong highschool na ako ay naiba ang buhay ko. Para akong nakawala sa isang kulungang naging tahanan ko sa loob ng anim na taon. May totoo na akong kaibigan at marunong na akong lumaban sa mga malditang tulad ko.
Ang pinagkaiba lang namin ni Charm, hindi siya masyadong conscious sa grade niya except math. Palagi rin siyang late magpasa ng projects. Wala rin siyang pakialam sa nangyayari sa room maliban na lang kung nakuha noon ang kanyang atensyon. Pero matalino pa rin iyan. Kasama din sa honors kahit pabaya.
"Shit! Si Acher papunta sa direksyon natin Heaven! Oh my gosh....oh my goshhh! Eottokhae?!" hysterical na usal ni Charm.
Tumingin ako kung saan siya nakatingin at nakita ko nga si Acher kasama ang basketball team. Kasama kasi siya sa program para sa sporty at basketball ang major niya. He's already grade 9 that's why pareho kaming afternoon shift, actually morning and afternoon shift.
10 ng umaga hanggang 7 ng gabi ang klase naming may special program. While the regulars have 6 school hours.
Binalik ko ang tingin ko kay Acher, naka jersey pa siya at pawisan. Katatapos lang yata nila magtraining.
"Anong gagawin ko? Tumili rin?" I asked sarcastically. Buti na lang wala na akong problem sa boys. Traumatized yata?
Yumuko sya at impit na tumili. Malakas na ang tama nito.
"Anong date na ngayon Charm?" wala sa sariling tanong ko.
"July 21 na today, Why?" napatakip ako ng bibig "Hey, bakit? Anong meron sa date?"
"Bukas na yung club day! Wala pa akong napipiling club na salihan" nag-pout ako.
Hindi ko kasi alam kung Math club, STEM club, o HUMMs club ako sasali. Nung nag-campaign kasi ang bawat club sa room namin ay nakaagaw ng pansin ang STEM at HUMMs club. Ang Math club naman ay trip ko lang salihan dahil fave ko ang Math.
"Grabeng laki naman ng problema mo! STEM club yung akin, yun rin kasi kukunin ko SHS."simpleng saad niya.
"Ako rin naman magi-STEM sa senior High pero gusto ko iyong Math"
Hindi na sumagot si Charm sa akin kaya binalingan ko siya. Nako ang babae, tulala kay Acher na nagbibihis malapit lang sa tambayan namin.
"Hoy! Matunaw yan!" untag ko sa kanya.
"Saglit lang! malapit na rin namang mag-bell kaya di siya matutunaw"
Tumingin ako sa oras dahil sa sinabi niya. Oo nga 5 minutes na lang at 1 na ng hapon. Math ang next subject namin at Bio naman sa susunod. Noong Monday ay naipasa ko na ang project ko doon. Si Charm naman ay noong Wednesday lang kaya late na naman.
"Excited na ako sa flag retreat mamaya" kinikilig na sabi ni Charm. "Section nila Acher ang magle-lead. Siya rin yata ang magre-recite ng Panatang Makabayan" dagdag pa niya.
"Edi shortened pala ngayon?!" nawala sa isip ko na kapag may flag retreat ay 50 minutes na lang per subject imbes na 1 hour.
"Yes, Heaven"
YOU ARE READING
Leaves of Memories (No Update)
Teen FictionBunch of our memories are unforgettable, minsan nga ay hinihiling pa nating mabalikan iyon. Pero paano kung ang mga alaala na ito ay ang nagbabalik sa masalimuot na nakaraan. When you finally found someone that can change your perception in life m...