Chapter 4
"Ate, bakit kasi doon mo pa napiling mag-aral?" nagtatampong tanong ko.
"Mas maganda kasi kapag doon ako nag-aral. May mga source ng lupa doon. Malalaman ko ang iba't ibang klase ng lupa na pwedeng gamiting pundasyon sa paggawa ng bahay" explain nya.
"Sige, basta ngayon ang bonding day natin. Kailangan mo akong ilibre ng pagkain at mga gagamitin ko sa school" imbis na sumang-ayon ay binatukan nya ako.
"Ano akala mo sa akin? May trabaho na at kaya ko nang gumastos ng libo-libo?" pangaral nya sa akin.
"Dali na! school supplies lang naman tapos snack. Ako na bahala sa ibang gagamitin ko. May pera rin naming binigay sa akin si papa" pamimilit ko sa kanya. Kung sana ay kaya ko lang mag-puppy eyes ay kanina ko pa iyon ginawa.
"Sige pero sa isang kondisyon..." nag-antay ako kung ano ang idudugtong nya "...Kamusta na kayo nung nakahanap ng hikaw ko?" halos mahulog ako sa upuan ko dahil sa tanong nya. Seriuosly? Kailan pa sya nagkainteres dun?
"You mean si Deelan?" I asked kahit alam kong sya naman talaga ang tinutukoy nya.
Napatakip ako ng tainga ko ng tumili sya sa harapan ko. "Bakit mo alam ang pangalan nya? Kayo ha naglelevel-up na ha" asar nya sabay kiliti sa bewang ko. Buti na lang at hindi ito naririnig nina mama at papa dahil paniguradong nag-alburuto na iyon.
"He introduced himself, I didn't even asked for it" I'm asking for the earring nott his name. It's his initiative.
"Hoy Heaven tumigil ka nga kae-english, porket top 1 eh nage-english ka na" tinawanan ko na lang sya. Mas madalas nga yan magdrama sa harap ng salamin tapos akala mo sinasaniban at nage-english.
"Tara na nga sa mall" naghanda na kami pareho para umalis papuntang mall.
Alam nating lahat na mahirap tanggihan ang karisma ng mga bunso.
3 days from now ay babalik na si ate sa Batangas, doon sya mag-aaral ng college sa kursong civil engineering. Doon daw muna sya titira sa kanila Tita, at saka sya uuwi kung sem break o pasko na.
"Ate kain muna tayo sa chowking, nagcra-crave ako ng chicken lauriat" giit ko.
"Bakit dyan? Mas maganda sa Mcdo, gusto ko kumain ng chicken fillet nila" ani ate sabay turo sa harap naming.
Eh? Ano yun? Wala ako sa mood kumain dyan.
"Paano yan? Akin na yung pera pang-libre mo sa akin" sabi ko tsaka nilahad ang kamay.
"Akala ko ba bonding ha? Eh bakit doon ka kakain? Sa akin ka sumunod, ako yung mas matanda" aniya at umirap.
YOU ARE READING
Leaves of Memories (No Update)
Teen FictionBunch of our memories are unforgettable, minsan nga ay hinihiling pa nating mabalikan iyon. Pero paano kung ang mga alaala na ito ay ang nagbabalik sa masalimuot na nakaraan. When you finally found someone that can change your perception in life m...