Chapter 5

2 2 1
                                    


Chapter 5

Nakaka isa't kalahating buwan na ako dito sa school, imbes na maging masaya ako dito dahil walang pumapansin sa akin ay parati na akong nabubulabog dahil may bubwit akong kasama dito. Kung hindi nya ako dadaldalin ay pagt-tripan nya ako. Noong isang araw ay kinuwento nya sa akin ang buhay nya, kahit hindi ko naman tinatanong.

May maganda naman iyong naidulot sa akin, marami na rin akong nalaman sa kanya at nararamdaman kong magkakaroon ako ng kaibigan dito.

"Heaven nakikinig ka ba?" tanong ng groupmates ko sa English. Tumango lang ako sa kanya kahit lumilipad ang utak ko na puro si Deelan ang laman. Napaka bad influence talaga non.

"Pstt! Heaven, may suggestion ka ba?" tanong ni Deelan sa akin.

Hahaha ka-group ko pala ito?

"Huh? Ano bang topic?" wala sa sarili kong tanong.

"Hahaha Heaven lutang ka ngayon ahh" bulong ni Deelan sa akin.

"Sabihin mon a lang yung topic" bulong ko din sa kanya.

"Debate about sa kung mas maganda bang gamitin ang English kaysa sa Filipino para sa Literature" sagot nya, tinanguan ko sya at nag-isip na ng posibleng stand ko.

"Mas magandang gamitin ang English bilang medium ng literature dahil English ang universal language natin so kung ididistribute iyon sa ibang bansa or If ever na maipost iyon sa social media, everyone can understand it's main idea. Kung sabihin naman nating hindi lahat nakakaintindi ng English, still mas madami ang marunong mag-english." All of them looked at me, amused.

"Yan! Yan ang pino-point out ko kanina, naunahan lang ako nyang bida-bida na yan" bintang ni Elaine sa akin na binalewala ko.

"Huh? Wala ka ngang sinabi dyan kanina eh. In short wala kang ambag" ako naman ngayon ang nagulat kay Deelan ng sabihin nya iyon kay Elaine.

"Thank you, Deelan" bulong ko sa kanya.

"Hindi para sa'yo iyon ahh" tanggi nya.

"Kung ganon ay para kanino pala" hamon ko naman.

Ngumiti sya. "Para kay Eil"

Huh? "Paano mo nalaman second name ko?" gulat kong tanong sa kanya

"Simple lang.." lumapit sya sa akin sabay bulong ng "kapag kumokopya ako ng sagot sa'yo" nahampas ko sya sa sagot nya.

"Sira!"

Tumatawa pa ako ng narinig kong may bumagsak. Tumingin ako kay Elaine na masama ang tingin sa akin. "Bwiset!" aniya saka umalis.

"Anong nangyari doon?" tanong ko sa kanila. Kibit-balikat lang ang tanging isinagot nila sa akin. Hindi ko na rin iyon pinansin at ipinagpatuloy ang pagtulong sa grupo.

"Kailan daw ba iyong debate natin?" tanong ko sa kanilang lahat. Bahala na kung sinong gustong sumagot.

"Bukas na daw ito. Kailangan din daw umabot ng 15 minutes yung debate. Hindi ka ba nakikinig kanina?" ani Emily.

"Hindi" simpleng sagot ko sa tanong nya.

Kung bukas na kaagad ito kailangan na naming mag brainstorm.

"Ganito gawin nyo sa isang papel isulat nyo yung mga opinions and ideas nyo. As many as you can" utos ko na agad nilang sinunod. Mabuti na lang at absent ang susunod na subject namin. 50 minutes lang rin ang bawat subject kaya kukulangin kami sa oras kung may teacher sa susunod na subject.

"Heto na ang akin Heaven" binigay ni Deelan sa akin ng papel. Agad ko rin itong binasa at naimpress ako sa thought nya. May lima syang idea na nakabullet pa ang ayos.

If a writer uses English as the language of his or her story for example, he/she can execute the emotion properly and the hidden messages from flowery words will be more pleasant to our eyes. It does not mean that you're being ashamed by Filipino literature. Let's admit that it's harder to understand deep Filipino words than English.

That's his first idea. Para na talaga syang nakikipagdebate sa sinulat nya.

Kalaunan ay binigay na rin ng mga kagrupo ko ang mga papel nila at umalis na. Inipon ko ito at nilagay sa envelope ko.

"Tulungan na kitang i-rewrite iyong ideas natin" alok ni Deelan na nandito parin pala.

"Huwag na, salamat" ngiti ko sa kanya.

"Tara, samahan mo akong libutin itong school niyo, hindi pa talaga ako nakakalibot sa kabuuan nitong school" aya nya. Tumango na lang ako dahil wala naman na akong gagawin. Gusto ko ring tumayo at maglakad-lakad.

Una naming pinuntahan ang building 1. Grade 1 at grade 2 ang nakaroom dito. Tinuro ko kay Deelan ang room ko dati. Natawa pa sya dahil may play-ground sa gilid nun. May faculty room rin doon para sa grade 1 at grade 2 teachers. Ganon din ang set-up sa building 2 wala nga lang play-ground doon at mga grade 3 at grade 4 ang nag-aaral doon.

"Naiimagine ko yung itsura mo habang naglalaro sa play-ground nung grade 1 ka. Paniguradong galit ka parati sa mga kalaro mo" humalakhak pa sya sa sarili nyang joke.

Lumayo sya sakin ng ambahan ko sya ng suntok. "Tingnan mo, napaka-amazona mo sa akin. Ang sakit mo pang magsalita" aniya at ngumuso.

Pinitik ko yung nguso nya. "Hindi bagay sa'yo" natatawang sambit ko sa kanya. Tinitigan nya lang ako dahilan upang maconcious ako. Bwiset!

Inakbayan nya ako habang naglalakad kami. "Tara na nga, napaka-harsh mo talaga sa akin." Ramdam kong uminit ang pisngi ko dahil sa gestures nya. "Saan na pala tayo pupunta ngayon?" Napansin ko ring malalim na ang boses nya, marahil ay dahil sa pagbibinata. Matangkad sya at nasa leeg nya lang ako. Ako na ang pinaka-matangkad nyan sa mga babae ha!

"Hoy! Heaven.." tumingala ako sa kanya at tinanong kung bakit. "Saan na tayo pupunta?"

Humiwalay muna ako sabay turo sa building sa likod ng school.

Next na pinuntahan namin ang building kung nasaan ang library namin at principal's office. Sa baba nun ay clinic at guidance office. Pumunta rin kami sa mini-court namin. Dito kami nagP-PE noon. Ngayong grade 6 kasi ay more on arts kami kaya wala pang PE.

Last na pinuntahan namin ang canteen namin. Isang pahabang room iyon at maraming stall. May nagtitinda ng chips, palamig, kanin at ulam, may kwek kwek din, burgers at ibang klaseng tinapay pa.

"Bibili ka ba Heaven?' tanong ni Deelan sa akin ng nakangiti. Sa di malamang dahilan ay parang nag spark ang mata nya. Umiling ako bilang sagot at umiwas ng tingin. "Ganon ba? Tara balik na tayo sa room?"

"Sige tara"

Naglalakad na kami pabalik sa room nang pinauna ko sya at nagpaalam na magc-cr lang ako.

Pagpasok ko ay naghanap ako ng cubicle na walang tao tsaka umihi. Matapos non ay nag-stay pa ako saglt sa loob ng cr.

Inoobserbahan ko ang sarili ko sa mga nagdaang araw at alam kong may mali sa akin. Hindi pa ako pumupuna sa features na isang lalaki. Hindi ko din napapansin ang mga lalaking nakapaligid sa akin sa school simula pa dati. Mailap ako sa kanila.

Pero nitong mga nakaraang araw ay para bang puro si Deelan na lang ang iniisip ko. Iba din ang naramdaman ko kanina.

'Hindi kaya....may gusto ako sa kanya?'

Umiling ako sa naisip ko, imposible akong magkagusto sa kanya. Diba nga ay galit ka sa kanya simula pa sa Batangas Heaven? Eh ano itong pinagsasabi mo?

Gusto ko munang umiwas sa kanya dahil baka mabaliw ako kung hindi. Paano ko rin ba nasabing may gusto ako sa kanya? Ni hindi ko nga alam ang feeling non. Kaibigan mo iyon at hindi crush kaya imposible itong nararamdaman mo!

Bumalik ako sa room nang marinig ko ang bell, hudyat na next subject na.

Leaves of Memories (No Update)Where stories live. Discover now