Chapter 15
Maaga akong gumising ngayong Saturday dahil Club day na. Hindi required na mag-uniform kaya nag-dress ako. Isang simpleng sky-blue dress matched with Dark blue doll shoes. 10 ang start ng program at 9 o'clock pa lang kaya may time pa akong antayin ma-full charge ang phone ko.
Walang shifting ang program kaya magkakasama ang morning and afternoon shift mamaya. Isa sa pinakainaabangan na occasion sa school dahil free kaming mag-party sa school. Kanya-kanya ring pakulo ang bawat clubs at pinupuno ng booth ang campus.
9:30 ako umalis ng bahay pagkatapos magpaalam kay mama. After rin ng club day ay pupunta kami ni Charm sa mall. Minsan lang kasi kami payagan gumala ng parents namin. Si mama naging strict sa akin dahil baka daw mabuntis din ako tulad ni Elaine. Gumagala lang ako kapag kasama ko si mama.
Si Charm naman, talagang hindi siya pinapayagan ng mama niya na gumala. Mas madalas sya sa bahay.
Kung may common pa man kami ni Charm ay fan kami ng BangTwice! Ship naming pareho ang dalawang groups na iyon.
Ang bias ko sa BTS ay si Jungkook, while si Momo naman sa Twice. I don't know, attracted lang talaga ako sa magaling sumayaw. Though hindi ko shiniship ang dalawa. Dahil si Tzuyu ang shiniship ko kay Jungkook at wala kay Momo. Akin lang iyon!
Muntik na akong malate sa school nang wala akong masakyang jeep. Palibhasa ay walang klase kaya kulang ang jeep na may rutang papuntang school.
4 minutes na lang bago mag ten nang nakarating ako sa school. Kung late ako ay masasarhan ako ng gate!
Agad akong tumungo sa 2nd floor kung nasaan ang room namin. Maraming nagkalat na members ng bawat club at matutukoy mo sila dahil sa mga t-shirt na suot nila. Halos lahat sila ay may hotdog balloon na ipinalibot sa kanilang ulo. Seems like everyone here's enjoying the party.
Pagdating ko sa room, nakita ko sina Charm at Angge. Angge's also our friend, mas naging close lang kami ngayong grade 8. Angedra ang real name nya.
"Hi, girls!" batik o sa dalawang nagkukwentuhan. We hugged each other then pumwesto na kami sa corridor. This is our favorite spot here on second floor. Dahil ang tabi naming room ay library at sa kabilang banda naman ay ang hagdan na.
Pabaliktad kasing L ang itsura ng building namin. So ang hagdan na ang kanto at room naman na ng ibang STE ang pahaba. Sana ay ma-gets niyo.
Palagi kaming nakatambay sa tapat ng library kapag wala pang teacher. O talagang walang teacher. Madalas ay nangba-backstab kami kay Dimple. If that's the correct term dahil hindi rin naman kami mabait kung nakaharap na siya.
Almost 11 na nang magsimula ang program. Filipino time as usual. We started with the National Anthem and a prayer, recited by Dimple. Kahit pagdadasal ay inilalabas niya ang dimple niya
Unang bumati ang principal namin. Pinayuhan na pumili ng club kung saan nandoon talaga ang interest namin. Marami pang nagsalita ng foreword nila sa stage. Nagkaroon lang ako ng interest nang nagsalita na ang mga representative ng bawat club.
Pinagtuunan ko ng pansin ang speech ng tatlong club na pinagpipilian ko. Nauna ang Math sa pagsasalita sa stage.
"Good Morning co-students! I'm Robin Olesco, Grade 10 representative of Math club. So ano ba ang ieexpect natin sa Math club? First of all, if you'll join this club. Hindi lang puro math problems ang aatupagin natin. We also add games to make our members enjoy what they are doings. Advance na ang mga tinuturo dito so kung magle-lesson na ang teacher niyo ay mas madali na kayong makasabay. So now, what are the benefits of joining our club? If ever you crack some math code for example. You will have a stab. Ang stab na iyon ay magiging way niyo para madagdagan ang recitation points niyo sa klase. See! Nag-enjoy na kayo may plus grade pa kayo. Hoping all of you will enjoy this club. Thank you"
YOU ARE READING
Leaves of Memories (No Update)
Ficção AdolescenteBunch of our memories are unforgettable, minsan nga ay hinihiling pa nating mabalikan iyon. Pero paano kung ang mga alaala na ito ay ang nagbabalik sa masalimuot na nakaraan. When you finally found someone that can change your perception in life m...