Chapter 13

3 2 0
                                    

Chapter 13

I just focused on my studies to divert my attention. Ayoko na munang ma-stress dahil malapit na ang competition.

Kapag may meetings and practice kami sa debate ay civil ako kanila Elaine at Deelan. Pero most of the time, I'm alone. Hindi naman na mahirap bumalik sa nakasanayan. Yung feeling na naubos yung sweldo mo kakawaldas at balik ka na sa pagiging mahirap ulit.

It's been two weeks since that nightmare. Walang ibang nakaalam na buntis si Elaine maliban sa aming tatlo. O baka may pinagsabihan siya doon sa mga plastic niyang kaibigan. Huwag lang sana syang ilaglag.

Maski sila mama ay hindi alam na hindi kami ayos ni Deelan at never nang maayos. I know my decision's right. If I agreed to Deelan's plan, may pamilyang masisira. I don't want him to be my boyfriend while he has a child with another girl. It's an insult.

Two days from now ay debate contest na kaya kailangan kong maghanda ng maraming salitang ibabato sa kalaban. I also trust my team. Kaya naming ipanalo ang debate na ito. I want to prove myself that I can still win a battle even I had problems.

"Team, are you ready for your debate?" Ma'am Ciriaco asked with a smile. All of us nodded and smile as well "If ever na may ma-mental blocked kayo sa kalagitnaan ng debate, please saluhin na lang ng ibang members ha?"

"Yes Ma'am"

Sa isang AVR ginanap ang debate. We watched the first and the second batch of competitors. Both of them are good in defending. Kinabahan tuloy ako. We are the third batch kaya kami na ang next na sasalang.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga judges. One of them came from our school. I crossed my fingers and pray for the championship.

We started when one of the judge signaled.

Maganda ang naging simula namin. Ganon din ang kabilang kampo. Batuhan ng ideya at opinyon. Pansin ko ang lamang namin sa debate na ito. Hindi dahil sa kakampi nila ako, kundi dahil mas may napo-point out ang team namin.

Kinalabit ako ng katabi ko upang magsalita. Dahil luting ang isip ko ay hindi ito nakapag-formulate ng sasabihin. Dapat ay tatayo na ako ngunit inunahan ako ni Deelan. Siya na ang sumalo sa kahihiyang dapat ay akin.

Iisipin ko na sana na gusto niya akong iligtas dahil gusto niya pero naalala ko ang bilin ni Ma'am sa amin. 'kung may ma-mental blocked ay saluhin ng ibang member' he just followed that advise.

Bago matapos ang time limit namin ay nakapagdefend naman ako. Dalawang magkasunod na beses. Dala ng kahihiyan ay naging attentive na ako sa palitan ng ideya ng dalawang grupo.

"Good job team! Na-execute nyo nang tama ang ideas nyo sa debate. Thank you nga pala Deelan at sinalo mo si Heaven kanina" napalingon ako sa sinabi ni Ma'am. Seriously? Kailangan pa talagang banggitin iyon?

"Anything for Heaven Ma'am" napangiti si Ma'am sa sinabi ni Deelan. Clueless about what happened to her dear students.

"Tara Heaven, samahan mo akong bumili ng snack" ani Felix na nasa gilid ko na pala. Tumango ako sa kanya at ngumiwi.

Hindi kami close kaya hindi niyo ako masisisi. I thank him for saving me pero that doesn't mean na close na kami.

Naligaw pa kami kung nasaan ang canteen dito. Kung hindi pa kami nagtanong ay baka maikot na namin ang buong campus.

Hinintay ko na lang sya sa labas dahil ang daming tao sa loob ng canteen. Halo-halong estudyante ng iba't ibang school na bumibili ng snacks.

"Heaven, pwede ba kitang maka-usap kahit saglit lang?" napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko.

Ayokong maging bitter pero ayoko ring maging marupok. Pinili kong sumama na lang sa kanya. "Ano iyon?" kalmadong tanong ko.

"I just want to make everything clear for us" simple niyang sabi. Walang mababakas na emosyon pero hindi rin ganoon ka-cold.

"Go ahead, I'll listen" nag cross-arm ako at tiningnan siyang mabuti.

"I know what I've done was unforgivable. But will you please let me explain my side? I want both of us to have a piece of mind" huminga sya ng malalim at umiwas ng tingin. "At hahayaan na rin kita kung ano ang magiging desisyon mo" kumunot ang noo ko.

"What decision?" naguguluhan na tanong ko. Pilit kong hinuli ang mga mata niya.

"Later, Heaven" still, he's not looking to my eyes. "I admit, I made a mistake. A big...big mistake. At ang naging resulta noo'y hindi ko na matatakasan kailanman. I don't want you to be trapped with this mistake. Gagawin ko ang nararapat, hindi dahil mahal ko si Elaine. Kundi mahal kita at may responsibilidad akong dapat na harapin" a tear escaped from his eyes. Pilit niya itong itinatago sa akin, but he can't

"Bata ka pa. Marami ka pang pagdadaanan sa buhay at ayokong maging hadlang sa kung ano man iyon. Nasaktan kita dahil sa pagiging iresponsable ko. Pero alam mong mas gusto kong ikaw ang magdikta heaven" huminga siya ng malalim and at last tumingin siya sa mga mata ko.

Hindi ko namalayan na pati ako ay umiiyak na ngayon. I can't control my emotion. I can't show that I am strong enough to face this. Bakit nga iba ito ang pinoproblema ko sa murang edad? Dapat ay grades at assignments ko ang problema ko!

"Are you going to let go of me? Hahayaan mo na ba ako sa naging desisyon ko? You know, may karapatan ka sa akin. If you want me to stay, I will. Pwede kong gawin ang responsabilidad ko kahit na tayo" halong gulat at inis ang naramdaman ko sa sinabi niya.

"Kung para sa iyo ay ganoon lang iyon kadali. Pwes ibahin mo ako! Hindi ako makasarili! Tatakasan mo ang responsabilidad mo dahil sa pagiging selfish mo?" tumulong muli ang mga luha kong pinipigilan ko kanina.

"Gagawin mo pa pala akong kabit mo! Gagawin mo pa pala akong maninira ng pamilya! Nasa tama pa naman akong pag-iisip Deelan! Hindi ako bababa sa kung ano man ang gusto mo!"

I can see pain in his eyes. But hell! I'd rather hurt him than hurt his child. I'm not a monster to blame that innocent child. Yes I may be young, but I'm not close-minded.

"So you'll choose to leave me." He said with defeat.

"I'm sorry, Deelan. I know this will hurt. Pero hindi lang ikaw ang dawit dito. May inosenteng batang naghihintay sa'yo. Ang tanging hiling ko lang ay iparamadam mo sa bata ang pagmamahal na dapat ay sa akin. Don't let your child feel that he's a mistake, cause he's not. He's a gift from God okay?" humihikbing saad ko.

Ghad Heaven! Maging masama ka naman!

Agad akong niyakap ni Deelan. Nabasa agad ang balikat dahil sa kanyang luha. I feel weak seeing him like this.

Ano ba ang ginawa namin para umabot sa ganito ang lahat? I can't blame anyone for this. I just can't

"Please.. maging malupit ka sa akin. Mahihirapan akong pakawalan ka kung ganito ka kabait. Why can't you throw hurtful words to me?" bulong niya sa akin.

"How can I? Mas masasaktan ako kung gagawin ko iyon" inangat ko ang mukha niy para lubusan syang matingnan. "Pero mas masasaktan ako kung hindi mo gagawin ang tama. Mas masakit kung susundan mo ng mali ang kamalian mo—"

Pinutol niya ng isang halik ang lahat ng sasabihin ko. This my first kiss, and I gave it to him. It hurts because this will also be my last with him. I cherish every moment with him. Tinugon ko ang halik niya kahit hindi ko alam kung paano.

Ako ang kusang tumigil sa ginagawa namin. Sandali kaming nagkatitigan hanggang sa nagsalita na ako.

"I guess this is a goodbye? Thank you for the 2 moths of being there for me. Huwag mon a akong kausapin o lapitan kahit kailan. Magmove-on na tayong pareho" tinalikuran ko agad siya pagkasabi ko ng mga katagang iyon.

So this is how we'll end? We experienced the right love at the wrong time....or not?

Leaves of Memories (No Update)Where stories live. Discover now