Chapter 1

6 2 0
                                    

Chapter 1


"Heaven pupunta ka ba sa outing sa May o hindi?" Tanong ni Elaine sa akin. Mago-outing kasi kaming magkakaklase sa isang resort dito sa syudad. Para daw padespidida sa kaklse naming aalis na para mag-grade six sa probinsya. Unang beses lang kasi ito mangyayari sa amin na may magt-transfer. Weird man pero kami lang talaga ang magkakaklase simula Grade 1.


"Siguro? Depende na rin siguro kung papayagan ni mama tsaka papa. Baka kasi magbakasyon kami sa probinsya this month" Paliwanag ko. Umirap lang sya sa akin, I don't mind though. Hindi naman big deal sa akin kung ayaw nila sa akin.


"Whatever" aniya nang nakatalikod sa gawi ko.


Simula pa naman dati ay may galit na sa akin si Elaine, I don't know pero parang may cold war sa amin about sa acads. Ninang ko ang nanay niya and we used to be friends before, hindi ko lang alam kung bakit ngayon ay arang diring-diri sya sa akin and worst siniraan nya pa ako sa mga classmate ko. I know kung sino ang plastic sa akin at kung sinong hindi pati na rin kung sino ang walang pakialam.


Umalis na ako sa sala kung saan naghanda ng party para sa akin sina mama dahil ako ang top 1 sa buong grade 5. Bumalik ako sa kwarto ko para manood ng cartoons sa YEY. Wonder pets ang palabas kaya nanood ako. Nasa kalagitnaan na ako ng palabas ng pumasok si mama sa kwarto.


"Heaven bakit nandito ka pa?" tanong nya habang nilalapag ang dala nyang cake sa kama. Para yata sa kanya.


"Eh ma, nakakatamad naman kasi sa labas wala akong ginagawa" reklamo ko, alam ni mama ang ginawa ni Elaine sa akin, sinabi nya iyon kay ninang na mas nagpatindi sa galit ni Elaine sa akin. Wala akong magagawa, eh sa madaldal si mama eh.


"Hay nako napaka anti-social ng anak ko"


"Hindi naman ma ahh" tanggi ko sa kanya dahil hindi ako ganito dati, masigla ako sa klase pero nagbago yun dahil kay Elaine. "Ma, kalian pala tayo pupunta ng probinsya? Paabutin nyo po ng Second week ng May, para di po ako makasama sa outing" Diba? Masusunog na nga ang balat ko panigurado dahil sa kaliligo sa dagat tapos mago-outing pa? so naging tostado ako.


"April 14 yung napabook ng Papa mo sa bus terminal. 5 na umaga ay dapat nandoon na tayo dahil baka maiwan pa tayo ng bus." Paliwanag ni Mama


"Ako malapit sa bintana ma ha?" tanong ko na ikinatawa nya. Ganon naman talaga ang Sistema naming pag sa bus kami.


Hindi naman din kami ganon kayaman. Sakto lang para mabuhay kaming apat.


"Sila Tita Lin mo ang susundo sa atin sa terminal" dagdag pa niya.


Sa Batangas ang probinsya ni Mama at Papa. Doon sila nagkakilala at naging mag-asawa. Lumipat lang sila dito sa Manila nang nakahanap ng trabaho dito si Papa. Dito kami ipinanganak at lumaki ng kapatid ko. Double celebration ang magaganap sa probinsya dahil grumaduate naman ang kapatid ko sa grade 12 at ako ay with honors ngayong grade 5.


5 na ng hapon ng umuwi yung mga kaklase ko kaya naging tahimik na ang bahay namin. Kumain kami ng hapunan nina Mama at Papa. Si ate ay nagcelebrate kasama ang mga kaibigan niya. Nasa mall yata sila.

Leaves of Memories (No Update)Where stories live. Discover now