Chapter 9
"So galing ka palang Batangas hijo?" pang-ilang tanong na ito ni mama kay Deelan.
Maski ako ay nagulat dahil aliw na aliw si mama kay Deelan. Nagmumukha pa nga silang mag-ina ngayon. Si Papa naman ay tahimik na nakamasid. Tatawa kung mat nakakatawa at hindi na muli kikibo.
"Opo, nandoon po ang business ng papa ko. Poultry related business. Isa po kami sa supplier ng manok at white eggs sa malalaking restaurant sa Pilipinas" bilib din ako sa background nitong si Deelan.
"Eh nako itong si Heaven, engineering ang pangarap. Gusto sumunod sa ate nya. Kapag naging mag-asawa na kayo saan kayo titira? Dito o sa Batangas?" naubo ako sa sinabi ni mama. I also know I blushed.
Asawa? Agad? Pinagkakanulo nya ako sa isang lalaki ngayong 12 palang ako at 13 sya? Hindi pa nga ako sigurado kung may love ba sa amin ni Deelan.
"Eva, huwag ka munang magmadali, dose palang ang anak mo. Mabuti pa at pagtuunan nyo muna ang pag-aaral nyo. Tsaka na iyan pag pareho na kayong handa" sumali na si Papa sa usapan.
"Kaya nga ma! Ang advance nyo masyado" saway ko kay mama.
Narinig ko ang ha;akhak ni Deelan sa gilid ko. Habit nyang tumawa kapag napapahiya ako o kaya'y nagmumukhang tanga.
Palibhasa ang perfect na nya!
"Dito ka na maghapunan hijo! Natawagan mon a ba ang parents mon a malelate ka ng uwi?" aya ni mama
"Ahh wala po ngayon ang parents ko sa bahay, mga katulong lang po ang nandoon at wala po akong number nila"
"Ganon ba?" tumango si Deelan kay mama.
"Mas mabuti nga't dito ka na kumain para naman marami tayo sa hapag-kainan" Si Papa naman ngayon ang nagsalita.
Pansin ko... napaka-behave ko ngayon dahil kasama namin sina mama. Pero ang kulit ko kapag kami na lang ni Deelan. Is that even a good sign? I'm being dependent towards Deelan.
"Kamusta naman itong si Heaven sa school Deelan? Binubully parin ba—"
"Ma!" sigaw ko. Ayaw kong pinaguusapan nila ang bagay na ito. I always feel weak.
"Bakit anak? Binubully ka pa rin ba nung mga maldita mong kaklase? Laban ka rin naman kasi. Bawasan moa ng pagiging mabait mo"
"Tita, ako na po bahala sa kanya sa school. Hindi na rin naman po siya masysadong pinapansin ng mga kaklase namin" singit ni Deelan sa usapan.
"Ganon ba hijo? Sige aasahan namin iyan ha?" ngumiti ako kay Deelan.
"Naks! Goodshot ka na kay mama ah" bulong ko sa kanya.
"By the way nak. Hindi ako makakapunta sa birthday ni Elaine. Pupunta kami ni Papa mo sa Batangas. Yung ate mo kasi may binugbog na lalaki doon sa school nila" natatawang kwento ni mama.
Bagamat nagulat ako doon ay natawa rin ao kalaunan. Masyado talagang boyish si ate! Kaya single pa rin hanggang ngayon.
"Iiwan na lang kita dito" bumaling si mama kay Deelan "Hijo, pwede pakibantayan itong si Heaven habang nasa party? Hindi yan sanay pumunta sa mga ganon eh"
"Kailan ba ang alis niyo ma?"
"Ngayong Friday ng umaga nak tapos sa Saturday ng gabi na kami babalik"
Wednesday na ngayon at sa Friday ng hapon ang birthday ni Elaine. Ilang araw na lang pala.
Nagkwentuhan pa sina mama at Deelan tungkol sa buhay namin.. o buhay ko? Puro kasi kahihiyan at achievements ko ang kinukwento ni mama. Mga alas otso na nagpasyang umuwi si Deelan. Nag-aya nga si mama na ihatid sya kahit sa sakayan lang ngunit tumanggi lang si Deelan.
YOU ARE READING
Leaves of Memories (No Update)
Teen FictionBunch of our memories are unforgettable, minsan nga ay hinihiling pa nating mabalikan iyon. Pero paano kung ang mga alaala na ito ay ang nagbabalik sa masalimuot na nakaraan. When you finally found someone that can change your perception in life m...