Chapter 10
Nanatili kami sa loob ng Faculty at nag-brainstorm muna. Wala pa si Ma'am. Siguro'y hindi pa tapos ang meeting nila. Hindi na rin siguro matutuloy ang one on one namin kaya nagdesisyon akong pag-usapan na lang ang tactics.
"Posible silang gumamit ng foul words kaya kailangan natin iyong i-consider" napatango ako sa ideya ni Rhea, isa sa groupmates ko.
"Tama, pero hindi tayo gagaya sa kanila. We should play fairly dahil maaring bawas points iyon. Ang kailangan nating gawin is batuhin natin sila ng meaningful words. Yung mapapaisip sila kung ano ang ibig nating sabihin" Deelan added.
"Paano naman iyon? Bigay ka ng examples" hamon naman ni Elaine sa kanya.
Pinagpatuloy ko ang pakikinig sa mga opinion at suggestion nila sa debate namin. Ang iba ay inaantok na sa mga pinagsasabi ng mga active member namin. Ang iba naman ay attentive at seryosong nakikinig.
"Okay guys! Pag-uwi sa bahay, mag-isip pa kayo ng mga pwede niyong ibato sa kalaban. Scenarios rin ng mga author na mas favorable ang English as their literature's medium. Kahit ayaw natin ay kailangan nating maging biased dito sa topic natin" bili ko sa kanila.
Pasado alas singko na nang makauwi ako sa bahay. Naabutan ko sina mama at papa na nagiimpake na ng mga dadalhin nila sa Batangas.
"Andyan ka na pala Heaven, kumain ka na. May hapunan na doon sa mesa" bati ni mama sa akin
"Sige po" tumungo ako sa dining table namin at nakitang fried chicken ang ulam namin. Mabuti na lang at cruchy ang balat kay mapapadami ang kanin ko dito.
Una kong kinain ang laman at inihuli ang balat para papakin sa dulo. Nang natapos ako ay naghugas na ako ng pinggan at nagtimpla ng gatas. Gagawa pa ako ng assignment. Karamihan doon ay printed at worksheets. Hindi pa naman bukas ang deadline pero gagawin ko na dahil may party akong pupuntahan bukas.
"Ma, bakit ang konti naman ng dadalhin mong gamit?" puna ko sa dadalhin ni mama.
"Eh hindi naman kami magbabaksyon doon. Aayusin lang namin yung ate mo"
HAHAHAHA! Grabe ba naman yung ginawa ni ate. Tanggap ko pa kung babae yung kinagalitan nya. Pero lalaki!
Tumulong ako sa pag-aayos ng gamit nila ni Papa. Nang nagpaalam silang matutulog na dahil maaga pa ang byahe bukas ay nagpasya na rin akong bumalik sa kwarto ko. Gumawa ako ng assignment. Sinagutan ko yung mga ipapasa bukas at iyong ipapasa sa Monday. Panigurado kasing hindi ko magagawa ang assignment ko kapag weekends. Ang mga project ko naman kasi ang gagawin ko doon at syempre rest day.
Nakakakalahati na ako ng worksheet nang tumunog ang cellphone ko. Ang akala kong alarm lang na napindot ko marahil kanina ay tawag pala galing sa kapatid ko. Pareho din kasi ng ringtone.
"Hello?" sagot ko kay ate. Ni-loudspeaker ko na lang para mailapag ko sa mesa at patuloy na masagutan ang worksheet ko.
"Heaven, buti gising ka pa?" aniya
"Yup! Gunagawa pa ako ng assignments tsaka naghahanda para sa debate namin next next week" sabi ko habang pinagpapatuloy ang pagsagot "Bakit nga pala pinatawag sina mama? Kwento mo lahat ng nangyari" excited na sabi ko.
"Sus! Gusto mo lang makasagap ng tsismis ehh" tudyo nya.
"Aba! Minsan lang ako maging tsismosa kaya dapat masiyahan ka na" humalakhak ako.
"Ehh kasi ganito yun..." tumigil ako sa ginagawa ko dahil sa excitement.
"Ano yun ate?!"
"Sandali lang! Di pa nga tapos ehh!" tumawa ako sa sinabi niya. Walang pasensya ang taong excited. "Nung Monday kasi nagkaroon ng commotion sa campus. Pinuntahan ko kung anong meron dun. Nakita ko yung anak nung may-ari ng university na nag-vandal sa locker ko" ramdam talaga ang galit sa bawat salitang sinasabi ni ate.
"Puro bastos pa iyong nilagay niya. Sa galit ko sa kanya, sinipa ko iyong.. alam mo na... yung basta somewhere down there niya. Nagulat yung barkada niya kaya pinigilang nila ako. Eh syempre galit pa rin ako. Kaya yung galit ko, ibinunton ko doon sa mga kabarkada niya. Pinagsusuntok ko sila. Tyempo namang lumabas yung dean. Edi nagka-record ako sa achool" tuloy-tuloy na kwento ni ate.
Hindi na nagtagal ang usapan namin. Kailangan ko pang matulog dahil may pasok pa ako bukas at siguradong magiging mahabang araw iyon.
Pagkagising ko ay wala na sina mama at papa. Alas tres yata ng madaling-araw sila umalis dahil parang ganong oras ako nagigising-gising.....o hindi?
Nakita kong may almusal na at may 500 pesos na iniwan si mama. Siguro ay budget ko ngayon at bukas. Okay na ito dahil baon lang ang gagastusin ko. May pagkain naman sa party kaya iyon na ang hapunan ko. Bukas, pwedeng bumili na lang ako ng lutong-ulam. Hindi din naman ako marunong magluto kay non-sense kung bibili ng rekados.
Umalis ako sa bahay ng mas maaga sa nakasanayan. Nang dumating ako sa school ay kakaunti pa lang ang mga estudyante. Siguro ay late na naman si Deelan ngayon. Para kasing scheduled ang pagkakalate niya. Monday at Friday ay late siya parati.
Tama nga ang hula ko dahil nag-ring na ang bell ay wala pa rin siya sa room. Ang kaibahan nga lang ngayon ay pati si Elaine ay wala. Don't tell me aabsent iyon? May practice kami sa debate at bawal ang absent dun unless may sakit. Baka naghahanda na iyon sa party mamaya.
"Good morning teacher, good morning classmates, were sorry were late. May we come in?" sabay na usal nina Elaine at Deelan sa pintuan. Bumaling si Ma'am Ciriaco sa dalawa at sinenyasan na pumasok na sa loob.
Agad na tumabi si Deelan sa akin. "Bakit late ka na naman?" kunwari'y galit na sabi ko.
"Day-off kasi ng driver namin kapag Friday kaya kailangan kong mag-commute. Walang masakyang taxi. Sakto namang napadaan ang kotse nina Elaine sa sakayan kaya isinabay na nila ako" explain niya.
"Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Eh bakit ka sumabay" bulong ko sa sarili.
"Tumanggi naman ako nung una kaso mas lalo akong malelate kung di pa ako sasabay" nakangiting saad niya. "Bakit selos ka?" nagyon ay nakangisi na sya.
"HINDI AH!" lumingon lahat ng kaklase ko sa akin.
Oh lupa! Lamunin mo ako! NOW NA!
"Is there any problem Heaven" seryosong tanong ni Ma'am
"No Ma'am" kinurot ko ang tagiliran ni Deelan. Napadaing naman siya ngunit hindi siya sumigaw gaya ko.
Mabilis na namang natapos ang isang araw sa klase. Saglit lang din kaming nag-meeting para sa debate at umuwi na. Halos kalahati din kasi ng kaklase ko ang invited sa party ni Elaine.
Pagka-uwi ko ay dumiretso ako sa cr para maligo. Alas tres y media ang party at alas tres na natapos ang meeting. Kinuha ko na ang damit ko at agad na nagbihis.
Itinali ko ang buhok ko sa isang bun. Tiningnan ko ang itsura ko at nang wala na akong mapintas ay lumabas na ako ng kwarto. Nakabili na din ako ng regalo sa kanya. Isang diary, noong bata kasi kami ay pareho naming hilig ang magsulat sa diary. Sana nga lang ay ganoon pa rin hanggang ngayon.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Deelan. Wearing a long-sleeve polo ang maong. Kahit trese palang ay ma-appeal na siya.
"Bakit ka nandito?" nakakunot noong tanong ko.
"Ahh manliligaw sana?" nakangising saad niya. Ngumiwi ako sa narinig ko. "Obvious naman kasi Heaven, sinusundo ka"
Lumapit ako sa kanya at pinektusan siya. "Aray ko naman Heaven. Kasi naman parang ayaw mo akong nandito" nakangusong reklamo nya. Pinitik ko naman ang nguso nya. "Hindi bagay" kako
"Bakit ka nga pala naka jeans? Party yun ahh diba dapat naka-dress ka?" anya habang hinagod ng tingin ang suot ko. Naka blouse kasi ako ng puti na may blue na prints at jeans. Habang puti naman ang sneakers na gamit ko.
"Eh bakit ikaw naka-pants ka din naman ahh" puna ko
"Aba syempre! Alanganaman magdress ako doon!" humalakhak ako sa sinabi niya. "Tara na nga" aniya at inakbayan ako.
YOU ARE READING
Leaves of Memories (No Update)
Teen FictionBunch of our memories are unforgettable, minsan nga ay hinihiling pa nating mabalikan iyon. Pero paano kung ang mga alaala na ito ay ang nagbabalik sa masalimuot na nakaraan. When you finally found someone that can change your perception in life m...