Chapter 3

4 2 0
                                    

Chapter 3


Nagyon na ang balik namin sa Manila. Sa loob ng halos isang buwan ay marami na kaming napuntahan dito. Magagandang tanawin ang sasalubong sa iyo. Nai-try nga naming mangisda dahil sa curiosity ko kung paano sila nahuhuli gamit lang ang pamingwit at uod. Mas naiintindigan ko kasi kung net lang ang gamit mo dahil talagang mahuhuli moa ng mga isda. Mas less hasle pa.


"Maglunch na kayo Heaven" ani Tita. Tapos na akong mag-impake ng gamit ko. Maliligo na lang ako mamaya. "Sige po"


Paglabas ko ay nakahanda na ang mga pagkain. Nagtaka ako kung bakit may cake sa mesa. Wala naming may birthday sa amin ngayon.


"Ma, bakit po may cake?" tumawa sya sa tanong ko na mas ipinagtaka ko. "Bakit po?" tanong ko pa.


"Nakalimutan mo yata... diba dinatnan ka na kahapon? Iyan magcecelebarate tayo" Halos mabulunan ako sa sinabi ni mama. Namula ako dahil doon. Umabot hanggang braso ang pamumula ko. Shit! Pati ba iyon ay dapat icelebrate?


"Ma naman ehhh!" Tumawa silang lahat dahil sa kahihiyan ko.


"Ganap nang dalaga ang bunso namin...dapat nang bantayan" dagdag ni papa.


"Mag-ingat ka dahil minsan ay minamanipula ka ng hormones mo. Dapat ay mas maging mingat ka na lalo sa school" sabi naman ni ate.


Okay, pinagtutulungan ako ng pamilya ko dahil sa lintik na dalaw na ito.


"Sige na Heaven kumain ka na dito." Aya ni mama


Naging maayos na ang lunch namin. Kahit madalas parin akong makatanggap ng pang-aasar. Nakapagready na ako. Tiningnan ko ang kwarto na tinulugan ko sa loob ng isang buwan. Mamimiss ko ito, kahit na ilang beses na akong napunta sa bahay na ito ay mamimiss ko pa rin ito.


Paglabas ko ay nagkukuwentuhan pa si mama at tita Lin. Tiningnan ko ang orasan at alas-tres pa lang ng hapon. 6 ng gabi dapat ay makaalis na kami dito dahil 7 ang alis ng bus na sasakyan namin pauwi.


"Ma, ikot-ikot lang po ako sa labas" paalam ko kay mama. Tumango sya at bumaling ulit kay Tita. Hay! Ang daldal talaga. Nagmana talaga si ate kay mama.


Binisita ko muna yung inahin na nakita ko noong unang araw na bumisita ako dito. Pagbalik ko ay mageenroll na ako sa school at mareready na ng mga gamit para sa first day.


Nakita ko yung manok na tinutukoy ko. Siya lang kasi ang may itim na feathers doon. Natawa ako nang lumapit sya sa gilid ng fence kung saan ako nakatayo.


Seems like I'm going to have a new friend before going home


Hinimas ko ang feahers nya. "Kamusta na ang mga anak mo?" tanong ko sa kanya na para bang sasagot talaga sya.


"Napisa na yata" may sumagot sa akin. Hindi naman ako baliw para isiping yung manok yun kaya lumingon ako.


Leaves of Memories (No Update)Where stories live. Discover now