Alas sais palang ng umaga ay nasa project site na si Randee. Ayaw niyang nahuhuli siya sa ka.meeting niyang mga Koreans. The earlier the better. Tiyak na marami silang ma-tatacle na mga agenda tungkol sa kompanya ng langis. Kasalukuyan itong naka-base sa sentro ng Cebu na tinaguriang Queen City of the South dahil na rin sa marami itong naggagandahang mga tourist spots at mga beaches na dinadayo ng mga turista.
Sa project site nauna lamang si Randee ng konti at dumating na rin ang dalawang koreans na sina Won Kim So at si Kyun Yeung Si. Kapwa mga mga inhenyero din na kinatawan ng kanilang kompanya sa Korea.
Sa isang maliit na opisina, masayang nag.uusap ang tatlo.
" I am so happy for accepting my proposal my dear friends." Natutuwang wika ni Randee. Sabay kamay sa dalawang banyaga.
" We too, very very happy. So we consider the deal close. " Ayon naman ni Kim. Matapos mag pirmahan ng mga kinakailangang dokumento at matapos din ma survey ang lugar ay nagpatuloy ang tatlo sa isang korean cuisine para kumain. Doon ipinagpatuloy ang kanilang kuwentuhan.
Si Randee Mandaya, sa edad na bente singko ay nananatili pa ring single. Isang lesbian, na namamayagpag bilang isang competent na inhenyero. Sa dami ng kanyang napagdaanan sa buhay ay marami siyang natutunan at naging matatag sa pakikibaka sa anumang pagsubok na kanyang dinaanan. Mag-isa sa buhay. Lumaki sa bahay ampunan. Di nakilala ang tunay na mga magulang. Mabuti nalang at may isang madre na naawa sa kanya at siya'y pinag-aral siguro nakita nito na may potential siya na balang araw ay magiging matagumpay sa kanyang karera.
At ito na nga ang buhay niya ngayon, matiwasay. Nakatira sa isang condo at nakabili ng sariling sasakyan. Pero bakit parang may kulang? Oo nga medyo may pagka.loner siya pero nais din niyang maging masaya. Naiisip pa rin niya na sana, dumating ang panahon na makilala niya ang kanyang mga magulang kung nabubuhay pa ba hanggang ngayon. Gusto sana niyang tanungin kung bakit nagawa nilang ipa.ampon siya.
Nasa kalagitnaan siya nang kanyang pag.mumuni-muni nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Nang kunin niya ang phone napagtanto niyang alas kuwatro y media palang ng madaling araw.
Sister Marie ang nkarehistro sa screen. Text message galing sa madre ng Orphanage Center.
" Good morning, Dee." palayaw niya. " Punta ka mamaya dito nak ha. May benefactor kami na darating, magbibigay ng donasyon sa mga bata. Alas 10am ang programa. Aasahan kita nak, huwag na huwag mo akong bibiguin. Salamat. Mag-ingat ka." at nilagyan pa ng emoticon na smiley ang huling salita.
Napangiti ang dalagang lesbian. Ang madreng kinilala niyang ina. Ina-inahan niya sa loob ng dalawampung taon. Hanggang ngayon kahit may trabaho na siya, may sarili nang tahanan ay patuloy pa rin ang komunikasyon nilang dalawa.
"Opo, inang. I'll be there." She replied, pagkatapos bumalik sa pagtulog. Sabado kasi walang opisina. Kaya tamang-tama lamang.
Ang hindi nakakakilala kay Randee, talagang hindi ito mapagkikitaan ang pagkababae nito. With a boy cut hair, big brown eyes na may matataas na pilantik sa mga mata. Astig ang dating. Sa kumpanyang kanyang pinapasukan ay alam na alam nila ang katauhan nito. Kahit mga babaing kasamahan ay nagka.crush sa kanya. In short, babaing handsome, ika nga.
Wala pang alas diyes ng umaga ay nandoon na sa Orphanage Center ang dalaga. Nang makita ang madre sa may bukana ay patakbo niyang niyakap ang matandang alagad ng Diyos.
" Inang!" Sabay yakap nito sa madre.
" Ay, salamat sa Diyos dumating ka na, Dee. Halika sa kusina, kumain ka. Ipinagluto kita ng paborito mong ulam. Fried chicken." Natutuwang wika ni Sister Marie sabay hila sa dalagang papuntang kusina.
" Kuya Dee! " si EJ. Ang batang ubod ng kulit. Paborito naman niya. Sandali siyang huminto at niyakap ang bata.
" Pasalubong ko kuya?" Pilyo nitong usisa. Natatawa siyang nagmamasid sa bata. Hindi nito alam na siya ay babae.
" Siyempre meron, makakalimutan ko ba ha, ikaw pa, malakas ka sa akin kaya." Sabay kuha sa kanyang dalang back pack at kinuha ang isang set na art material. Mahilig magdrawing si EJ. May potential ang bata sa edad nitong walong taong gulang. Napaluha naman ang matandang madre sa kanyang nasaksihan. Likas na maawain si Randee, may busilak na kalooban. Kaya nga hindi siya nagdalawang isip na papag-aralin ito.
Nagpatiuna siya sa pagpasok sa kusina. Nais niyang bigyan ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa.
" EJ" marahang wika ni Randee.
" Po?" Napaangat ng mukha ang bata.
" Gusto mo bang mag-aral? " Tanong ng dalaga.
" Aba, opo kuya Dee! Gustong -gusto ko talagang mag-aral!" Natutuwang sagot ng bata.
" Sige, pag-uusapan natin yan mamaya ha. Tawag na ako ni Inang. Teka ba't tahimik ang buong paligid? Nasaan ang mga kasamahan mo? Takang tanong nito.
" Ay naghahanda po sa loob kuya, lumabas lang ako nang makita kita. May darating kasi na bisita daw mamaya kuya."
Napatango na lamang si Randee at tinahak ang pasilyo papuntang kusina at si EJ naman ay bumalik na sa loob.
Matapos kumain at kumustahan ay nakarinig na sila ng busina sa labas.
" Si Sir Matthew na ata yun! " Anang wika ni Sister Dianne, isa pang kasamahan ni Sister Marie. Nasa lagpas singkuwenta anyos na rin ito. Lumabas ito at sinalubong ang mga bisita.
Tatlong sasakyan ang pumasok sa bakuran. Dagli namang nagsilabasan ang mga bata sa kani-kanilang silid. Kapwa may bitbit na tagboard at pinagdikit-dikit upang mabuo ang mga salitang, WELCOME BACK, KUYA MATTHEW! Na siya namang labis n ikinatuwa ng bagong dating. Nilibot nito ang paningin sa buong paligid at nakangiti sa lahat ng mga bata. May tatlumpong mga bata nakatira sa orphanage. Matapos kantahan ng mga bata ang mga bisita ay pumunta na silang lahat sa social hall para doon ganapin ang maikling programa. Lumapit si Matthew kay Sister Marie at may inabot na sobre.
" Sister, konting tulong po para sa mga bata. Ikaw na po ang bahala niyan. " Taus-pusong sambit ng bisita.
" Mr. Soriano, tatanawin naming utang na loob ang lahat lahat ng mga kawang gawa na inilaan mo para sa mga bata. Kailan man ay di ka malilimutan ng mga bata. Maraming salamat talaga iho. Magsisilbi kang inspirasyon ng mga kabataan."
Di na makapagsalita si Matthew sa biglang paglabas ni Randee. Napatingin siya sa kinatatayuan nito. Napansin iyon ng madre.
" Si Randee, Mr. Soriano. Dito nakatira dati. Inimbitahan ko. Parang anak ko na rin ang batang iyan."
Tango lang ang tugon ng binata at nagtuloy na sila sa bulwagan. Naka.ayos na ang lahat. Super behave ang lahat ng mga bata. Si Sister Marie naman ay umakyat na sa stage para simulan ang programa. Sa harapan naman nakaupo ang mga bisita. Habang abalang abala naman sa pagbubuhat nga mga karton ang tatlong kasamahang lalaki ay kusang lumapit si Randee upang tumulong.
" Bro, ako na ang magbubuhat niyan. Tulungan na kita." Ani Randee.
Napatingin sa kanya ang lalaki. Natuwa.
" Naku, maraming salamat, Bro." Sabay abot ng isang karton na puno ng mga kagamitan para sa mga bata. At inilagay ang mga karton sa stage. Makikita naman sa mga mukha ng mga bata ang tuwa at excitement.
Umabot ng isang oras at kalahati ang programa. Pagkatapos ay nag distribute ng packed-lunch na siyang lalong ikinatuwa ng mga kabataan. Fried chicken, spaggettti, rice, softdrinks at may salad pa. Tiyak na enjoy na enjoy sila sa kanilang lunch.
Habang nakamasid si Randee sa lahat ng mga bata, mixed feelings! Nakikita niya ang kasiyahan sa bawat isa. At laking pasalamat niya sa benefactor na hindi nag-atubili sa pagtulong. Di niya namalayan ang pagdaloy ng kanyang luha sa magkabilang pisngi. Tears of joy.
" Are you okey, Randee?" Napapitlag ang dalaga at napalingon sa kinaroroonan ng baritonong boses. Ang benefactor, si Matthew Soriano. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya.
" Got your name kay Sister Marie." Paliwanag ng binata. Marahil naramdaman nito ang kanyang pagtataka.
" Ah, I'm okey, Sir. " Na sinabayan pa ng pag.ubo. Natuwa lang ako para sa mga bata. Maraming salamat nga pala." Naiilang na wika nito at dumistansiya ng konti sa kausap.
" Naikuwento ka sa akin ni Sister Marie." Seryosong sambit ng binatang benefactor. Napatitig sa kanya. Ewan ba niya at bigla siyang kinabahan.
" Whaaaat??" Biglang napataas ang boses niya. Na siya namang ikinagulat ng binata. Nagtataka.
" Paborito ka raw na kuya ng mga bata dito."
Doon na parang nabunutan ng tinik si Randee, at ipinaypay ang sariling kamay.
" Nice meeting with you, Randee? "
" Randee Mandaya" agap na sagot ng dalaga.
" Matthew John Soriano here." At nagkamayan ang dalawa.
" Brothers?" Nakangiting sambit ng dalaga.
" Yes, brothers!" Nakangiting sambit din ng binata.
" Yeheeey! Dalawa na ang kuya ko!" Si EJ. Lumapit pala sa kanila ang bata. Napangiti na rin ang ibang mga madre na nakatingin sa kanila. Hindi na nagtagal ang mga bisita ay lulan na nila ang sasakyan palabas ng orphanage. Sabay sabay nagkaway-kaway ang mga bata bilang tanda ng kanilang pasasalamat sa lahat ng mga biyayang kanilang natanggap.
Di rin nagtagal ay umalis na rin si Randee at bumalik sa kanyang condo. Ini-off niya ang kanyang phone. Gusto niyang maka-focus sa sarili. Gusto niyang maglibang sa pamamagitan ng paglinis sa buong condo. Minsan malungkot isipin ang palaging mapag-isa. Minsan din masayang isipin ang mapag-isa. Nabibigyan natin ng halaga ang ating sarili. Sa kanyang tinatamasa ngayon masaya na malungkot. Masaya siya dahil kahit papano naitaguyod niya ang kanyang sarili sa tulong ni Sister Marie. Malungkot dahil may kulang. May puwang sa kanyang buhay. Sa kanyang puso. Lumaki siya na hindi alam kung sino ang kanyang mga magulang. Ang nakagisnan niyang parang ina ang treatment ay walang iba kundi matandang madre. Na kailaman ay hindi siya pinabayaan. Kaya ngayon, bumabawi siya. Every month siya dumadalaw sa ampunan. Lalo na ngayon, na mas napamahal sa kanya si EJ. Nakikita niya ang kanyang sarili sa batang yaon. Sana balang araw ay maging katulad din niya si EJ, na makaraos sa pakikibaka sa buhay. Lumaking matatag , matapang at maitaguyod ang sarili. Bigla siyang napangiti nang maisip ang bata.
Bandang alas kuwatro ng hapon na siya natapos sa paglilinis at paglalaba. Naisipan niyang lumabas at bumili ng makakain sa may di kalayuan. May seven-eleven roon. Kumalam bigla kasi ang kanyang sikmura.
Pagkapasok niya bigla ba naman siyang banggain ng isang babae, nagmamadali ata.
"Ay, sorry pogi!" Nakuha pa nitong humingi ng paumanhin at nagpatiuna na sa paglakad. Napangiti na lamang si Randee at napailing-iling. Bumili siya ng makain at apat na canned beer. Saka dagling bumalik sa condo.
Laking gulat niya nang may pumaradang kotse. Kilala niya ang sasakyan. Kay Eula. Company secretary nila. Nakapagtataka. Sabado naman, walang pasok!
" Hey, wazz up?" Naisipan niyang tanong. Sabay bukas sa pintuan ng condo. Pinapasok niya si Eula.
" Nadisturbo ba kita, Ran? Pasensya na talaga ha. Ipinag-utos kasi ni Sir Rodriguez. Emergency daw. Hindi ka raw makontak kaya pinapunta ako rito. Si Manuelito Rodriguez ang manager ng kompanya. Bigla ata siyang kinabahan.
" May problema ba, Eula? Nailagay na niya sa personal ref ang apat na canned beers pati na rin ang pagkaing nabili. Napaupo siya kaharap ang sekretarya.
" May note na padala si Sir Rodriguez." Noon lang niya napuna ang puting envelope na dala ng dalaga. Ibinigay iyon sa kanya. Bago pa man niya nabuksan ay nagpaalam na ang sekretarya,nagmamadali. Napabuntong-hininga na lamang si Randee. There must be something wrong. Malakas ang kutob niya. Dahan dahan niyang binuksan ang puting envelope.Randee Mandaya
Project Site Engineer
Kiamco Oil Company IncorporatedYou are hereby advised to report to my office as soon as possible
for an important matter to be discussed.Manuelito Rodriguez
Mas lalong nagtaka si Randee. Di naman nag.rereport ng office tuwing sabado ang kanilang manager. At ang alam niya ay wala sa bansa ang manager kasalukuyan itong nasa Singapore for a business conference for one week. Tapos bigla siyang ipapatawag nito? Para ano? Di rin nakasaad sa note ang problema. Walang agendang inilagay.
Dahil sa tension na nadama ay ininom niya ang dalawang canned beer kahit wala pang laman ang kanyang tiyan.
Pinuntahan niya ang head office nila. Kahit nagtataka ay pinaunlakan niya ang kanyang manager. Ipinarada niya ang sasakyan. Lumabas at nagtanong sa guwardiyang naka assign.
" Tsip, si Sir Rodriguez andyan ba?
" Ho?" Parang hindi ata siya narinig.
" Sabi ko si Sir Rodriguez andyan ba?
" Naku, hindi ko po napansin. Wala naman ang sasakyan niya, bossing." Sagot ng guwardiya. Noon lang niya napagtanto na wala nga palang sasakyang nakaparada maliban ang sa kanya . Mas lalo siyang kinabahan. Dali- dali siyang bumalik sa loob ng kotse. Di pa siya nakalayo ay may humarang sa daanan. Isa ring sasakyan. Kay Engineer Marlon Graciano. Katulad niya na isang project site engineer din.
" Mandaya!" Sigaw nito. Lumabas ito ng sasakyan. Pilit siyang pinalalabas mabuti nalang at naka.lock ang pintuan ng kotse. Nang may lumabas na dalawang lalaking kasama si Marlon ay kaagad niya pinaharurot ng takbo ang kanyang kotse. Bahala nang sa daan na sila maghabulan. Kaysa maabutan siya na walang kalaban laban. Makikipaghabulan siya kay kamatayan. Alam na niya kung ano ang pakay ni Marlon sa kanya. Ang dokumento. Dalawa kasi sila na nakipag.deal sa mga korean investors. At siya ang napili. Sa kanya nakipag.closed deal ang mga investors. Na siya namang laking tuwa ng may ari ng kumpanya. Nang matingnan niya ang side mirror malapit na siyang maabutan ng dalawang kotse. Dalawang kotse pala ang naghahabol sa kanya. Mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo. Nang biglang mag ring ang kanyang phone. Numero lang ang nkarehistro. Hindi niya sinagot. Patuloy pa rin siya sa pagpapatakbo ng matulin.
" Tulungan niyo po ako Lord! " Ang tanging usal niya.
Nang matingnan niya uli ang side.mirror ay nakasunod pa rin ag dalawang kotse. Tamang tama nang biglang mag red light ay nakatawid na siya. Naiwan ang dalawang kotse. Nang makalayo na siya ay saka pa siya nabunutan ng tinik.
" Huh! Iba kayo ha, ayaw niyong makatanggap ng pagkatalo! Sambit ng dalaga. Saka hinawakan ang rosary na nakalambitin sa harap ng kotse.
" Thank you po, Mama Mary!" Muli niyang usal.Di na muna siya bumalik sa kanyang condo. Delikado. Naisipan niyang tawagan si Sister Marie. Para malaman nito ang kanyang sitwasyon.
" Inang, please kailangan ko mga dasal niyo po." Nanlalambot niyang salita.
" Dee? May problema ba sa 'yo nak?" Nag-alalang tanong ng madre.
At isinalaysay nito ang katotohanan. Napaiyak tuloy ang matandang madre.
" Promise, doble ingat po ako Inang. Huwag kayong mag-alala. Hindi muna ako uuwi sa condo."
" Sa'n ka naman tutuloy ngayon?"
" Sa kaibigan ko muna , Inang." Yun lang at ini-off na ang phone.Gabi na nang sapitin ni Randee ang bahay ng kaibigan. Kasamahan niya ito sa isang construction noon nang hindi pa siya nakapasok sa Kiamco Oil Company. Ikinuwento niya ang mga pangyayari.
" Naku bro, delikado ka niyan. Ipa.blotter nalang kaya natin? " Suhestiyon ni Laddie.
" Huwag lang muna, bro. " Basta mag-iingat lang ako. Pasensya muna. Dito muna ako ng dalawang araw bro hanggang hindi pa ako nakakahanap ng malilipatan.
" Walang problema sa akin, bro. Dumito ka lang muna hanggat sa gusto mo. Okey lang sa akin." Sa iyo, okey lang, pero sa asawa mo, I think hindi ok. Parang galit ata , oh. Kung makatingin parang papatay ng tao. " Sambit ng dalaga.
Napangiti si Laddie sa tinuran ng kaibigang tibo.
" Pagpasensyahan mo na, bro. Buntis kasi. Alam mo na, kapag buntis ang babae, moody. Hehehe!"
Sabay na nag apiran ang dalawang magkaibigan.Makaraan ng ilang buwan...
Lunes. Alas nuwebe ng umaga. Kasalukuyang pinag-aaralan ni Randee ang bagong dokumento ibinigay sa kanya. Nang bigla siyang tawagin ng kanyang kasamahang si Chad.
" Mandaya, ipinatatawag ka ni Sir Rodriguez ." Tango lang ang kanyang itinugon. Saka lumabas sa kanyang cubicle at pinuntahan ang opisina ni Mr. Rodriguez.
YOU ARE READING
My Heart's Passenger
RomanceThis is about two individuals who sacrificed everything for the sake of love and trust.