Chapter Six

12 0 0
                                    

Simula nang mangyari sa laot ay hindi na mapakali si Matthew. Papano kung mag-isip na naman kung anu-ano ang kaibigan?

Wednesday palang. Malayo pa ang Sabado na schedule sa pag-uwi ng probinsya. Parang gusto na hilahin ang kanyang mga paa sa pag-uwi. Nagpasya siyang tawagan si Bridgette.

Ring lang nang ring ang fon. Breaktime ng dalaga. Takang hindi pa rin sinasagot ito. Tinawagan na niya ang office. Laking gulat niya na hindi pala naka duty si Bridgette. Ni hindi nga nagtext sa kanya. Hindi hindi nagpaalam.

Hindi naman ganoon ang dalaga. Kaya nagtataka siya. Minabuti pa niyang tawagan sa bahay, ngunit anong laking panlulumo niya nang malaman mula sa kasambahay nito na umalis daw ang kanyang amo papuntang office. Sino ang papaniwalaan niya? Ang sa office o ang kasambahay ng dalaga?

Muli na naman niyang kinontak ang katipan. Nagri- ring lang ang kanyang cellphone. Di pa rin sinasagot. Ano kaya ang nangyayari kay Bridgette? Di na mapakali si Matthew. Hanggang sa ikasampu na niyang tawag. Sa wakas, may pumindot na sa kabilang linya.

" Hello, hon! Kanina pa kita kinokontak."

" Hello?" Ang sagot sa kabilang linya. Boses lalaki. . Muntik nang mabitawan ni Matthew ang kanyang phone nang mapagtantong boses lalaki nga ang nasa kabilang linya. Parang gustong sumabog ang dibdib niya. Muli  niyang dinayal ang numero, out of coverage na.

Sa galit ng binata ay nagpaalam siya sa kanyang pinagkakatiwalaan sa firm. At pinasibad ng takbo ang kanyang kotse.

Magdadapit hapon na. Nasa Escala de Jacob pa rin si Randee nakatambay. Dahil nasa taas ng bahagi siya ng hagdanan , nakikita niya ang kabuuang lugar. Napakaganda. Breathtaking! Mamimiss  niya ang lugar na ito balang araw. Next week plano na niyang magpaalam sa dalawang matanda. Kailangan niyang ibangon ang sarili. Alangan naman na palagi nalang siya nakasandal sa binata. Aba hindi puede yon. Mag-aasawa na nga yung tao, tapos dadagdag pa siya na kung tutuusin palamunin siya. May naipon naman siya sa kanyang kita sa pagtuturo ng martial arts. Sapat na iyon para makapagsimula.

Namimiss na rin niya ang kanyang Inang. Sa bahay ampunan muna siya tutuloy hanggang hindi pa siya nakapaghahanap ng panibagong trabaho. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang balita sa Kiamco Company. Di na bale, ang importante ligtas na siya ngayon. Siguro baka nakalimutan na nga siya at nakahanap na ng kapalit ang kumpanya.

Hindi pa gustong umuwi ng dalaga. Naglakad-lakad muna siya hanggang sa makakita siya ng maliit na tindahan na may mini-bar sa tapat nito. Umupo siya sa pinakasulok na parte at nag-order ng dalawang canned beer.

" At sino ang nagpahintulot sa iyo na uminom dito?" Nang may marinig siyang boses. Boses na kilalang kilala niya. Si Matthew! Galit na galit ang pagmumukha nito.

" A- ano ang ginagawa mo dito? Di pa naman schedule sa pag.uwi mo di ba? Nabiglang wika ng dalaga. Nataranta.

" And what the hell are you doing here? Kung gugustihin ko mang umuwi, uuwi ako. So what?" Lalo lamang nagalit ang binata. Hinila siya palabas ng mini bar.

" Dont do this to me, bro. Nakakahiya sa mga tao dito." Marahan lamang ang pagkakawika ni Randee.

" Dee, kung ayaw mong maupakan kita dito, tumayo ka. Let's go home,.ok?. Please huwag mo akong galitin. Huwag mo akong subukan."

Padabog na tumayo ang dalaga. Dire-diretso na sumakay  sa kotse ng kaibigan.

Wala silang imikang dalawa hanggang sa pagsapit ng bahay.

" Gusto mo palang uminom di na kailangan sa labas pa. Ano ka ba naman Dee!" Tumaas.na ang boses.nito. Na siya namang ikinagalit ng dalaga. Kaagad siyang pumanhik sa taas.

My Heart's PassengerWhere stories live. Discover now