Sa condo ng binata. Gabi na. Di na pinauwi ni Matthew si Bridgette, lalong lalo na malakas pa naman ang ulan. Tila may low pressure. At para naman sila makapag-usap ng masinsinan.
" Hon, sana mapatawad mo ako na naglihim ako sa yo. Ayoko ko kasing masaktan ka, ayokong mag-alala ka sa akin."
" Bat di mo sinabi kaagad na ang doktor mo pala ang sumagot sa fon mo , di tuloy ako mapakali. Kung anu-ano nalang ang pinag-iisip ko tungkol sa yo.
Napangiti si Bridgette. Ngiti na may halong lungkot.
" Sana naman pumayag ka sa gusto ko, hon."
" Ayoko."
" Please I am asking you a favor."
" Hon, okey lang naman sa akin na kahit hindi tayo magkaanak kung yan ikabubuti sa kalusugan mo. Ano ka ba naman. Inilalagay mo ang iyong sarili sa panganib." Anang wika ni Matthew.
" May ibang paraan naman hon, eh."
" Ano?" Napataas ang boses ng binata.
Iba kasi ang takbo ng utak ng dalaga. Saka na pakakasal pag nagka.anak na siya. Puede ba yon? Quite complicated. Para kasi sa kanya, useless ang isang babae na hindi makapagbigay ng anak.May sakit sa puso ang dalaga. Kaya ipinagbabawal sa kanya ang pagbubuntis na hindi naman niya kayang matanggap ang katotohanan. Kaya the only way na magkaanak siya ay to have a surrogate mother. Na siyang magdadalantao sa punla nilang magkatipan. Ang kanyang egg cell at sperm cell ng binata ay iinject sa magiging surrogate mother. That' s the only way nalang para maisakatuparan ang pangarap ng dalaga. Na kinontra naman ng binata.
" Hon, no! A big no no." Halos mapasigaw si Matthew.
" Hon, please. Maawa ka naman sa akin. Parang awa mo na."
Napahigit ang hininga ni Matthew. So confused on what to do. At saan? Sino ang puede? Alangan naman kung sinu-sino lang diyan.
" Hon, mahirap. Ayoko."
" Please hon, pag-isipan mo ng maige ang favor ko. Saka, puede matulog na tayo? Inaantok na kasi ako." Sabay hikab ni Bridgette. Ipinikit ang mga mata saka napatulog na ito.
Si Matthew , di malaman ang gagawin. Lalong lumakas ang ulan. Naalaala niya si Randee na mag-isa sa probinsya. Umuulan din ba kaya doon?
Kinabukasan. Maagang nagising si Bridgette. Siya na ang nagluto ng almusal para sa kanilang dalawa. Tulog pa rin ang binata. Nang biglang mag.ring ang kanyang fon. Ang kanyang doctor tumatawag.
" O, ano what's your plan now? Ok na ang partner mo?
" Di ko makumbinsi eh, mahirap siyang kumbinsihin."
" Kailangan mo bang gawin yan? I mean, kailangan ba talaga?"
" Yes, doc. I have to. The only chance para magkaroon ako ng anak. Hope you will understand me too. I am not getting younger anymore. Delikado ang sitwasyon ko di ba? Ikakamatay ko right?"
" Alright, alright. Nandito lang ako. Anytime, tawagan mo lang ako kapag meron kanang posibleng maging surrogate."
" Kapag meron na, I'll contact you immediately. "
" Ok" anang wika ng doctor. Napabuntong hininga na lamang ang OB Gyne. He understand his client. Naaawa siya kay Bridgette.
" Sino ang kausap mo?" Si Matthew. Gising na pala. Sa kabiglaanan ay nabitawan ni Bridgette ang kanyang fon.
Kaagad naman dinampot ng binata ang fon at ibinigay ito sa katipan.
" What's the matter with you? Para kang nakakita multo diyan?"
YOU ARE READING
My Heart's Passenger
RomanceThis is about two individuals who sacrificed everything for the sake of love and trust.