Chapter Two

18 0 0
                                    

Linggo. Kararating palang ni Randee galing ng simbahan. Usually kapag nagsisimba siya ini-o-off nito ang phone. Kaya pagdating niya sa apartment na kanyang inuopahan ay muli niyang ini.on ang phone.

" Natutuwa ako sa mga pinag-gagawa mo Mandaya. Kaya mag-iingat ka." Ang mensahi na nakasaad.

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga sa kanyang nabasa. Simula nang makatanggap siya ng mga threat ay lumipat na siya nang matutuluyan. Iniwan muna niya pansamantala ang kanyang condo unit. Ang tanging nakaka-alam sa kanyang kinaroroonan ay walang iba kundi ang kanyang kinikilalang inang.
Patuloy pa rin siya sa kanyang trabaho. Parati pa rin siyang pumupunta sa project site. Ayaw niyang may masabi ang manager pati na rin ang may ari ng kumpanya, pati na rin ang mga korean investors. Talagang pinagsikapan niya ang lahat. May mga tao lang talaga na makitid ang mga utak. Mga selfish. Ayaw makatanggap ng talo. Malaki ang pasasalamat niya na may tiwala sa kanya ang kumpanya. Walang discrimination kahit na siya ay isang tibo. Nakayanan niya ang lahat. Yun nga lang may klaseng mga tao na gusto siyang i.down. Career rivalry? Di na natin alam kung sino ang totoo sa atin. Yan ang masakit. Katulad ng nangyari sa kanila ni Marlon. They were good friends before. Nagkalamat nalang nang makuha niya ang project na siyang labis na ikinasakit ng huli. Di matanggap na naungusan siya. Yes, si Marlon ay magaling na empleyado. Magaling na inhenyero. Kaya lang siya ang napili ng mga investors.

Ang ipinagtataka lang niya, these past few weeks ay hindi na niya nakikita si Marlon. Di rin siya nag-usisa pa. Gustuhin man niya ay baka ma.misinterpret pa siya. So minabuti nalang na huwag na muna. Saka nalang. Muli siyang napasungaw sa bentana. Malapit nang magtakip-silim. Magpapahatid nalang siya ng pang-dinner. May suki siyang crew sa malapit na fastfood. Nawalan na siya nang ganang lumabas.

Isang umaga habang nasa site siya ay naisipan niyang tanungin si Eula , sumama kasi sa kanya di rin.niya mawari kung bakit. Siguro may iniutos sa kanya ang manager.

" Di ko namalayan si Marlon this week.?"nakiramdam siya sa posibleng isagot ng sekretarya. Napalingon ito sa kanya.

" Nag-leave kasi." Maikling sagot ni Eula. Nagpatiuna ito sa paglakad. Di na niya sinundan. Napansin niyang may kausap sa kanyang cellphone sabay sulyap sa kanya ng paminsan-minsan.

Alam niyang may crush sa kanya ang babae kaya lang di niya pinapatulan. Diyosko naman, pareho lamang sila mga kabaro ni Eba. Di niya maatim pumatol ng kapwa babae. Tibo lang siya pero may pusong babae. May crush siya. Si Richard Gere! Lol. Napasulyap siya sa kanyang relong pambisig. Pasado alas 10 na nang umaga. Kumakalam ang kanyang sikmura kaya naisipan niyang iwan  muna ang site. Bahala na si Eula. Di rin naman niya kargo de konsensya. Trabaho ang ipinunta. Teka, trabaho nga ba? Wala na bang iba? Napapansin pa naman niya na kapag nasa malapit niya ang babae parang may mangyayari sa kanya tulad noon. Sana hindi ganoon. Bigla na naman siyang inatake ng kaba. At muling natandaan ang warning sa kanya ng manager. Sa isang trabahante siya nagpaalam na aalis muna siya sandali.

Pagkalabas niya sa site ay may namataan siyang itim na sasakyan. Ang isa ay pula. Nais niyang kabahan. Ipinagpatuloy niya lang ang pagpapamaneho. Dahan-dahan. Sabay tingin sa side mirror kung sinusundan ba siya. Hindi naman. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Nang pagsapit sa medyo tahimik na lugar ay biglang sumulpot ang pulang sasakyan. Doon na siyang biglang nagpanic. Anumang gulo na naman ito!

" Jesus! Please protect me. Mabait naman akong tao!" Naisambit niya sa sarili. Sabay patakbo ng mabilis. At sinundan na nga siya ng pulang kotse. Nang mapatingin siya sa rear view napansin din niya ang itim na kotse. Nakasunod sa pulang kotse.

" Diyata't dalawa ang kalaban ko? "
Himutok niya. Hinawakan niya ang nakalambitin na rosary. At napa.sign of the cross. Ang pagkalam ng kanyang sikmura ay biglang nawala. Ang kailangan niya ngayon ay ibayong lakas kung papano siya makakaligtas ngayon. Nang may narinig siyang putok! Tiyak na putok ng baril iyon!
Papano na siya ngayon? Wala siyang armas pang depensa. Oo nga may alam siya sa taekwondo. Sapat nga ba na maidepensa ang sarili sa di kilalang mga kaaway? Yan ang katanungan niya sa kanyang sarili na walang tiyak na kasagutan. Ipasasa Diyos nalang niya ang lahat. Si God na ang bahala sa kanya. At muli niyang pinaharurot ng takbo ang kanyang kotse. Ang ipinagtataka lang niya ay hindi nag oovertake ang sasakyang kulay itim. Nasa unahan na ang sasakyang pula, lumabas ang ulo ng sakay nito at inilabas ang baril. Ipinuntirya sa kanya sabay paputok nito. Mabuti nalang at hindi siya tinamaan. Pa.ekis-ekis na rin ang takbo ng kanyang sasakyan. Muling nagpaputok ang lalaking sakay sa pulang kotse. Tinamaan ang kanyang gulong. At siyang pag-ibis ng sasakyang itim, tumapat sa sasakyan ng dalaga.

" Randee!" sigaw ng lalaking nagmamaneho sa itim na sasakyan.
" Dali,.bilis. Hop in, just leave  your car!"

Ewan ba niya kung anong nag.udyok sa kanya na kaybilis niyang nakalabas sa kanyang sasakyan at nagtransfer sa kabilang kotse at umupo sa tapat ng driver. Racer ata ito dahil kay bilis din itong nag- U turn pagkasakay niya. At pinatakbo ang sasakyan nang mabilis. Malayo sa kanyang di nakikilalang kaaway. Noon lang siya nakahinga nang maluwag. Saka napatingin sa nagmamaneho. Na, this time nakatutok ang mga mata nito sa manibela.

Di makilala ni Randee ang lalaki dahil naka-bonnet ito ng itim. Tanging ang mata lamang ang nakikita. Laking pagtataka lang niya sa taong ito. Bakit kilala siya? At wala itong atubili sa pagligtas sa kanya sa tiyak na kamatayan. Di pa rin siya pinabayaan ni God. Napasandal siya sa upuan at napapikit sa kanyang mga mata. Hinilot-hilot niya ang kanyang sentido.

Lihim siyang pinagmamasdan ng kanyang taga pag ligtas.

" You're safe now." Anang sa baritonong boses nito. Napapitlag sa kinauupuan ang dalaga at napatingin sa katabi.

" Maraming salamat, Mister. Di ko alam kung bakit you're doing this for me. Pati kay kamatayam ay di ka  natakot. I owe you my life, bro!" Senserong pasalamat ng dalaga. Nanatili siyang nakamasid sa lalaking nagligtas sa kanya. Ang lalaki naman ay matamang nakatutok lamang sa manibela.

" Pasalamat ka sa Inang mo."simpleng sagot ng lalaki. Mas lalong nagulat si Randee sa sagot ng katabi.

" Kay Inang!" bulalas niya. Wala siyang kinikilalang inang maliban kay Sister Marie. Sino ang lalaking ito? Bat kilala niya ang madre? Saka lamang namalayan ni Randee ang daang tinatahak nila. Hindi na  pamilyar sa kanya.

" Don't you worry. Hindi ako masamang tao. At laking pasalamat ko na naabutan  kita, Dee." Mahinahon na salita ng lalaki. Lalong naintriga si Randee. Isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Ang matandang madre. Tiyak nasa malayo na sila. Walang nakasunod na sasakyan. Sa tantiya ni Randee ay malayo na sila sa siyudad.

Nang mapadaan sila ng isang restawran ay humanap ng parking space ang lalaki.

"Let's have lunch first bago tayo magtungo ng probinsya." Sambit nito sabay kuha ng kanyang bonnet. Namangha si Randee sa kanyang nakita.

" Matthew??" Parang di makapaniwala ang dalaga. Sa kanyang labis na tuwa ay niyakap niya ang binata. " Thank you so much, bro, my hero!"

My Heart's PassengerWhere stories live. Discover now