Chapter Five

19 0 0
                                    

Kaybilis ng panahon. Magtatatlong buwan na si Randee na nakatira sa probinsiya. Naging panatag na ang loob ni Matthew. Every MWF ang pagluluwas niya ng Cebu para maasikaso niya ang kanyang negosyo at pati na rin kay Bridgette. Isang bank manager si Bridgette dela Rosa.
Tuesday sa bahay ampunan. Thursday   free time, stay lang sa condo. Saturday at Sunday pa-probinsya. Yan ang routine ng binata na kabisado na rin ni Randee.

Si Randee naman ay kanyang pinagkakaabalahan ay ang magturo ng basic martial arts sa mga kabataan.
MWF lamang ang schedule. Tuesday at Thursday pangingisda naman. Kaya mas lalo siyang napamahal sa dalawang matanda. Saturday at Sunday sa bahay lang. Kaya every Saturday and Sunday sila.nagkaka bonding magkaibigan. Nakasanayan na nila ang isa't isa.

Sabado. Maaliwalas ang panahon. Ngayon ang dating ni Matthew kasama si Bridgette. Excited silang lahat na makilala ang mapapangasawa ng binata. Kahapon ay kontudo linis sila sa buong bahay. Ayaw nila na may mapintas ang dalaga.

Di nagtagal dumating nga ang sasakyan ni Matthew. Dali-daling sumalubong sina Nana Impiang at Randee. Excited na rin silang makita si Bridgette.

" Maligayang pagdating Sir Matthew at Maam Bridgette! " Maligayang bati ng matanda sa dalawang bagong dating.

" Nana Impiang!" Si Matthew. At nagmano sa matanda. Nagmano na rin si Bridgette.

" Magandang umaga po, Nana Impiang" tipid na salita ng dalaga.
Saka pa napansin nila si Randee na nakatayo lamang.

" Dee! Kumusta ang martial arts class mo?" Natutuwang wika ng binata sabay akbay sa kaibigan.

" Ok lang bro, dumarami ang mga estudyante ko! " Masaya ring balita ng dalaga.

Noon lang napansin ni Bridgette si Randee. Hindi niya ito kilala. Wala ring naikuwento sa kanya si Matthew.

"A, hon. Siya nga pala si Randee, pamangkin ni Nana Impiang. Dito muna siya pansamantalang tumitira. Para may makasama sina Nana Impiang at Tata Dinggo. Kasa-kasama siya sa pangingisda ni Tata. " Mahabang paliwanag ng binata.

Ngiti lang ang tugon ni Bridgette.

" Nice meeting with you, Randee."

" Nice meeting with you too, Bridgette." Pormal na sambit ng dalaga.

Saka silang lahat ay pumasok na sa loob nga kabahayan.

Deretso ang dalawang bagong dating sa guestroom.

Napahiga sa kama si Bridgette. Sandaling ipinikit ang mga mata.

" Are you okey, hon? " Nag aalalang tanong ng katipang si Matthew. Naupo ito sa tabi niya.

" Just tired. Ang layo pala dito." Nakapikit pa rin ang mga mata ng dalaga at hinihilot ang sentido.

" You want to rest? Mamaya nalang kita ipapasyal." Muling salita ng binata.

" Yes, hon. Kung pupuede? Just a nap lang." At nagpaiwan na ang dalaga sa guest room. Nagtaka si Matthew sa inikilos ng katipan. Parang hindi ito natuwa sa pagdating sa probinsiya. Naninibago lang ata. Malayo kasi kung tutuusin.

Pumanaog si Matthew at hinanap si Randee. Di niya makita. Sabado naman ngayon, walang session. Pinuntahan niya sa kusina, tanging ang matandang babae lamang ang naroon. Si Tata Dinggo naman ay abala sa garden.

"Saan kaya ang taong yun?" Takang tanong nito sa sarili at lumabas na ng bahay. Di pa rin makita ang kanyang hinahanap. Muli siyang bumalik sa loob.

" Nana Impiang, si Randee po? Tanong nito sa matanda.

" Ay, wala ba sa labas , iho.? Nakita ko si Randee diyan lang naman.

" Wala nga eh. Si Tata Dinggo lang ang nasa labas.

My Heart's PassengerWhere stories live. Discover now