Chapter Seven

11 0 0
                                    

Napabalikwas ang dalaga. Tumitiktilaok na ang mga manok. Dali dali siyang pumanaog. Walang katao-tao maliban sa kanya. Wala na ang sasakyan ng kaibigan. Wala pa rin  ang dalawang matanda.

Kumakalam ang kanyang sikmura. Dali dali siyang nagsalang ng rice cooker. May natira pang adobo kagabi. Yun nalang ang uulamin niya.

Nang tingnan niya ang orasan sa living room pasado alas sais na. Nagtataka siya kung bakit di pa rin umuwi ang matatanda. Si Matthew?

Si Matthew. Di niya alam kung saan nagpunta. O, baka bumalik na nang Cebu? Di man lang nagpaalam sa kanya. Napadami ang inom niya kagabi. Baka yon ang ikinagalit? Baka nagalit nga ito sa kanya. Kaya biglang bumalik ng Cebu? Napailing siya sa kanyang naisip.

Pabalik nga ng Cebu ang binata na may bigat ang loob. Nilinlang siya ni Randee. Sa tinagal tagal ng kanilang ng pagkakaibigan. Bakit hindi man lang niya namalayan agad? Oo nga napakaguwapo nito. Flawless nga ang kutis. Puede siyang mapagkamalang artista sa kanyang hitsura.

Kaya pala minsan kakaiba ang ikinikilos nito. Di rin niya binigyang pansin. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili nang malaman niya niya ang totoo. Na may inililihim sa kanya si Randee. Bakit? Bakit gusto niyang ilihim ang kanyang pagkatao? Sa anong dahilan?

Nang biglang magring ang kanyang cellphone.

" Hello?"

" Sir Matthew, ang Nana Impiang mo ito."

" Nana Impiang?" Gulat na sambit ng binata. Inihinto muna niya ang kanyang sasakyan. Malapit na siya sa Cebu City.

" Pasensya na talaga dong Matthew, ang Tata Dinggo, inatake ng rayuma. Di makalakad. Baka iilang araw pa kami hindi makauwi sa bahay."

"Ah, ok po Nana. Walang problema po. Ingat kayo diyan ni Tata. Sige po."

Mag-isa ngayon si Randee. Matutulog siya na mag-isa doon sa probinsya. Bigla ata siyang naging concerned. Ang kinikimkim niyang galit ay napalitan ng pag-aalala.

Sa kanyang opisina ay hindi siya makaisip ng matino. Muli niyang tinawagan ang katipan. Salamat sa Diyos, at last. Si Bridgette na nga ang nasa kabilang linya.

" Hon?" Aniyang sambit ng dalaga.

" Susunduin kita diyan mamayang hapon. May dapat kang ipaliwanag sa akin. " Walang kangiti-ngiting wika ng binata.

" Saka nalang, hon. May importante kasi akong lakad mamaya. Tatawagan nalang kita."

" Sasamahan nalang kita mamaya."

" Hon, please. Puede? Saka nalang tayo magkita."

" M-may problema ba tayo, hon?
May kailangan ba akong dapat malaman? May itinatago ka ba sa akin?"

" Promise mag-uusap tayo. Huwag kang mag-alala. Just give me a week hon. Please."

" Kung may problema, nandito naman ako. Ano ba talaga ang nangyayari sa yo ha?"

" Hon, saka nalang. Please. One week." At nawala na ang connection.

Mas lalong nagtaka si Matthew. Hinding-hindi niya malilimutan na lalaki ang nakasagot sa fon noong nakaraang araw.

Muli na naman niyang naisip si Randee. Nagdadalawang isip siya. Babalik ba ng probinsya o hahayaan nalang niya na mag-isa ito. Kaya naman siguro nito ang sarili. Matapang. Ngayon siya dapat maging matapang.

Tinapos ni Matthew ang business meeting sa isang five-star hotel. Almost five na nang hapon. Kung uuwi pa siya ng probinsya tiyak na gabing -gabi na siya makakarating don. E ano  naman? Bakit kailangan pa niyang umuwi? Di ba galit siya kay Randee?

My Heart's PassengerWhere stories live. Discover now